DAY 16✅

30 2 0
                                    

ROCEL'S POV

Naalimpungatan ako dahil feel ko may nakatingin sakin. Pagmulat ko eh wala naman akong nakitang tao. Nasa kwarto ako ni Monica natulog dahil takot daw siya na mapag-isa sa kwarto niya. Saktong alas tres ng madaling araw ng magising ako— nakita ko sa glow in the dark na orasan ni Monica.

Kumuha ako ng isang unan para ito yung kayakap niya para hindi siya magising kapag umalis ako. Bumaba ako sa sala at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Alas tres naman na kaya ipaghahanda ko na lang si Monica ng breakfast bago ako umalis.

Sinangag, egg, hotdog at bacon ang inihanda ko sakanya. Hinugasan ko yung baonan na binigay ni Terix sakin kagabi. Nilagyan ko ng sinangag at kanina na mainit, 2 egg, 2 hotdog at 2 bacon. Ok na ata ito para sa isa o dalawang araw.

Ginising ko na si Monica para makapag breakfast at makapagpaalam na ako.

"Ang sarap! Ang galing niyo naman po magluto ng sinangag!" masayang sabi ni Monica.

"Suss toyo lang naman ang dinagdag saka kain ka na at magpapaalam na din ako kasi baka dumating ang mom at ate mo." sabi ko.

"Ate wait lang ahh may ibibigay ako sayo." sabi niya at dali-daling umakyat.

Ano naman ibibigay nun sakin?

"Ate!" hingal na hingal siya ng iabot niya sakin ang isang bag na parang sinlaki ng bag ko.

"Ano 'to?" takang tanong ko.

"Kakailanganin niyo 'yan ate sige na po." isinuot ko naman at nagpaalam na. Kumaway naman siya sakin pakalabas ko ng gate nila.

Malapit na ako sa may subdivision namin dahil nakapag tanong ako kay Monica kung nasaan sila sa mapa ng pilipinas.

Pera pala ang laman ng bag na ibinigay sakin ni Monica kaya nakapag commute ako.

Nagdadalawang isip ako kung papasok ako o hindi kasi alam ko naman na andyan siya sa loob ng mansion dahil dito na siya madalas!

Hindi ko lang lubos maisip na bakit sita pa? Wala naman akong ginawa sakanya eh. Napapansin ko lang nitong mga nakaraang gabi eh palagi akong nananaginip! Hindi naman siguro iyun ang past memories ko 'di ba? Napaka impossible na maging anghel ako! Nakita ko pa si Angelo at Damien sa mga panaginip ko!

Nakita ko rin sa panaginip ko kagabi ang batang nagbigay ng pagkin sakin. Kapatid ko siya sa panaginip ko!

Sino ka ba talaga Asteria? Ikaw ba at ako ay iisa? Ang kwintas na suot ko ay sakanya kaya? hindi impossible na ako siya.

"Ilang araw na daw nawawala si Rocel kaya ang mag-asawang Aquino ay umuwi para tumulong sa paghahanap."

"Mabait na bata iyun saka hindi ko aakalain na kikidnapin."

"Mayaman kasi kaya ganyan, kaya huwag kang mag-aasawa ng mayaman."

"Americano nalang?"

Napabungisngis nalang ako dahil sa narinig at nakita. Binatukan kasi ng ale ang kasama kaya ang nguso ay kay haba!

Stop Rocel! Tutula ka na naman ng wala sa hulog ng utak! Palpak!

Pinagmasdan ko lang ang gate at ang masion dito sa kinatatayuan ko, ayaw ko na lumapit o kaya magpakita lalo na sa mga bintana na tinted pero kapag nasa loob eh malinaw na nakikita sa labas.

20 Days to Hell Or Heaven? Saan Nga Ba? (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon