DAY 5✅

49 3 0
                                    

Gigising ng maaga, maliligo at magsusuot ng uniform.

Hindi ako sang-ayon sa routine niya bago pumasok kaya sinabi ko na kumain kahit konti at uminom ng kape o kaya gatas sa umaga para mainitan naman ang tiyan niya.

"Mababago ata ang routine ko dahil sayo." walang tao sa kusina dahil nasa labas ang limang kasambahay dahil may ginagawa sa hardin ng masnyon.

"Ang payat-payat mo na kaya kailangan mong baguhin kung hindi ay ipapakain ko sayo ng hindi mo nginunguya." inis kong sabi.

Natawa naman siya sa sinabi ko, pinagpatuloy niya ang pagkain dahil sa baka malate siya kung magtatagal.

Nasa pinto pa lang siya ng pumasok na ako sa katawan niya. May kotse naman dito at aanhin yun kung hindi gagamitin?

"Maam Rocel." tawag ng isang kasambahay.

"May driver ba tayo? Ano nga ulit ang pangalan mo?"tanong ko. Naguluhan naman siya.

"Meron po. Lolita ang pangalan ko ma'am, Lita nalang." sabi niya. "Tatawagin ko po ba si Carding para ihatid kayo?"  tumango naman ako.

"Nag-iba ata si Rocel?"

"Sa pagtayo at pagsalita ay nag-iba din."

"Si ma'am Shakira ang nakikita ko sakanya, sabay na lumaki ang dalawa kaya hindi maiwasang makuha yun ni Rocel."

"Ibang-iba si Rocel kay Shakira, Linda. Hindi ko nahalata na iba tayo ituring nung bata kaya mas mabuting andito siya kaysa dun sa malditang amo natin."

Sobrang sama ko ba talaga? Tsk! Sabagay! Habang nasa katawan ako ni Rocel ay nababasa ko ang memorya niya. Mula noong pagkabata niya nakikita ko na din. Mukhang konektado kami pero binura ko naman iyon dahil sa ako ang nasa loob ng katawan ni Rocel kaya siguro naaalala ko kung anong kaganapan ang nangyari noon. Nakita ko din ang sarili ko na ang sungit-sungit sakanya at pinagtatapon ang kung ano - ano kapag nasa room kami.

"Huwag mo nang ipasok sa loob ng school mang Carding. Ayos na po ako dito sa labas." kailangan kong magpanggap na ako si Rocel.

Lumabas naman ako ng nasa tapat na kami ng gate. Madami-dami na din ang naroon kaya napatingin sila sa gawi ko. Nagulat sila nang makitang si Rocel iyon or should I say na ako.

"Feel ko nakikita ko si Shakira kay Rocel, nahalata niyo?"

"Iba ang aura niya kumpara sa Rocel na nakikita natin araw-araw."

"Ang O.A niyo, si Rocel lang yan saka ang basura ay basura forever."

"Nagtatapang-tapangan lang yan saka nagsusungitan dahil alam niya na kapag nakitaan natin siya ng kahinaan ay ibubully natin."

"Iba talaga eh."

Mga bubuyog ba sila? Ang iingay.

Nasa katawan ka ni Rocel , Shakira kaya umayos ka!

"Andito na pala ang looser!" natatawang sabi ni Myrene.

Ano bang pumasok sa utak ko na sila ang maging kaibigan ko? Nasa huli nga ang pagsisisi.

"Ang sungit mo ngayon ahh? Sinaniban ka ba ni Shak—"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng may magsalita. Nanlaki naman ang mata ko ng makilala kung sino iyon.

Damien?

"Titigil kayo o ibabato ko 'to sa pagmumukha mo?" cold niyang sabi. Napaupo naman si Myrene at tiningnan ako ng masama. Nginitian ko lang siya at nagulat siya sa ginawa ko.

20 Days to Hell Or Heaven? Saan Nga Ba? (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon