Kabanata 10

9 3 0
                                    

Umaaligid lang ang taong naka-black hood sa bahay nila Pat. Hinihintay nyang matulog ang buong pamilya nila Pat bago sya tuluyang umakyat sa bubong at silipin ang kwarto ni Pat. Nakalambitin sya sa bakal na sumusuporta sa salamin. Hindi pa pala sya tulog. Katawagan nya siguro si Harry. Maya-maya pa ay binaba nya na ang selpon at matutulog na sana pero nakita sya nito!!

Agad na napaupo si Pat mula sa pagkakahiga. Natatakot man ay hinarap nya ang taong naka-black hood.

"S-sino ka?! Anong motibo mo sa amin?!"

"Hindi ako uto-uto para sabihin sayo ang pangalan ko. Kung gusto mong malaman, magpakahirap ka!" sigaw ng taong yon pero hindi nasindak si Pat, bagkus ay nagtaka sya dahil pambabae ang boses nito. Ang napanaginipan nya kasi ay iba. Malalim dapat ang boses nito at panglalaki.

"B-bakit ganon? Dapat...lalaki ka"

"Kung ganon, napanaginipan mo pala ang kapatid ko."

"Parehas kayo ng suot?"

"Oo– teka, inuuto mo ba ako!!??"

"H-ha?! Hindi! Curious lang talaga ako."

"Curious pala..." napangisi ang babae at agad na pumasok sa bintana. Sa gulat ni Pat ay hindi sya nakakilos agad.

Dinambahan sya ng babaeng yon at sinaksak sa braso gamit ang kitchen knife. Matapos gawin yon ay agad ding lumabas ng bintana ang babae. Naiwan si Pat na duguan ang braso. Hindi sya makasigaw dahil hindi nya alam ang gagawin sa duguang braso.

Dumiretso sya sa cabinet kung saan merong first aid kit. Lahat ng jwarto sa bahay nila ay may ganon kaya hindi na nya kailangan pang lumabas. Kinuha nya ang betadine at nilinis ang sugat. Matapos ay binalutan nya ng gauze. Hindi naman kasi sya marunong maggamot ng sugat kaya ginagawa nya nalang kung ano ang naiisip nya.

Unti-unting tumigil sa pagdugo ang braso nya kaya nakahinga na ng maluwag si Pat. Pero lalo lang nadagdagan ang katanungan sa isip nya. Bakit biglang naging babae ang naka-black hood? Terno ba sila ng suot ng kapatid nya? O iba ang layunin ng babaeng yon di tulad ng lalaking napanaginipan nya? Hindi na nya alam. Sinubukan nyang tawagan si Harry pero hindi na nito sinasagot. Baka tulog na. Bukas nya nalang sasabihin kay Harry ang nangyari. Sa laki ng hiwa sa braso nya ay malamang mapapansin agad yon.

Nakapikit na si Pat at handa nang matulog, pero napamulat ulit sya nang may maalala ; bakit hindi sya tinuluyan ng babaeng yon? I mean– bakit sugat lang ang iniwan nito? Malabong sya ang killer. Kase kung sya nga, dapat naliligo ja sya sa sariling dugo ngayon.

~  • • •  ~

"Ano? Na-warning-an mo na ba sya?" tanong ni Nathan kay Jolly.

"Oo. Takot na takot nga eh. Ang lakas pa ng loob na tanungin ako."

"Inuuto ka lang non. Pero tanong lang, saan mo sya sinugatan?"

"Sa braso. Warning palang naman yon diba? Kaya hindi muna masyadong masakit. Pag nakialam ulit sya, idadamay ko na ang nobyo nya."

"Sinong nobyo?"

"Eto." Inabot ni Jolly ang isang litrato ni Harry.

"Ah, ang lalaking ito. Marami akong alam tungkol sa kanya."

"Matagalmo na syang minamanmanan?"

"Oo. Interesado ako sa pagkatao nya. Parang ang dami nyang tinatago."

"Sige nga, anong nalalaman mo sa kanya?"

Señor AsesinoWhere stories live. Discover now