DAY 12✅

32 2 0
                                    

Maaliwalas ang paligid, namangha ako sa mga anghel na malayang lumilipad sa himpapawid.

'Paano mo nasabi na hindi ka malaya Angelo?'

Aabante na sana ako ng may humawak sa kamay ko at laking gulat ko na ang mukha ni Angelo ang nabungaran ko.

"A-Asteria?" nagtaka naman ako dahil sa ibang pangalang tinawag niya sakin.

"Nababaliw ka na ba Angelo? Si Shakira 'to." nanlaki naman ang mata niya.

"S-Shakira? Paano na-"

Tinaasan ko naman siya ng kilay pero ngumiti rin dahil sa itsura niyang nakakatawa.

"Ano bang nangyayari sainyo? Saka akala ko ba eh isasama na ako ni Lucifer? Pero bakit ata mali ang napuntahan ko?" sunod-sunod kong tanong. Napahilot naman sa sentido si Angelo.

"Shakira nga pero bakit iba ang mukha mo? Kamukha mo si And-" hindi na natuloy ni Angelo ang sasabihin dahil may isang anghel na niyakap ako ng mahigpit.

"Ria! Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba na laging malungkot ang mama."

"Asterix!"

"Hi Angelo, ayieee kaya pala nawala ka eh nagtanan pala kayo ni Ria ate ko."

Napangiwi naman ako sa sinabi nila. Tanan? Ate ko? Wala akong kapatid! Pero ano daw? Mama? Ehh laging masaya si mom ahh?

"Asterix pwede ba hindi siya si Ria siya si Shakira." sabi ni Angelo.

Gulat na napalingon naman sakin ang babaeng anghel na niyakap ako kanina.

"Ehh kamukha niya ang Ria ko? Hindi kaya siya ang reincarnation ni Ria?"

"Stop it Aster."

"Ilan na ba ang edad mo Shakira?"

Hmm?

"I'm 18." hindi ko sure kung tama pero hayaan na nga.. Nag-isip naman siya at bigla nalang umiling.

"Hayss malabo nga, ang bata mo pa para maging Astria pero miss ko na ang kapatid ko." bigla niya akong niyakap. Sa tingin ko ay nasa 9 years old siya. "I miss my ate Ria." umiyak siya kaya kinarga ko siya.

"Stop crying. Alam mo ba na miss na miss ko na rin ang kapatid ko kahit na hindi kami magkadugo?" tumingin naman siya sakin ng naluluha, pinunasan ko naman ang luha niya at hinalikan pisngi. "Ang pangalan niya ay Rocel, napakatahimik nun saka minsan lang magsalita. Tahan na at baka hindi matutuwa ang ate mo kapag nakita na umiiyak ka." nakangiti kong sabi kay Asterix, sumisinghot pa siya at tumango rin. Sa pananalita niya kanina ay para na siyang matanda kung sa boses ang basihan.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Angelo, kanina pa siya tahimik at panay ang sulyap sa akin pero umiwas din kapag nakitang nakatingin ako sakanya.

Naninibago ako sa kinikilos ng lalakeng 'to. Ano bang problema nito? Kanina pa 'to eh. Hindi naman siya ganito noon pero bakit nagkakaganito na siya ngayon?

"O-Oo ayos lang ak-" nagulat ako ng bigla siyang mawalan ng malay.

"A-Angelo! Woii gumising ka! Huwag ka namang magbiro ng ganito oh."

Kahit anong yugyog ang ginawa ko ay wala paring napala para gisingin si Angelo. Malayo kami sa mga mata ng mga anghel dito kaya walang masyadong katao-tao.

Anong gagawin ko?

Haysss Shakira isip!

Aystt ba't ngayon ka pa nawawalang utak ka! Jesus ko tulungan niyo po kami. Umungol naman si Angelo, ungol na nasasaktan. Nilapitan ko siya at kitang-kita ko kung pano mangitim ang ugat niya sa kamay.

20 Days to Hell Or Heaven? Saan Nga Ba? (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon