DAY 10✅

35 2 0
                                    

ROCEL'S POV

Nahilo naman ako, hindi ko alam kung bakit. Napahawak ako sa ulo ko at pumikit ng mariin. Napamulat ako ng humupa na ang sakit na nadama ko. Hinanap ko naman si Shakira sa paligid pero laking gulat ko ng nasa sala ako.

Asan si Shakira?

Umakyat agad ako dahil sa panghihina at antok. Wala akong maalala simula kanina! Sumalampak na lang ako sa kama dahil sa pinaghalong antok at pagod.

*Kinabukasan*

Napabangon naman ako dahil sa binangungot ako. Napahilamos nalang ako at dumiretso sa banyo. Linggo at magsisimba ako dahil yun ang nakagawian ko,kahit walang tao ay nagdarasal parin ako at nagsisindi ng kandila.

Gusto kong magdasal ngayon dahil sa napanaginipan ko kagabi. Tatak na tatak pa sa isipan ko ang mga alaala ni Shakira na ipinagtatataka ko pero wala na ang kaluluwa niya sa paligid o sa katawan ko? Asan ba ang babaeng yun? Sana ok lang siya.

Asteria?

Pangalan na laging binabanggit sa panaginip ko. Sino si Asteria? Bakit ko siya napanaginipan kagabi?

"Ang aga mo Rocel, magsisimba ka na ba?" masaya ko silang niyakap at hinalikan sa pisngi. Tumango naman ako at kinawayan sila para umalis.

"Eto ang Rocel na namiss ko."

"Nakakapagtaka eh nung isang araw ang taray taray ng alaga natin ah? Nahalata niyo?"

"Tsk! Ayan na nga ehh saka bakit ba natin hinahalungkat ang pangalan ni ma'am Kira eh patay na siya."

"Tumahimik nga kayo at baka marinig kayo ng bata, alam niyo naman na kahit anong sama ng ugali ng kapatid ehh mahal na mahal parin."

"Kaya nga eh, basta kung pagpipiliin ako ng babantayan at aalagaan ay si Rocel ang pipiliin ko at baka itapon ako ng bruha nating alaga."

Nanlabo naman ang mata ko dahil dun. Oo mahal na mahal ko si Shakira na kahit na todo pananakit niya sakin ay hindi ko parin siya magawang layuan o pagbuntungan ng galit. Ang gaan-gaan ng loob ko sakanya lalo na at nakita ko rin ang mga alaala ni Kira na may pagmamahal sakin. Inilalayo niya lang pala ako sa mga plastic na tao na kahit ayaw niyang makasakit ay ginawa niya para lumayo ang loob ko sakanya.

Bakit mo ba 'yun ginawa? Ok lang naman na sabihin mo sakin na layuan kita o lumayo ako sa iba para naman hindi ako manghula! Nakakainis ka!

"Magpapahatid ka ba hija?"tanong ni manong. Tatanggi sana ako kaso parang narinig ko amg boses ni Shakira kung saan.

' Sumakay ka sa kotse! Pasabugin mo na yan kung hindi mo man lang gagamitin'

Napangiti naman ako dahil kitang-kita ko sa utak ko na nakataas ang kilay niya. Tumango naman ako kay manong at pumasok sa kotse.

"Nitong mga nakaraang araw ay parang nagbago ka Rocel."

Napatingin naman ako kay manong.

"Stress lang ata mang Carding saka weekend naman kaya relax na ako." nakangiting sabi ko. Tumango naman si manong at bumalik sa pagtingin sa daan.

20 Days to Hell Or Heaven? Saan Nga Ba? (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon