Capítulo Siete

41 18 0
                                    

Kaarawan

"Hello ma? Bakit?" sagot ko sa biglaang tawag niya. Nasa trabaho ako buti nalang ay meron yung kasama ko para magbantay.

{Nak naistorbo ba kita? Sorry ha wala nakong time mamaya baka makalimutan ko pa}

"Ano po ba yun ma?"

{Your tito Leo wants to throw you a birthday party together with Lucy. Diba hindi siya naghanda dahil dun sa kalokohan niya. Ang sabi ng tito Leo mo sa dyan lang daw sa San Fabian Beach.}

"Kelan ma? Baka busy naman ako."

{Give yourself a break anak sa friday tutal saturday naman na ang birthday mo hindi ba? Ipapakilala na din daw ni Lucy ang boyfriend niya.}

"Sige ma after class po ba ang punta natin? Diba 2 hours lang ang biyahe don? Tsaka sasama ko garod mga kaibigan ko ma."

{Sige lang anak papasundo ko kayo ng van para di na kayo magcommute.}

"Sige po."

Pinatay ko na ang tawag at nag tuloy na sa trabaho. Pagkatapos naming mag away ni papa ay iniwan ko nalang sila doon. Minsan ay sobrang gabi na ako umuuwi para hindi mag krus ang landas namin ni tita Rose. Alam ko naman na lagi akong talo pagdating sakanya.

Madalas din akong nasama sa barkada kung saan saan nagpupunta pagkatapos ng trabaho. Minsan ay alas dose o kaya ala una na kami nakakauwi ng sabay sabay dahil sa trip naming magbabarkada.

Nang minsan ay nag takbuha kami sa field at nag-taya tayaan. Nung minsan nama'y nagpahabol kami sa aso. Para kaming sira na mga high school student sa ginagawa namin. Meron pang oras non ay nagpahabol kami sa pulis dahil curfew time na nga.

Ang sabi nila ay hindi masamang balikan ang mga kalokohan namin lalo na't alam naming stress kaming lahat. Si Lucas at ako ay ganun pa rin ang status ligawan. Ang cool lang kasi kahit nanliligaw siya ay ang treatment niya saakin ay hindi nalalayo sa kaibigan pa rin. Parang naron parin sakanya ang point na dapat kahit na may stado kaming komplikado mas panaigin namin ang pagiging magkaibigan namin.

Si Jane ang balita ko ay umaayos ang lagay. Vlogger siya at ginagamit niya yun para makapag aral at makapagpa-aral. Ginagamit niya din iyon para mabuhay ang pamilya niya. Matalino at madiskarte si Jane. Pero sa love? Ayun tanga sa ex pabalik balik sila.

Jonelyn was doing great too. Natutong kumita ng pera at mag ipon. Dahil sa naging deal nila ng papa niya ay mas natuto talaga siya. Maraming usap usapang nagiging matino nga daw ito. Kilala kasi siya bilang barumbada ng mga guro. Kaya isang himala at nag aaral na ito ng mabuti. May himala!

Sobrang busy din ni Corine. Mataas ang expectation sakanya kaya ganun nalang ang tutok nito sa pag aaral. Pero iba ang napapansin ko ngayon. Parang medyo nababawasan ang tutok nito sa pag aaral dahil nakakapag status na ito. Nakakapag travel travel na din dahil nagtatanong ito nung nakaraan kung saan pwedeng mag punta. Baka lumalandi na din ang bunso namin.

Si Nicholas naman ay napapasama sa dalawa. Pana'y ang punta sa bar. Walang pinagbago mga babaero pa rin. Hinihintay ko talaga na magkaron ng babaeng makakatapat nila. At makakapagpatino sa pagiging babaero nila.

Nang makauwi ay nakita kong gising pa si Frose at tutok na tutok sa napakaliit nitong cellphone. May kinokopya yata. Napatingin ako sa orasan at nakita kong halos mag aalas dose na. Sumilip muna ako sa kuwarto ng mga babae at nag punta sa kusina kung saan nandun si Frose.

"Ano yan?" halos mapatalon siya sa gulat ng mag salita ko.

"Ah assignment lang po ate. Hindi po kasi bukas yung com-shop kanina para sa print."

Unwittingly DestinedWhere stories live. Discover now