DAY 20✅

36 6 0
                                    

ASTERIA'S POV

Masasayang mga anghel na malayang lumilipad sa himpapawid. Gusto kong lumabas sa palasyo ngunit hindi pwede.

"Mahal na diyosa ng mga bituin pinapatawag po kayo ng inyong inang reyna." napatango naman ako sa aking taga bantay.

Simula sa pagmulat ng mata ko sa palasyo ng langit ay hindi ito nagbago. Nasa tapat na ako ng kwarto ni ina.

"Iwan niyo muna kami." sabi niya sa mga katulong. "Hindi mo ba titingnan ang bago mong kapatid Asteria?"  tanong ni ina sakin. Nakangiti akong tumango at mahinang pumunta sa maliit na anghel na hawak ng aking ina.

"Anong pangalan ng aking kapatid, ina?" tanong ko.

"Hindi ko pa siya binigyan dahil alam kong may ipapangalan ka na sakanya, tama ba ako?" tumango ako ng mabilis.

"Asterix, ina. Asteria ang aking ngalan at gusto ko may hawig din sa akin ang pangalan ng munti kong kapatid." magiliw kong sabi.

May mga alam din akong ibang wika gaya ng English o kung ano ano pa. 11 years old pa lang ako.

"Angelo." masayang sabi ko ng makilala ang pumasok sa kwarto ko.

"Miss mo agad ang gwapong si Angelo?" binato ko naman siya ng unan.

"Miss ko si Angelo na panget pero hindi ang Angelo na gwapo." biro ko. Bumusangot naman siya na ikinatawa ko ng malakas.

"Hindi ko akalain na magiging palabiro ka Asteria? Sino ba talaga ang kaibigan mo? Ako o si Samuel na ngayon mo lang nakilala?" ramdam ko ang selos sa tono ng pananalita niya.

Ang pormal naman ng lalakeng ito.

"Wala tayo sa harap ng konseho ng langit kaya bakit napaka pormal mo? You can speak in English or speak like a human." biro ko.

"I'm not a human." biglang nag-iba ang ihip ng hangin kaya tiningnan ko siya ng maigi.

"Don't lie because you may vanished like your friend." hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naging seryoso ang boses ko. He's a human and he died so he became an angel.

"Yes, I'm a human... In the past but now? I'm not ok." lumapit naman siya sakin at niyakap ako.

Nakaramdam naman ako ng pagkailang pero binalewala ko nalang dahil magkaibigan naman kami.

*************

Nasa garden ako ng may tumabi sakin.

"Nagtatampo ka pa rin ba sakin?" hindi ko kinibo si Angelo dahil hindi ko nagustuhan ang yakapan nila ng isang anghel.

" Hindi ako nagtatampo." mahinang sabi ko.

"Kung hindi ka nagtatampo sakin bakit hindi mo ako kinikibo ng tatlong araw? Hindi mo ugali iyun kung hindi ka nagtatampo o galit sakin." malumanay na sabi niya.

Hindi ko makilala ang sarili ko ng makita ko silang magkayakap na dalawa.

Nagseselos ba ako?

Hindi! Nasanay lang ako na ako ang lagi niyang kayakap at ni minsan ay wala siyang pinapansing babae maliban sakin kaya naninibago lang ako.

*************

"May napupusuan na ako Angelo." sabi ko.

"Sino? Ang demonyong iyun? Asteria mali ang ginagawa mo." hindi naman bawal ang magalit samin, ang pinagbabawal lang talaga ang magsinungaling.

20 Days to Hell Or Heaven? Saan Nga Ba? (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon