Epílogo

72 20 0
                                    

Esto es último capítulo, espero que te guste

Mint Francis POV

Umuwi ako ng panggasinan pagkatapos ng paguusap namin ni Lucy. Habang nasa biyahe hindi ko maiwasang mapaluha ng mapaluha. Naron ang sakit at saya saaking puso. Saya dahil sa wakas napakawalan ko ng maayos at naayon saaking plano si Lucy. Ngunit sakit para saamin ni Faye. Alam kong hindi madali sakanya ang lahat. Alam kong horap na hirap na siya. Dahil pamilya niya yun. Sa simpleng araw na nakakasama ko siya nitong nakaraan ay nakita ko kung paano niya pahalagaan ang pamilya niya. Paano niya pahalagahan ang bawat isa. At ramdam ko ang bigat ng sitwasyon para ngayon.

Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko si papa nakaupo sa balkonahe. Nakatingin sa palubog ng araw. Nakangiti ito ron na para bang may naalala. Lumapit ako ngunit napatigil ng magsalita ito.

“Ang papalubog na araw ay parang pagmamahalan ng dalawang tao. Hindi nahuhuli dahil may kinabukasang nagaantay.” napalingon ito saakin at ngumiti ng pagkatamis tamis. “Halika rito anak.” he tap the chair beside him.

“Dad…” lumapit ako sakanya at humalik sa pisngi nito.

“Alam mo bang ang mommy mo ang first love ko?” natawa pa ng bahagya si daddy. “Dati kasi babaero ang lolo mo. Tapos ang sabi ko sa sarili ko non pwede naman palang maraming babae bakit hindi ko gawin. Sa isang linggo lima ata ang napapasagot ko ganun ka-lakas karisma ng tatay mo…” napatingin ito sa kamay niyang pinasikop. “Pero one time I meet your mom. Nakilala ko siya ng may tour kami sa Nueva Ecija. Naka uniform siya non, tapang sumugod saakin. Dahil daw binili ko yung favorite niya yung tatlong piraso ng kwek-kwek.” nahawa ako sa pag ngiti ni daddy. “Last na kasi yun. At aaminin kong masarap kahit hindi naman ako nakain nun. Nakita ko lang kasi na nanghihiram siya dahil kulang ang dala niyang pera. Bibilhin ko sana yun talaga para sakanya kaso nagalit. Kaya inasar ko kinain ko pa sa harap niya.” dun lumabas ang tawa ni papa na hindi ko pa narinig ever.

“Maloko ka pala dad…”

“Sobra pero nung araw na yun. Hindi ko nakalimutan yun. Kasi simula non hindi natanggal sa isip ko ang mommy mo. Nambababae parin ako pero hindi ko na ramdam. I feel boring. Naboboring nako sa mga babae sa paligid ko. Kaya sabi ko try ko kayang bumalik sa lugar na yun. I convince your lolo to give me a money. At pag binigyan niya ako I promised that I will pass my grade without pasang awa grade.” napaangat ulit ng tingin si papa saakin. “So he gave ma a money. Sabi niya pag yang sinabi mo ay hindi totoo pupunta ka ng America at don na mag aaral. So I get scared. Nung binigyan niya ako ng pera hindi ako nagsayang ng panahon. Nagpunta ako sa lugar kung saan ko nakita ang mommy mo. Pero wala siya don. Nag iintay ako pero wala talaga siya don. So bumalik ako sa manila ng walang napala.” naging malungkot ang mukha ni papa.

“Bumalik balik ako don sa lugar na yun. Nagtry akong magtrabaho para lang may pampamasahe papunta don. Nakikiusap din ako lagi kay lolo mo. Nag aral akong mabuti dahil sabi ko pag may trabaho na akong stable hindi ko na kailangang humingi kay lolo mo. Hindi na rin ako nagdatr ng kahit na sino kasi parang nagwawaldas lang din ako ng pera sakanila. Naging best place ko ang lugar na yun. Naging tambayan ko yun to the point na humiling ako sa lolo mo na patayuan niya ako ng bahay sa malapit don pero di siya pumayga. Kung gusto ko raw magkabahay mag trabaho daw ako. I worked hard for it. I always work hard for my dreams simula non. Para akong tinuruan ng mommy mo sa isang iglap. Sa isang pagkikita namin.” hindi na nawala ang ngiti niya sa labi.

“Kaya nung magkita kami ulit. May stable job nako. Pero nakilala ko pa siya. Kasi yung mata niyang tulad sa mata mo. Yung labi niyang kasing hulma nung sayo ay hindi nagbago. Nung magkita kami nabuhayan ako. Kilala niya pa daw ako kasi isa ako sa momerable na tao ang hindi niya makalimutan dahil sa kwek-kwek. I gain friendship with her. Hindi nga tumalab ang karisma ko sakanya eh. Kaso ilang buwan palang kaming nagiging magkaibigan. Sinabi niyang kailangan niya daw lumuwas ng Manila. Kaya sabi ko sasamahan ko siya. Pero she decline. Kaya niya daw ang sarili niya. Sabi ko aantayin ko siya. Aantayin ko siya ulit.” nakita ko ang pagbagsak ng luha ni daddy kaya napayuko ito para itago.

Unwittingly DestinedWhere stories live. Discover now