“Harry, pakiramdam ko hindi lang tayong dalawa ang nandito sa school.”
“Marami tayong nandito. Nasa school din si Nathan, at ang mga zombie students.”
“Bobo! I mean, bukod sa kanila syempre.”
“Hindi ko alam. Hindi naman ako kinukutuban e.”
Bigla nalang may kunaluskos sa talahiban. Tama si Pat, bukod sa mga zombie at kay Nathan ay may iba pang tao sa school!
Inilabas ni Harry ang baril at umasinta. Si Pat naman ay pinilit makatayo at kinuha ang itak na nahagip ng kanyang mga mata.
“Lumabas ka dyan!!” bulalas ni Harry.
Gumalaw muli ang mga damo at lumabas ang isang tao!
“SHAWN?!” sabay nilang saad.
“Ako nga! At kung iniisip nyo na zombie ako, nagkakamali kayo.”
“Bakit naman kami maniniwala sayo?” sarkastikong tanong ni Pat.
“Dahil nakakausap nyo ako ng matino?” sarkastiko nya ring sagot.
Nagkatinginan ang dalawa. “Oo nga 'no?” pag-sang ayon ni Pat.
“Marami pa akong kasama kaya please! Tulungan nyo kame!”
“M-may mga kasama ka pa?!” gulat na sabi ni Pat.
“Oo. Doon kami nananatili sa Building VIII. Sundan nyo ko.”
Tumango nalang si Harry at Pat. Sinundan nila si Shawn papunta sa building VIII. Ang bawat redshit na makasalubong nila ay binabaril ni Harry o di kaya'y pinapalo ni Pat ng dala nyang itak. Buhat man sya ni Harry ay hindi nya hinayaang magmukha syang pabigat sa dalawa.
Di nagtagal ay narating din nila ang naturang building. Sa pangalawang classroom sa ikawalang palapag namamalagi sina Shawn at ang mga natira nyang kaibigan— sina Paul, Arwen at Jonas. Ang tatlo ay pawang mahimbing pang natutulog.
“Dito kami nagtatago simula nung araw na umulan ng ligaw na bala. Unti nalang ang stock naming pagkain at hindi kami sigurado sa kaligtasan namin. Kailangan namin kayo.” paliwanag ni Shawn.
“Eh pano mo naman nalaman na buhay pa kame?” tanong ni Harry pero pinitik lang ni Pat ang tenga nya. “Bakit?! Ang ibig kong sabihin, pano nya nalaman na hindi tayo zombie!”