DAY 2✅

57 5 0
                                    

"Sigurado ka na ba talaga hija? Hindi ko man maalala ang lahat pero sa nakikita ko sayo ay hindi ka taga rito. Makinis at maputi ang balat mo, hindi ka laking probinsya." napatingin naman ako ng sabihin niya iyon, naglakad-lakad kami gaya ng ginawa niya noon. "Hindi ka makaintindi ng salita ng mga Tabaqueños."

"Siguro, pero hindi rin natin masabi dahil wala pa akong alaala, hindi ko pa kilala ang sarili ko." sabi ko. Naalala ko naman ang narinig ko kahapon. "Anong naramdaman mo ng tingnan mo ang bahay niyo? Mabigat ba?" tanong ko sakanya, tumango naman siya.

"Maaaring may connection ka sa lugar na iyon, pwede rin na doon ka namatay dahil pagpasok ko sa bahay na ito malakas na ang kutob ko,ng makita ko ang litrato sa sala ay hinanap ko ang kwarto ko at dun ako hindi makahinga." napatango naman ako sa sinabi niya.

Ganoon din ang naramdaman ko ng tingnan ko ang LCC Mall.

*****FLASHBACK *****

"Kawawa naman yung babae 'noh?"

"Oo nga eh, sinayang niya lang ang buhay niya."

"Wala naman akong nakita na tumalon siya sa building ng LCC eh, nagulat na lang kami na may pulis at ambulansyang dumating."

"Nakita ko din na kinausap yung manager ng LCC ng mga pulis."

"Malaking kahihiyan yun para sa mall."

"Oo nga, magsasara daw muna ng ilang araw para narin sa kaligtasan ng iba."

"Hayy! Sayang siya ang ganda niya pa saka makinis ang balat."

"Aba! Halika na nga at baka kung saan pa umabot yang pag-iisip mo."

Napatigil naman ako ng marinig ko yun, napahawak naman ako sa dibdib ko sa tapat ng puso ko. Nahirapan akong huminga, tiningnan ko naman ang sinabi nilang mall.

*****END OF FLASHBACK*****

"Naalala ko yung nangyari kahapon. May natagpuan na patay na babae sa may LCC Mall, baka ako yun dahil nung marinig ko ang balita at ng tingnan ko ang mall ay bigla na lang akong hindi makahinga." sabi ko kay ate Shiela, nasabi niya sakin ang pangalan niya kaya ayun na ang tawag ko sakanya.

Pumunta naman kami sa may plaza at nakita ko ang mga bata na ang saya-saya. Ang sarap sa pakiramdam na makitang masaya sila.

"Malapit ka sa mga bata?" napatingin naman ako kay ate, tumango ako dahil yun ang nararamdaman ko sa tuwing may nakikita akong bata. Siguro may kapatid akong bata o kaya sanggol. Hindi ko alam. Basta alam ko na ang gaan-gaan ng loob ko sakanila.

"Masaya ako sa t'wing nakikita ko silang masaya saka ang gaan-gaan ng loob ko." sabi ko.

Nakita ko naman ang mall at kumabog ng malakas ang puso ko. May puso pa ako? Patay na ako 'di ba?

Posible bang magkaroon pa kami ng damdamin? Hindi ko na dala ang puso ko kaya papaano?

"Kung hindi mo kaya ay pwede naman na bumukas na tayo." umiling na lang ako, andito na naman kami kaya bakit pa ako papabukas?

"Hindi ba ang sabi ko sayo ay huwag na huwag mong tatangkain na malaman ang totoo? Mahihirapan ka lang"

Narinig ko naman ang boses ni sungit-guy sa utak ko. Napatingin naman ako sa paligid pero wala akong nakita ni anino ng lalakeng yun.

20 Days to Hell Or Heaven? Saan Nga Ba? (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon