"Nakaka-fall talaga tong babaeng to." bulong ni Axel sa sarili habang sinusulyapan ng tingin si Hailee. Dalawang oras na itong tulog at mukhang ngayon na matatapos ang beauty rest nya. Nandito na sila sa Diplomat Hotel. 11:24pm na at kailangan na talaga nilang matulog.
Pagkahinto ng kotse ay pinagmasdan muna ulit ni Axel ang mukha ni Hailee. "I love you" bulong nya at hinalikan ang noo ni Hailee.
I've said those words before but it was a lie~
And you deserve to hear them a thousand times~Nagulat si Axel nang biglang kumanta si Hershi mula sa likod. Kanina pa pala ito natutulog nang naka-earphones. Ngayon ay nakapikit ito habang kumakanta. Mukhang ramdam na ramdam ang mensahe ng bawat salita eh.
If all it is, is eight letters, why is it so hard to say?~
If all it is, is eight letters, why am I in my own way?~
Why do I pull you close and then ask you for space?~
If all it is, is eight letters, why is it so hard to say?~Nagandahan si Axel sa mensahe ng kanta at sa tingin nya ay para sa kanya yon. Dapat na syang magtapat ng damdamin nya kay Hailee bago pa mauna ang iba. Dapat WTF sya:
Walang
Torpe
Forever"Hoy dito pa kayo sa kotse maghahalikan ha!" sigaw ni Hershi kay Axel. Nakakagulat talaga ang boses nito. Pwede nang pamalit sa sirena ng ambulansya.
Sa lakas ng boses ni Hershi ay nagising tuloy si Hailee at doon lang napansin ni Axel na sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa.
'Pano ako hindi magiging torpe nito? Eh titigan ko pa nga lang sya, hindi lang lakas ng loob yung nauubos eh. Pati lakas mismo ng katawan ko'
"H-hindi kami n-naghahalikan." paliwanag ni Axel.
"Weeeeeeeeeehh????!!!!!" paninigurado ni Hershi.
"HINDI NGA!" sabay na sigaw nina Axel at Hailee. Doon na tuluyang nagising si Sheen.
"Ang ingay ha" reklamo ni Sheen.
"Reklamo ka pa dyan, nandito na tayo!" sigaw sa kanya ni Hailee.
"Ganon? Edi pumasok na tayo!"
Habang naglalakad papasok ng hotel ay may nahagip ang mata ni Sheen. Isang tent na ang pader ay apat na kahoy at ang bubong ay tela lang. nasa di-kalayuan. Nakita nya mula sa loob ang lalaking pamilyar sa kanya.
~•FLASHBACK•~
Nakaupo si Sheen sa bench. Nasa park sila ngayon ng mga kaibigan nya.
"Ang boring naman e, walang magawa sa bahay." sabi ni Sheen.
"Oo nga. Hindi pa kasi bumabalik sila Mama." sabi naman ng Nathan.
"San ba kase yung appointment nila?" tanong ni Axel.
"Ewan. Sabi naman ni Mama pauwi na sila e." sagot ni Nathan.
"Sige, hintayin nalang natin sila dito." sabi ni Sheen at tinanguan naman sya ni Nathan.
"Si.....Sheena?" tanong ni Nathan.
"Bakit? Anong meron sa kapatid ko?" takang tanong ni Sheen.
"Ayaw nya na ba akong makita?"