DAY 9✅

30 2 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Napabangon ako agad ng sumagi sa isip ko na aalis pala ako ngayon. Naligo ako at saka bumaba na bitbit na lahat ng kailangan ko. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at nagulat ako ng makitang nasa sala si manang Lita. Napatingin naman siya sa gawi ko at bigla akong kinabahan. Bakit parang nag-iba ang aura ni manang? Hindi naman siya ganyan ahh?

"Saan ka pupunta ng ganitong oras?" bakit parang nag-iba ang boses ni manang? Kinabahan naman ako dahil sa tingin na iginawad sakin ni manang Lita.

"May project po kasi kami kaya po pupunta ako sa bahay ng kaklase ko."

"Nang alas tres ng madaling araw?"

Susko! Magpapalusot ka na nga lang bagsak pa. Napayuko naman ako at nag-isip na pwedeng isunod pero pagangat ko ng tingin ay hindi si manang Lita ang kaharap ko kundi isang lalake.

Pamilyar siya sakin. Saan ko nga ba siya nakita?

"Huwag na huwag kang magtitiwala agad sa mga multong nakakasalamuha mo dahil hindi mo sila kilala." seryosong sabi niya.

Sinundan ko naman ang tingin niya at diretso ang titig sa kabilang kalsada. Nakakatakot ang aura niya, nakaitim ang suot gaya ng suot niya, nagulat ako ng biglang nawala siya ng parang bula. (Day 2)

Siya iyong tiningnan ni Damien na nasa kabilang kalsada. Purong itim at nakakatakot ang aura.

"You're beautiful kaya siguro hindi ako masunod-sunod ng alaga ko at pati ang kapatid ko ay nangingialam narin sa mga plano ko." seryoso ang pagkakasabi niya nun at tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa takot na nadarama.

"Your heart is pure and your mind is in chaos kaya siguro ginagabayan ka niya. When you meet Andrew, her twin brother. I don't think so! Baka hindi ka na niya bibigyan ng pagkakataon na manatili dahil sa mga ginawa mo." sabi ni Damien sakin.(DAY 6)

He's Andrea's twin.

"You are right. I'm her twin and she's my twin. Hindi ko maipagkakaila na nakukuha mo ang mukha niya."

Nagtaka naman ako sa huli niyang sinabi. Biglang may humila sakin para mapalayo kay Andrew at laking gulat ko ng si Andrea iyon. Masama ang tingin niya sa kakambal na akala mo papatayin siya ng buhay.

"Sinabi ko na sayo na huwag na huwag mo siyang papakealaman Andrew." sigaw ni Andrea. Napatayo naman si Andrew at lumapit ng kaunti samin.

"Ikaw dapat ang sabihan ko ng mga salitang yan... Andrea? Alam mo na dapat ay sumama na siya sakin pero pinangunahan mo pa ako sa mga desisyon ko."

20 Days to Hell Or Heaven? Saan Nga Ba? (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon