NARRATOR:
Pumasok na sina Janella, Johanna, Pat, Pam, Ari, at Alee o mas kilala bilang MGA DESPERADA kase sila yung
DESPERADANG tumangkad,
DESPERADANG tumaba, DESPERADANG tumalino (maliban kay Alee),
DESPERADANG gumala,
DESPERADANG ligawan (pero di naman jinojowa pag may nanliligaw), at
DESPERADANG makapagtapos ng pag-aaral nang hindi nakikita si Shiela."Gumorneng class." pumasok na ang teacher.
"Today, we're gonna blah blah blah blah blah blah blah." walang naiintindihan si Pam sa mga sinasabi ng Teacher nila kase gusto nya agad mag-uwian HAHAHA tamad to.
few hours later...
"Yeeeess! Uwian na, gagala na!" sigaw ni Pam na kala mo eh nakawala sa kulungan.
"Guiz." senyas ni Jo na tumingin sila sa makakasalubong nila.
"Shet."
"Boom sabog."
"Pota."
"Stupid maderpaker."
Andyan na yung mga crush nila;
1. SHAWN LAVINO – Crush sya ni Ari since elem. Na-fall sya don kase magaling kumanta. Di nya alam matagal na syang crinushback HAHAHA alam ng lahat yon maliban sa kanya.
2. JONAH CLAVERA – eto yung crush ni Jo. May kambal din to. Na-fall sya kay Jonah kase mahilig sya sa History gaya ni Jo. Crinushback na din to noh, di lang din namin sinasabi HAHAHA sikretong malupet.
3. JONAS CLAVERA – eto naman yung crush ni Ella. O diba kambal goals sila. Sweet sila ni Ella pero wala silang label. O sabihin nating wala 'pa'. HAHAHA oo crinushback na din tong si Ella mga ghorl!!
4. PAUL LAVINO – crush ni Alee, ex ni Shiela. Dati ang sweet nila ni Shiela kaso nag break sila dahil sa ugali ni Shiela na pagiging warshock. Ngayon, crinushback na din si Alee kaso di din nya alam HAHAHA.
5. PHILLIP GARDINO – eto ngayon yung crush ni Sheena, at Shiela. Di alam ni Shiela na may gusto si Sheena kay Phillip at hindi din nya alam na crinushback na si Sheena. Eto namang si Sheena, hindi ren alam na crinushback na sya so tanga lang.
6. ARWEN TAN – hindi to kamag-anak ni Lucio Tan. Pero crush sya ni Pam. Palatawa din kase to kaya magka vibes sila so yun na fall si tanga sa isa pang tanga kase di nila alam MU na sila.
7. HARRY SASHER – crush ni Pat. Walang balita kung crinushback na kase masungit to. Kapatid to ni Alee at alam nya na crush ni Pat ang kuya nya, at wala syang pake HAHAHA jok.
"H-hi.." nahihiyang bati ni Pat kay Harry.
"Alee san ka pupunta?" imbes na mag-hello ay hindi sya pinansin nito. Masungit nga talaga.
"Gagala."
"Wag kang magpapagabi ha. Patay ka samen ng ate mo papaulanan ka namin ng sermon."
"Susunod naman e dami pang satsat." sagot ni Alee.
"Uhm, Alee. Date tayo?" ani Paul.
"Hoy pre san mo naman dadalhin yang kapatid ko?" tanong naman ni Harry.
"Ano ka ba naman pre iti-treat ko lang sya! Masyado kang protective ang sungit naman." sinamaan naman sya ng tingin ni Harry. "Jok lang!" bawi nito.
"Payag ka?" baling naman ni Harry kay Alee.
"Malamang!" sigaw nito. "Este, oo payag ako."
"Tara?"
"Lezgoo!" masiglang sabi ni Alee at tuluyan nang lumayo ang dalawa.