“Sabi dito sa libro, delikado daw kapag sa masamang kamay napunta ang mga Chaos Emerald.” sambit ni Sheen habang binabasa ang libro.
“Mas masama pa sa masamang kamay si Nathan.” biro ni Shawn. “Hinding hindi nya dapat makuha yon.”
“May sinabi si Pat sakin dati..” wala sa sariling sabi ni Harry. “May isang kwarto daw sa bahay nila na hindi pwedeng buksan.”
“Talaga? E ano naman kayang nasa loob non?” tanong ni Axel.
“Bawal nga buksan e. Malamang si tita Bellya lang nakakaalam kung anong nasa loob non.”
“Curious na talaga ako. Bilisan na natin dahil baka makuha pa nga ni Nathan ang Emerald.” singit ni H.
~ • • • ~
“Oh diba sabi ko sayo may magic! Hahaha!” pagmamayabang ni Pat nang makakita ng butas sa ilalim ng rug.
“Pero sa ilalim ng basahan. Hindi sa lamesa, gunggong.”
Sumilip si Nathan sa butas at nakita ang isang box 📦 na hindi nya alam kung ano ang laman.
“Buksan mo nalang, pa-curious ka pa dyan.” naiinip na utos ni Pat.
“Lakas ng loob mong mag-utos, patayin kita dyan e.”
Bubuksan na sana ni Nathan ang kahon nang biglang bumukas angpinto ng kwartong yon. Tumambad sa kanila ang hinihingal na mga kaibigan.
“Pat! W-wag mong ibigay sa k-kanya ang Emerald!” sigaw ni Harry.
Agad na napatingin si Pat kay Nathan. Mapapasakamay na nya ang Emerald! At si Pat ang dahilan nito.
“Ang Chaos Emerald of life..” namamanghang ani Nathan.
“Hindeeeeeeeeeee!” sigaw ni Pat at inagaw ang baril ni Nathan. “Mamatay ka naaa!!”
Kahit pinagbabaril na ni Pat si Nathan ayhindi parin ito namamatay. Tila ba bulletproof na ito.
“Tanga ka ba o bobo lang? Ang Chaos Emerald of life ay nasakin na. Mabubuhay ako habang buhay!!” tatawa-tawang sabi ni Nathan.