"Masaya ba ang kwentuhan nyo? Parang ako ang topic nyo ah?" sarkastikong sabi nito.
"w-wag kang lalapit samin!" sigaw ni Harry.
Imbis na sumagot ay mabilis na tumakbo si Leebie patungo sa tatlo. Mabuti nalang at naging maagap sila. Mabilis na tumakbo sina Pat palabas at palayo kay Leebie.
"Saan na tayo pupunta ngayon?" alalang tanong ni Pat.
"Alam ko na. Sumunod kayo sakin." lumingon si Hershi sa likod at nakita niyang malayo na sila kay Leebie. "Bilisan nyo, baka mahabol nya tayo!"
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hailee! Buksan mo ang pinto!" pinagsabay na ni Hershi ang sigaw at katok para marinig sya ni Hailee. OO, alam nyang ganitong oras ang tulog ni Hailee sa tanghali pero importante talaga ang bagay na ito.
"Si Tita Leebie! Malapit na sya!!!!" malakas na sigaw ni Pat na natataranta na. (mabulol kayo jan)
Mabuti nalang at binuksan na ni Hailee ang pinto. Magsasalita pa sana ito nang banggain sya ng tatlo at dali-daling pumasok ng bahay. Pagpasok nila ay agad ding ni-lock ang pinto.
"Ano bang nangyayare sa inyong tatlo?" takang tanong ni Hailee. Halatang bagong gising ito, magulo ang buhok, mapungay ang mata at hihikab-hikab pa.