Capítulo Dose

48 17 0
                                    

Song played: Paano na kaya By: Bugoy

Lucas POV

“Pabili nitong Candy lima.” halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may batang babaeng bumibili sa tindahan ng lola ko. Maputi may katangkaran, makinang ang itim na itim nitong straight na buhok. Ang mapusyaw nitong labi maging ang may katangusang ilong. Ang magandang magkakalagay ng kilay at itim na itim na pilik mata. ‘Damn perfect!’

“Kuya sabi ko pabili nitong candy nato!” halatang iritableng ani nito. “Psh titig na titig.” rinig ko pang bulong nito.

‘Suplada nga lang.’

Inis akong dumampot ng limang candy na Maxx. Grr! Ang ganda mo sana suplada ka nga lang. Tapos sabagal pa sa pangungupit ko! Gutom na yung bata sa kanto! Kainis! Inis kong pinagbentahan yung bata.

“Wag kang nangungupit kawawa naman yung tunay na may ari niya.” sabi niya bago umalis.

Inis ko siyang tinignan habang naglalakad palayo. ‘Para naman sa mabuti eh!’

“Oh apo salamat naman at binantayan mo tong tindahan. Andaming tao dun sa palengke pasensya na natagal ako.”

“It's okay po lola.” napapakamot sa sintidong ani ko.

‘Okay walang pagkain yung bata sa kanto’

Bata palang ako mahilig na akong tumulong kung kani-kanino basta nakikita kon hirap ito. Yung batang tutulungan ko ay batang gala na walang magulang namamalimos lang siya araw araw. Kaya naisipan kong bakit hindi ko siya tulungan. May maliit na bahay na hindi ginagamit don sa kanto. Wala na ding nag mamay-ari non kaya dun ko pinapatuloy yung batang yun. Kumukupit o kaya di ako kumakain minsan para matulungan siya. Madalas ay naron lang din ako para turuan siya kung anong napagaaralan ko sa school. She is my best friend all along.

“Ikaw bata ka! Hindi ko lubos maisip na kaya mong magsinungaling saakin. Jusmiyo ka pag nalaman ng Mommy mong may kaibigan kang ganun panigurado pauuwiin ka non.”

“Lola please don't tell to my Mom... Please? Promise I'm going to school properly and I'll just go there when it's my free time please let me? Don't tell Mom please?”

“Hay jusko kang bata ka... Sige hindi ko sasabihin sa mommy mo to please lang apo dalhin mo nalang yung batang yun dito para di na ako mag alala pag pupunta ka dun huh?”

Masaya ako ng araw na iyon. Tinulugan namin yung batang yun. Halos di nako lumabas kasi lagi lang kaming nasa loob ng bahay. Kami lang ang magkaibigan. Pero tulad ng sabi ko nasa bahay lang. Hindi siya pinagaral ni lola. Pero tumuyulong siya sa pagtitinda. May alam din siya dahil sa mga tinuturo ko sakanya. Nakakalungkot nga lang pag wala siya sa school.

Pero tulad ng maghigh school ako. Grade 8 o seconde year ako nag transfer ng school. Nakilala ko ang mag kakaibigang kuya Nicholas, Carlo, and JK. Hindi sila magkakagrade level pero magbabarkada sila. Nakilala nila ako dahil sa nabully ako. Sinabi nilang sumama nalang ako sakanila para hindi ako mabully. Saaming lahat ay isa ako sa pinaka bata.  Sakanila daw ay may kaibigan din silang babae. Sila Jane, Jonelyn, at Rafa. Noon ay mas bata pa silang kaibigan kaibigan ayon si Corine.

Maganda ang pagkakaibigan namin pwera don kay Rafa. Siya kasi yung dahilan non bakit hindi ako nakapagbigay ng pagkain dun sa kaibigan ko sa kanto. Medyo hindi ako approve sa ugali niya. Tahimik lang kasi ito, halos halikan ang mga libro kasi lagi siyang merong hawak nito at simple lang. Actually maganda siya pero ang hirap niyang kausapin madalas isang tanong isang sagot. O di kaya ay tango lang ang binigay na sagot.

Unwittingly DestinedWhere stories live. Discover now