Kabanata 8

13 4 0
                                    

Malapit nang umuwi ang klase ni Mam Tina dahil marami ang na-trauma sa nangyari kagabi. Mabuti nalang at nakakita ang grupo nina Ari ng telepono at nakatawag sa pulisya. Ngayon ay nakasakay na sila ng bus at isang mag-aaral nalang ang hinihintay.

Kasalukuyang natutulog si Pat sa kwarto nila at hindi parin nagigising. Napuyat kasi sya kagabi dahil natatakot parin sya.


Natagpuan ni Pat ang sarili sa isang madilim na gubat. (Nahagip ng mata nya ang isang lalaking nakatali sa puno si Florante! CHAR.) Luminga sya sa paligid at napagtantong mag-isa lang pala sya. Pano sya napunta dito? Kung kani-kanina lang ay nasa kwarto pa sya?

Naglalakad lang si Pat sa gitna ng kagubatan, o masasabing kawalan. Kanina pa sya lakad nang lakad pero hindi parin sya nakakakita ng kahit anong pwedeng labasan o dulo ng gubat.

"May tao dyan?" tanong ni Pat kahit hindi sigurado kung may tao.

"Pakiusap! Kung meron man, tulungan mo akong makalabas dito!" sigaw nya pero sariling echo lang ang bumabalik sa kanya.

Habang nananaghoy si Pat ay may narinig syang yabag ng sapatos na papalapit sa kanya. Hindi na sya nag-atubili pang lumingon at agad na tumakbo papalayo.

"Tulong!! Kung may nakakarinig saken!!" sigaw ni Pat habang tumatakbo.

"Aaaaaah!" sigaw ni Pat nang may humila sa kanya papunta sa likod ng mayabong na puno. Tinakpan nito ang bibig nya para hindi sya makasigaw.

"Shhh..." sabi ng taong iyon. Napatingin si Pat sa mukha ng lalaki at napahinto sya sa pagpupumiglas. Tinanggal na ng lalaki ang kamay nito sa bibig ni Pat.

"H-harry?!" gulat na singhal ni Pat. "B-bakit ka nandito?!"

Señor AsesinoWhere stories live. Discover now