Catípulo Catorce

43 14 0
                                    

Mint Francis POV

“Mint listen... We're going somewhere... Far here.. Far from your mommy anak...” sabi ni daddy matapos nilang magtalo ni mommy.

“B-but why? We're leaving mommy here? She's going to be alone dad... Being alone is--”

“Anak listen..” nakita ko ang mga luhang dumaloy sa mata ni papa. “Mommy have another family...”

“Why was that dad? Diba ikaw ang asawa niya?”

“Anak... Please daddy will going to explain to you soon. But now we need to leave. Bago nila tayo maabutan.”

Nag ayos si papa ng gamit. Nag mamadali man ay nagawa niyang isama lahat maging ang maliliit na bagay ay nagawa niyang iayos na para bang napaghandaan niya na ang araw na ito.

“Franco...” tinig ni Mommy. “Mag usap tayo...”

“Hindi na Dianna... Ayaw kong madamay dito si Mint kaya mas magandang lumayo na kami...”

“Franco... Nagmamakaawa ako wag mong ilalayo si Mint...”

“At anong matitira saakin? Wala ganun ba Dianna? Anong mangyayari kay Mint? Parurusahan ni Lurian? Ha? Dahil sa kasalanan natin? Ayaw kong mangyari yun Dianna please? Let us leave...”

Nakita kong tumulo ang luha nilang dalawa. Hindi ko gusto ito pero naiintidihan ko na ang lahat. Ito yung gabi gabi kong naririnig na pagtatalo. Alam ko ang gustong mangyari ni daddy. Hindi niya man nae-explain saakin ay ramdam ko mismo yun. Gusto niya ng makakabuti saakin. At ang lumayo kay mommy ang sulusyon.

Umalis kami ng hindi kasama si mommy. Gusto ko pa siyang balikan at yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. ‘I love my mom so much. But in this situation I need to choose dad. I need to choose what's good for me.’

Nagpadpad kami ni daddy sa panggasinan. Maganda ang bahay na nabili ni dad. Maayos, malapit sa bukurin ngunit may mga kapitbahay, maaliwalas at malayo sa problema tulad sa Manila kung nasan si mommy. Alam ko ang love story nila Mom. They are high school lover and something come. May naging asawa si Mommy. Pero masyado niyang mahal si daddy kaya sila nagkaron ng relasyon habang may asawa siya. ‘Love is too betrayal’.

Pagkalipat namin don ay nakilala ko ang batang anak ng kapit bahay namin. I find her amazing. Feel ko masarap siya kasama. Kaya ng kinahapunan ay sinadya kong itapon sa likod ng bakuran nila. Gusto ko lang naman siyang yayain. Hindi nga ako nagkamali nung isipin kong makikita niya ako.

“Hoy! bata!" nagulat pa rin ako sa tinig nito. Batang bata at napakatinis. “Anong ginagawa mo dyan?!"

‘Halla? Bat parang galit siya?’

“Aa pasensya na napunta kasi itong isang tsinelas ko dito," pagdadahilan ko kahit hindi naman yun ang sadya ko. “Faye ang pangalan mo diba?"

‘Syempre diko malilimot yun ang ganda kaya bagay sakanya..’

“Mint nga pala," Nahihiyang pakilala ko. “Baka kasi nalimot mo," nahihiya ko pang inabot ang kamay ko. ‘Bat ba ako nahihiya ng ganito eh parehas lang naman kaming bata!’

“Yan lang ba talaga ang ipinunta mo rito?"

‘Bat ba hindi ka naniniwala!’

“Gusto ko rin sanang makipaglaro sayo kaso sabi ng mama mo tulog ka pa raw,"

‘Please pumayag ka please?’

“Ganun ba. Ano bang gusto mong laruin?" Nagnining-ning ang matang ani nito. ‘Wow...’

Unwittingly DestinedWhere stories live. Discover now