Capítulo Trece

40 17 1
                                    

Pagbunyag

Nang matapos kaming magusap ni Mint ay dali dali kong nilisan ang lugar kung nasan siya. Sa sobrang pagmamadali ay halos mabungo ko ang lahat ng nakakasalubong ko. Namalayan ko nalang ang paghinto ng matinding damdamin ng yakapin ako ni Lucas. Si Lucasna laging nariyan para saakin. Lagi akong sasamahan sa lahat ng aking pupuntahan. Si Lucas na dahilan ng paulit ulit kong pagtatanong sa sarili. Kung bakit hindi nalamang siya ang mahalin ko. Bakit hindi nalang sakanya ako mahulog ng ganito. Pero tulad ng sabi ng iba. Mahirap pag-aralang mahalin ang isang tao.

Pagkatapos ng pagyakap saakin ni Mucas ay nagkayayang magcelebrate ng pagkapanalo namin. Ganun nalang ang pananahimik ko sa takot na baka hindi ko mamalayan ang sarili kong humingi ng tawad kay Mint at bawiin lahat ng sinabi ko sakanya. Naramdaman ko ang hindi magandang pakiramdam ni Mint pero wala akong magawa. Ayaw kong maging mapusok sakanya. Ayaw kong konsintihin ang katarantaduhan naming dalawa. Para saakin kung ano man itong nabubuong nararamdaman namin para sa isa't isa ay pagsubok sa minamahal niya ngayon.

Nakita ko kung paano siya lumabas ay magpahangin. Hindi ko halos maialis ang tingin ko sakanya nung lumabas siya. Hindi ko gusto ang pamamaraan niya ng pagpipigil sa sarili niya. Dahil naakit ako. Naakit akong lapitan at aluhin siya. Naakit ako na gawin ang mga hindi ko dapat gawin. At natatakot ako para don. Natatakot ako sa lahat. ‘Damn! Bakit ako ganito? Playing safe amputa!’

Nang makabalik ay nakita kong hawak nito ang Ribisco at Jammin. Mga pagkaing sabay naming kinakain noon. Nagulat ako ng sabihin ni Krisha na pampakalma niya ito. Ganun nalang ang lungkot ko ng hindi ko alam ito. Marami na talaga akong hindi alam tungkol sakanya. Marami na akong nakaligtaan sa buhay niya. ‘Buti pa si Krisha...’

Hindi ko na siya halos matignan non o kahit na sino sa lamesa namin. Naron ang saya sakanila pero hirap akong madama yun. Merong parte saakin na hinihiling na sana ay matapos na iyong gabing iyon. Sana ay mailayo nalang ulit ako sakanya. Nararamdaman ko ang pagaalalang meron si Lucas pero di ko mapagtuonon. Kahit na alam kong siya na ang pinili ko hindi ko pa rin ito maiwasan. Hindi ko pa rin maiwasan ang nararamdaman ko.

Nang matapos ang celebration kasama sila Mint ay nakahinga ako ng maluwag. Noon ko lang ipjnagpasalanat ang uwiin at paghihiway sa magkakaibigan. Pero naron saakin ang panghihinayang. Naabnormal ang nararamdaman ko ngayon. Kung kanina ay halos gusto ko ng iwan si Mint ay ngayon ganun nalang ang paghiling ko na sana ay magkita kami ulit.

Nang makauwi ay nagulat ako sa pasurpresa nila mama saakin. Panay ang pag congratulate nito saakin. I feel something relieve but partially melt when I saw Lucy's smile. Binabagabag pa rin ako ng lahat. Matapos kong gawin ay nakakatawang nag sisisi ako ngayon. Baliw na talaga ako.

Nakausap ko din si Lucas ng gabing iyon. Naron ang saya sakanya. Niyaya niya akong ipapakilala niya daw ako sa magulang niya. Nung una ay nagulat ako pero agad ding pumayag dahil nagbabakasakali akong masusukliin ko na ang pagmamahal niya pag ginawa ko yun. Na baka makadagdag sa nararamdaman ko ang gagawing pagpapakilala sa magulang niya. Hindi rin malabo pero hindi rin ganun kalinaw ang nakikita kong desisyon.

Lumipas ang araw na parang natural na araw lang. Walang iba (pero di na ikaw char) pasingit singit author kala mo kajoin amp! Walang iba pero naron ang pangamba sakin. Hindi pa rin tuluyang pinapahinto ng konsensya ko. Ganito ata pag may nagawa kang mali. Gabi gabi kang binabagabag ng konsensya.

“Tulala ka? Nakuha mo na yung result mo?” nagulat ako sa tinig ni Jane saaking tabi.

“Ah- oo kanina.”

“Ano kamusta? Nakahabol ka? Nasa list ka pa rin ba? Balita ko medyo tagilid yung kasama mo ah? Dahil mas pinagtuonan niyo yung content.”

Unwittingly DestinedWhere stories live. Discover now