Nakaraan
"Atarah! Atarah!" Rinig ko ang boses ni mama mula dito sa pinagtataguan ko. "Atarah Faye! Tanghali na anak kakain na tayo," tawag pa nito ngunit hindi ako lumabas. "Ay ang anak kong maganda nagpapahanap pa ayaw lumabas di bale ako nalang ang kakain ng pastillas na dala ng papa mo," mahihimigan sa kanyang tono ang pangiingit.
"Mama!" Kunwaring galit na ani ko. "Nigagamit mo ang kahinaan ko!" Sabi ko at kunwaring nagmaktol papalapit dito.
"Wala akong ginagawa Faye ha?" Natatawa pa niyang ani.
"Anong wala? Nigagamit mo yung favorite ko e!" Nakalabing ani ako
"Kasi naman ikaw bata ka tanghali na di ka pa nauwi e kakain na tayo," ani niya at inakay ako papunta sa bahay.
“Mint!" nagugulat kong nilingon ang pinang-galingan ng boses na iyon. Isang kasing edad ni mama na lalaki ang nakita kong nakatayo habang palingon lingon ito na tila ba may hinahanap. “Mint! Mint!" malakas na sigaw nito.
“Mama, kilala niyo po siya?" maang na tanong ko kay mama.
“Hindi e bago ata sila rito," ani nito at liningon pa ang lalaki.
"Sir? May hinahanap po ba kayo?" magalang at mahinahong ani ni mama.
”Aa opo ma'am maari po bang mag tanong kung may nakita kayong batang lalaki na ganto kataas," ani niya at itinapat ang kamay sa tapat ng dibdib. “At may kaputiang ba--" di nito natapos ang sasabihin ng may sumigaw.
“Pa!" boses ng isang lalaki. Nilingon ko ang pinangalingan ng boses at nakita ang lalaking matangkad at maputi. Ang makapal nitong buhok ang nakakaagaw ng pansin. Maging ang makakapal na kilay pati ang matang buhay na buhay at makislap.
“Hoy Faye! Kinakausap ka ano daw pangalan mo!" Nagulat ako sa pagtawag saakin ni mama.
“Aa-ee Faye po," nahihiyang ani ko at napakamot sa aking sintido.
“Nako pagpasensyahan niyo na po itong anak ko at medyo mahiyain po talaga," napapahiyang ani ni mama at humawak sa magkabilang balikat ko.
“Aa ayos lang ako nga pala si Franco tatay nitong si Francis. Pasenya na kayo naabala ko pa kayo tong anak ko kasi napakalikot. Tanghali na hindi pa nauwi," ani ni sir Franco. “Bagong lipat lang kami kaya hindi ko pa masyadong gamay ang lugar dito," ani niya pa.
“Ganun ho ba," ani ni mama at ngumiti kay sir Franco. “O siya sir mauna na ho kami baka po dumating na ang asawa ko," dagdag ni mama at tumango pa rito.
"Sige, salamat," ani pa ni sir Franco at tumalikod na. Napatingin ako kay Francis na nga ngayon ay akay ng kanyang tatay pauwi ng kanyanilang bahay. Naiinis ito dahil sa paulit ulit na pagsasalita ng ama na tila ba pinagagalitan ito.
Nang makarating kami sa mumunti naming bahay ay nadatnan namin si papa na halos kararating lang rin.
“Papa!" tawag ko dito at tumakbo papalapit dito.
“Hay ang prinsesa ko!" nakangiting salubong nito ay binuhat ako. “Saan ka galing ha? Ikaw ba'y pinapagod nanaman ang nanay mo?" ani ni papa.
“Hindi po papa!" agarang tanggi ko.
“Hay iyang prinsesa mo pinaghanap ba naman ako dahil saan saan nanaman napadpad iyan," pagsusumbong ni mama.
“Ma! Hindi kaya! nasa kabilang iskinita lang ako papa," tanggi ko muli at lumabi.
“Hay o siya tara na at pagod ako sa duty. Kumain na tayo ng mabawi ko ang aking tulog," ani ni papa na halata ang pagod sa kanyang awra.
YOU ARE READING
Unwittingly Destined
AléatoireSerie de Provincias #1 [COMPLETE] A million of people seeking for love and I regret for being one of them. This is worst that seeking for food everyday. Because this is seeking for yourself. Nakakatawa siguro iniisip ng iba na mababaw ang ganitong p...