“Kuya Sheen” napalingon si Sheen nang may tumawag sa kanya. Hanggang ngayon ay nakaupo parin sya sa harap ng puntod ni Sheena. Parang ayaw na nga nyang umalis dito.
“Phillip?”
“Ako nga po. Gusto ko lang makiramay sa pagkamatay ni Sheena.”
“Salamat, pero huli na ang lahat.”
“A-ano pong ibig nyong sabihin?”
“W-wala, wag mo akong intindihin.”
Umupo si Phillip sa tabi ni Sheen at pinagmasdan din ang puntod ni Sheena.
“Date of birth: June 29, 2003.” pagbasa nya dito. “Birthday nya ngayon.”
“Kaya nga ako nandito.”
Napabuntong-hininga nalang si Phillip at marahang hinaplos ang puntod ni Sheena. “Happy birthday Sheena.”
Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa nang magsalitang muli si Phillip.
“Kuya Sheen, may tanong po ako.”
“Ano yon?”
“Bakit po hindi nyo ipina-crimate ang bangkay ni Sheena? May pera naman po kayo a?”
“Oo nga. Ayaw ko kasing makita ang kapatid ko sa anyo ng abo. Mas mabuti na ito para sa akin.”
“Hindi po ba kayo nandidiri?” at tinanguan sya nito.
“Kapatid ko parin yan eh.”
Ilang sandali pa ay napagdesisyunan na ni Phillip na umalis. Naiwan naman si Sheen na tulala parin sa puntod ni Sheena.
~ • • • ~
“Grabe talaga yung nangyari kay Sheena noh? Nakakatakot!” bulalas ni Jo habang ngumunguya.
Tapos na ang SemBreak nila at ngayon ay nakaupo sila sa paborito nilang table, nagre-recess na sila. Pinag-uusapan parin nila ang tungkol sa pagkamatay ni Sheena dahil hindi talaga sila maka-get over doon.
“Nakakatakot talaga kung sino man ang pumatay sa kanya!” dagdag pa ni Ella.
Hindi masyadong naa-absorb ni Pat ang pinag-uusapan ng mga kaibigan dahil iniisip nya parin kung isa sa magkapatid na naka-black hood ang may kagagawan nito.
“Dagdag problema nanaman!” tili ng utak ni Pat.
“Pat! Bat kanina ka pa tulala dyan? Ano bang iniisip mo?” pagsiko sa kanya ni Ari.
“Hindi ANO, kundi SINO!” pagtatama ni Pam. “Malamang si Harry ang iniisip nan! Napapansin ko kasi nitong nagdaang mga araw eh masyado na silang close! Baka may samting sa kanila!”
“Ay, bahala kayo dyan. Una na ko, may importante pa akong gagawin.” at nagpauna na itong maglakad.
“Wala naman tayong quiz ah?” takng tanong ni Alee.
Kinaltukan sya ni Ari. “Boba! Malamang pupuntahan non si Harry!”
Bumalik na si Pat sa classroom. Agad nyang tinawagan si Harry. Hindi na kasi sya mapakali kaya kailangan na nya itong makausap.