DAY 15✅

28 1 0
                                    

SHAKIRA'S POV

"Shakira!" napabangon naman ako sa sigaw ni Angelo.

"Bakit?" gulantang kong tanong sakanya, akala ko galit siya sakin pero nagkakamali ako kasi puno ng pag-aalala ang mata niya ng tingnan niya ako.

"Bakit kayo bumaba sa lupa? Hindi mo ba alam na delikado para sayo? Anong nangyari?" napangiwi naman ako sa pagkataranta niya.

"Kalma Angelo! Para kang nasisiraan ng kotse at baril sa ratatatatat ng tono mo. Ok lang ako at ok din si Terix.

"Ano ba Angelo, kita mo naman na nagpapahinga ang ate eh." sabat ni Terix samin. Nasa kwarto niya ako nag pahinga.

"Pwede ba Asterix hindi ikaw ang kausap ko. From now on I'll be your bodyguard." napanganga naman ako sa sinabi niya pati ata si Terix napanganga din sa sinabi ng lalakeng 'to.

"Wait! Bodyguard? Guardian angel ka Angelo hindi ka warrior." ngiwing sabi ni Terix.

"Hindi sayo! Kay Kira lang."

"Aba! Nag-iba ka ata ngayon. Ikaw ang pinakatahimik sa lahat ng anghel dito sa kaharian pero bakit ata paunti-unti ay nagiging cold at possessive ka na naman? Are you...in love?" mapanuya niyang sabi kay Angelo at saka dahan-dahang tumingin sakin,umiling naman ako at tiningnan siya ng nanlalaking mata.

"What if... I am?"

Akala ko nagbibiro siya pero seryoso ang boses at ang mukha niya. Magbibiro sana ako kaso nausog sa kaseryosohan niya.

"Nababaliw ka na ba Angelo?"

"I think I am."

"Woah! Stop! Nalulon ko ata ang mga gamit dito! Labas nga muna Angelo." tinulak naman niya si Angelo palabas ng kwarto at ng nasa labas na ito ay agad niyang sinara ang pinto.

Pagkasara niya ng pinto ay agad siyang lumapit sakin.

"Magsabi ka nga ng totoo, nagtapat na ba sayo si Angelo?"

"Huh? Hindi! Hindi niya ako gusto o mahal kaya paano naman na magtapat siya sakin ng pagmamahal niya." kinakabahang sabi ko. Ngayon lang ako naintriga ng ganito sa tanang buhay ko.

"Nakakapagtaka lang kasi na ganun na naman siya."

"Huh?na naman? Bakit? "

" Andami mong tanong ate Kira. Sa iisang tao lang siya nagkagusto at yun ang ate Ria ko."

"So sinasabi mo na ako ang ate Ria mo?" takang tanong ko. Tumingin naman siya sakin, lumapit siya at pinagmasdan ako sa mukha.

"Pero hindi impossible dahil nung una ay mukha ng ate ang nakatatak sa mukha mo pero kinabukasan eh iba na saka may hawig din kayo ni ate."

"Tama na nga sa hawig thingy na yan! Lalabas muna ako ahh." paalam ko, ayaw ko na magtanong pa siya ng kung ano dahil wala naman akong maisasagot na matino.

Wala naman siyang ginawa kaya malaya akong lumabas ng kwarto niya. Hindi ko na iisa-isahin ang mga gamit dito kasi alam kong purong ginto at may mga diamante din sa mga pader lalo na sa ilaw.

Maaliwalas gaya ng una kong kita noong napadpad ako dito, walang pinagbago dahil may mga anghel na masayang nagliliparan sa himpapawid.

"Nakilala mo na ang iyong sarili?" gulat akong napatingin kay Lucifer! Anong ginagawa niya dito?

20 Days to Hell Or Heaven? Saan Nga Ba? (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon