Kabanata 9

12 4 0
                                    

"So, how's your trip?" tanong ng mama ni Alee. Hindi naman awkward para kay Pat ang sitwasyong ito. Close nya naman ang pamilya ni Alee, maliban kay Harry syempre. Kamalas-malasan lang na nakaupo sya sa gitna. Ang magkapatid ay parehong nakasamdal sa glass window at naka-earphone kaya batid nyang hindi nila narinig ang tanong ng ina.

"Alee?" pagtawag ni Leebie (nanay ni Alee) pero hindi parin sya narinig. Bingi ata tong magkapatid na 'to.

Niyugyog nya nalang ang braso ni Alee para mapansin sya. Umubra naman. "Baket?" tanong nito sabay alis ng earphone sa tenga.

"Kanina ka pa tinatanong ni Tita."

"H-ha?! Sorry, ma. Ano ulit yung tinatanong mo?"

"Sabe ko, kamusta yung trip nyo."

"A-ah! Nagkatakutan lang kami ng onte. Pero masaya naman. Nakaka-thrill!"

"Ganon ba? Pano naman itong kapatid mo? Parang hindi nag-enjoy eh." lumingon naman si Leebie kay Harry. "Nak, kamusta yung trip nyo?"

Agad na tinanggal ni Pat ang earphone nito at taka namang napalingon si Harry sa kanya. "Baket?" tanong nito.

"Tinatanong kita kung kamusta yung trip." si Leebie na ang sumagot.

"Y-yung trip?!" agad na napalunok si Harry sa tanong na yon. Naalala nya kasi yung halikan nila ni Pat. At lalo syang kinabahan nang maalala ang panaginip ni Pat. Ikukwento nya ba yun sa nanay nya? Parang awkward naman.

"Yes, may iba ka pa bang pinuntahan? Or, may iba kang GINAWA?"

"W-wala. ang totoo, nap–"

Biglang sumingit si Pat sa usapan. "Masaya n-naman po sya dun sa t-trip!"

Gulat na napatingin ang lahat kay Pat– maliban sa ama ni Alee na nagda-drive.

"Bakit defensive ka, Pat?" panunuksong tingin ni Leebie.

"Ha?! Defensive? H-hindi po!"

"Talaga?" paninigurado ni Leebie.

"Opo!"

"Sige, yan ang sabi mo eh." sabi nalang ni Leebie pero hindi parin talaga sya kumbinsido. Patuloy nilang tinatahak ang loob ng village, may kalayuan kasi ang bahay nila doon – pero mas malayo ang bahay nila Pat. Malapit yon sa dead end ng village kaya kailangan mo talaga ng sasakyan para mabilis marating ang bahay.















"Andito na tayo!" masiglang sambit ni Dennis (tatay ni Alee) nang makarating na sa tapat ng bahay nila.

"Pat, dito ka na kumain." anyaya ni Leebie. "Siguradong pagod kana."

"A, hindi na po–"

"Sige na." walang ganang pagpumilit ni Harry.

Nagulat si Pat sa sinabi nito. "O-o sige."



Habang kumakain ang biglang naging awkward ang sitwasyon para kay Pat. Hindi nya kase madalas makausap si Harry noon tapos ngayon magkaharap sila sa mesa. Awkward diba?

"Harry, nak. Alam ko may gusto kang ikuwento. Sige na." sabi ni Leebie at lalong kinabahan si Pat sa kung ano ang sasabihin ni Harry.

"Ayos lang naman. Kinuwento sakin ni Pat yung panaginip nya. Nandun kasi ako, ako nga yung bida eh." mayabang sa sambit nya.

Gulat na napalingon si Pat kay Harry. "May humahabol daw samin. Tapos nakita namin yung mga kaklase namin na walang–"

Hindi natapos ni Harry ang sasanihin nang sipain sya ni Pat ng palihim. Napatingin sya dito nang nagtataka. Sumenyas naman si Pat na itikom ang bibig nya. Bigla nyang naalala ang pangako nyang hindi nya ipagkakalat ang panaginip ni Pat. Mabuti nalang at pinaalala sa kanya.

Señor AsesinoWhere stories live. Discover now