DAY 7✅

31 3 0
                                    

"Kailangan kong alamin kung bakit ako namatay Angelo! 13 days na lang ang natitira sakin." sabi ko. Nasa garden kami ngayon at hindi ako pumasok dahil wala akong gana lalo na at hindi pa naalis sa utak ko ang pamamaalam ni ate Shiela.

"Walang nakakaalam kung nasaan ang bangkay mo Shakira! Bakit ba ang kulit mo?" inis na sabi ni Damien.

Tiningnan ko naman siya.

"Sa tingin niyo ba matatahimik ako? Naalala ko na kung bakit pero hindi ko maintindihan kung bakit naputol ang alaala ko dun sa killer? Alam kong babae siya dahil sa haba ng buhok at pananamit niya."

Napahawak naman sa noo si Damien samantalang si Angelo ay prenteng nakaupo lang sa upuan na gawa sa semento.

"Kumalma ka muna pwede?"

"Woah?! Damien? Relax? You're the guardian that posses anger, suffer and pain?" sabat ni Angelo.

Napahawak naman ako sa kwintas ng umilaw ito. Nagtaka naman ako.

"Andrea." sabay na sabi ng dalawa.

"I sense that you're in chaos, Shakira. Alam mo na kung sino ka, nalaman mo na rin yung mga ginawa mo and I'm happy that you didn't do it again." malamyos na sabi ni Andrea. Sinenyasan niya ang dalawa na umalis at nawala naman ito ng parang bula.

Naiwan kaming dalawa ni Andrea sa hardin ng DK.

"You are a star that brights in the night sky, Shakira. I'm a star that can never define. The 88 different constellations divide up the entire night sky as seen from all around the Earth. Star maps are made of the brightest stars and the patterns that they make which give rise to the names of the constellations. The maps of the stars represent the position of the stars as we see them from Earth. The stars in each constellation may not be close to each other at all. Some of them are bright because they are close to Earth while others are bright because they are very large stars." sabi niya.

Bakit kapag siya ang kausap ko ay laging bituin ang laging topic namin?

"Gaya ng mga bituin sa langit, nakikita ka nila. Nakikita nila ang ganda at kabutihan mo. Sinabi ko naman sayo 'di ba? Heaven and Hell? I know you already know it. Hindi lahat ng napupunta sa langit ay lahat mabubuting tao tandaan mo yan Shakira. Impyerno ay hindi para sa mga taong masasama, well lahat naman. From this day, Angelo and Damien are out on your path but they will guide you and protect you."

Natulala naman ako. Ang nakangiting mukha ni Andrea bago siya mawala ang tumatak sa mata ko at ang mga sinabi niya ay sa utak ko.

Huminga ako ng malalim lalo na at ang bigat ng nararamdaman ko.

Kailangan ko ng hustisya!

Nagulat ang lahat ng padabog akong pumasok sa room. Wala nang teacher kaya nagpapasalamat ako.

"Woah! Wild! Hindi na nga pumasok ang lakas pa ng loob na magdabog." sabi ni Irene.

Hindi ko sila pinansin at diretso lang ako sa upuan ko at nagbasa ng notebook.

Isa ka na lang kaluluwa Shakira na nasa katawan ni Rocel kaya matuto kang lumugar!

Maaga akong umuwi dahil nawalan ako ng gana.

Tama nga si ate Shiela. Mas ok na hindi ko na lang inalam ang buo kong pagkatao.

"Andito na pala ang katulong. Ang aga ahh." sabi ni Mitchell.

"Wala ako sa mood makipag-usap Mitchel Andra Aquino." seryoso kong sabi. Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko.

"Paano mo nalaman whole name ko? Si Shakira lang." napahinto naman siya sa sinabi at tumingin sakin na gulat na gulat.

20 Days to Hell Or Heaven? Saan Nga Ba? (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon