DAY 18✅

29 2 0
                                    

SHAKIRA'S POV

Alulong ng isang hayop, mga sigaw na parang namimilipit sa sakit. Nakarinig din ako na parang nag didive sa tubig yung *splash na tunog. Nangilabot naman ako dahil dun.

Pinaghalong hilo at sakit ng ulo ang naramdaman ko. Pinilit kong imulat ang mata ko pero hindi ko magawa. Hindi ko makontrol ang sarili ko, parang may komokontrol na iba!

"Isa kang taksil sa palasyo ng impyerno Damien!" rinig kong sigaw ni Andrew.

"Andrew! Huminahon ka kapatid! Nasa akin ang desisyon kung papatayin ko siya o bubuhayin.".-Lucifer.

"Pakawalan niyo na si Shakira!" sigaw ni Damien. Pinaghalong saya at sakit ang naramdaman ko ng marinig iyun. Ano bang nangyayare sakin?

"Ito naman ang gusto mo hindi ba? Ang makasama ang babaeng pinakamamahal mo?" mapanuyang tanong ni Andrew.

"Gusto ko na makasama ko siya dito pero hindi sa ganitong paraan Andrew!"

"Anong paraan? Dito naman talaga siya pero dahil sa pamangkin ko ay nawawala satin ang babaeng yan." -Andrew.

Pamangkin?

"Anong kinalaman ni Asteria dito? Hindi ko siya mahal!"

Biglang sumikip ang puso ko sa sigaw ni Damien. Ano bang nangyayari sakin? Mahal ko si Damien at nararamdaman ko iyon pero pareho ang tibok ng puso ko kay Angelo?

"Hindi mo nga siya mahal pero mahal mo naman ang babaeng ito."

Pinilit kong imulat ang mata ko at buti naman at nagawa ko na. Makulimlim sa hinihigaan ko kaya hindi ako nasilaw.

"Gising na pala ang prinsesa ng mga bituin." gulat akong napatingin kay Lucifer at pati si Andrew ay gulat na tumingin kay Lucifer.

"Hindi siya ang pamangkin ko!" sigaw ni Andrew.

"Hindi pa siya si Asteria dahil si Shakira pa ang nasa harapan niyo."

Gulong-gulo ang utak ko sa mga sinabi ni Lucifer. Paanong ako ang kapatid ni Terix?

"Hindi pwede!" napatingin naman ako kay Damien na nagwawala na, hinawakan naman siya ng mga demonyong kagaya niya. Kinapa ko ang kwintas na bigay ni Andrea sakin pero laking gulat ko ng wala ito sa leeg ko!

Bigla akong nakaramdam ng may humahalukay sa kaluluwa ko! Napaupo ako sa panghihina.

Anong nangyari?

Parang hindi ko na nikikilala ang kaluluwang ito!

"Hindi maari." napatingin naman ako kay Andrew na gulat na gulat at kay Damien na tulalang nakatingin sa gilid ko. Unti-unti kong nilingon ang katabi ko.

Nagulat ako ng ako iyon! Wala akong malay! Impossible naman na namatay ako eh kaluluwa na din ako 'di ba?

Sari-saring alaala ang rumagasa sa utak ko at bigla akong napasigaw sa sakit!

Bigla naman akong inalalayan ni Andrew.

"Lucifer! Hindi siya nababagay dito!" sigaw ni Andrew.

20 Days to Hell Or Heaven? Saan Nga Ba? (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon