4GAS 1

1 1 0
                                    

[Lily's POV]

It's still early nung magising ako. Isang malaking 4:30 na may monday sa ilalim ang nakapaskil sa digital clock na nakasabit sa itaas ng pinto. Madilim pa ang paligid at di pa manlang nagigising kahit ang mga manok.

Kailangan ko pa kasing magluto ng pagkain na dadalahin ko sa tatay kong nakalatay sa ospital. Kailangan ko ring maglinis ng bahay at plantsahin ang uniform ko— pero hindi pampasok sa ekwelahan... sa trabaho.

Bata pa ako at nasa edad 19 palang pero gustuhin ko mang ipagpatuloy ang pag-aaral ko, di ko magagawa. Pagkatapos kasi mamatay ng nanay ko ay nalungkot ng sobra yung tatay ko kaya ayun, di nagtagal nagkasakit din at naospital. Mag-iisang taon na siya dung nakaconfine at sa kaniya lahat napupunta kinikita ko sa pag-call agent.

6 na ng umaga ng matapos ako sa mga gawain ko. Natapos na rin akong magkape kanina habang nagluluto at wala na akong oras para kumain kaya naligo nalang ako ng mabilis at isinuot ang masikip at hindi komportable kong damit.

I wore my very tight 2-inch pair of shoes at nagsimula nang maglakad papunta sa ospital.

Wala naman masyadong sasakyang dumadaan pero kapag meron, parang mga gusto nang magpakamatay sa bilis.

At last, naggreen na din ang street light sa may tabi ko at nagsimula na akong maglakad ng biglang— 'Boom!' Parang may nabangga atang sasakyan pero san ito galing? Di ko manlang napansin, buti nalang di pa ako nakakatawid.

Kitang-kita ko ang duguang katawan na nasa harapan ng kotseng pula. Kumalat na ang pulang likido sa buong kalsada. " Katakot na talaga mga driver ngayon. Hindi manlang nag-iingat." Napailing nalang ako.

Nagsisidatingan na ang mga kumpol ng tao samantalang ang driver ay hindi manlang lumalabas.

"hala! Kawawa naman si ate."

"Oo nga. Ang bata pa naman nito oh."

"Sayang ang ganda pa naman." Bulong nung ilan sa mga tao.

"Kilala niyo po ba yan?" tanong ko dun sa babae na kanina pa nakatulala dun sa bangkay pero di ako nito pinansin. "Ang sungit, huh?" parang wala man lang itong narinig.

Dahil desperada na akong malaman kung sino yun, lumapit na ako. Nasa ilalim nang unahan ng kotse yung ulo kaya hindi ko makita. Nang dumating na ang rescue team, tulong-tulong nilang iniangat yung unahan ng kotse para makuha yung babae.

Kalat-kalat yung buhok nito sa mukha. Kainis! Di ko parin makita. Lalong nagdatingan ang mas maraming tao na kita ang awa at takot sa mga mukha.

Nang isakay yung babae sa stretcher, saka ko lang nakilala. Parang pamilyar 'to ah! Sa' n ko nga ba ito nakita?

Kinakabahan na ako pero bakit parang di manlang bumibilis ang paghinga ko? Parang hindi ako humihinga!

Inilapit ko ang aking daliri sa tapat ng ilong ko para pakiramdaman ang hangin pero di ko na kinaya ang nakita ko.

Namumutla ang aking palad at parang lumalagpas yung paningin ko dito sa kalsada.

Dun ko palang napagtanto at naalala kung sa'n ko nakita yung babae na 'yon pero imposible. Di pa naman ako—

Bigla akong natigilan kasi parang ibinuhos sa akin yung alaala dun sa nangyari. Nakatawid na ako at—

Di ko alam ang aking ginagawa. Tumatakbo lang ako papunta sa kung saan at ni hindi manlang ako nililingon ng kahit na sino. Di nga pala nila ako nakikita.

Unti-unti nang nagsisimulang tumulo ang aking mga luha ng biglang nakabunggo ako ng isang lalaking nakasuot ng unipormeng pampasok. Sa hitsura nito ay malalaman mo agad na college na ito.

"Okay ka lang, miss?" Nagulat ako ng bigla itong magtanong.

"Nakikita mo ako? Pero paano?" Biglang may namuong pag-asa sa akin kasi baka nga hindi ako yun at hindi pa talaga ako patay.

"Bakit naman hin—" natigilan ito sa pagsasalita at tiningnan ako ng parang pinagaaralan. "Ah. Patay ka na 'no?" Sa sinabi niyang yun ay nawala na nang tuluyan ang natitira kong pag-asa.

"Pero pa'no mo ako nakikita? Ano ka anghel? Diyos?" Alam kong maling nakikipag-usap ang multo sa tao pero hindi naman siya natatakot e.

"Oo." Imbes na magulat ako ay natawa lang ako sa sagot niya. "Oo nga."

Tiningnan ko ito sa mata para makita kung nagsisinungaling ito. Sayang ang gwapo pa naman kaso baliw ata.

Tutal siya lang din nama ang makakausap ko ay nakisabay na ako sa joke niya.

"Sige nga. Kung diyos ka, buhayin mo nga ulit ako." hamon ko dito. Hindi siya nagsalita ng matagal kaya nakumbinsi na ako na nagbibiro o baliw lang talaga siya pero bigla itong nagsalita.

"But you must understand that everything comes with a little price."

"Ay ganun? May kapalit. Wala akong pera. Sige, salamat nalang."

"Hindi pera."

"E ano?"

"Be my slave. Payag ka? "

"Aba teka. Ni hindi ko nga alam kung totoo yang sinasabi mo tapos gagawin mo akong slave? Wag nalang. Mamatay nalang ako kesa maging alipin."

"You're already dead."

"Ay oo nga pala."

"Diba sabi mo gusto mo mabuhay? I'm just doing you a favor. Uunti lang ang nabibigyan ng pagkakataong katulad nito. Ikaw din..."

"Pero hindi naman ata tama na alipinin mo ako. Sinasamantala mo lang yung pangangailangan ko."

"You still haven't answered my question. Oo o hindi? " madiin nitong tanong sakin pagkatapos ay nilapit ang mukha sa akin. Grabe ang tangos ng ilong. Baka matusok ako nito.

"Pero kasi..."

"Oo o hindi?!" ngayon ay mas malakas at madiin na ang pagkakasabi nito. Nakatutok pa rin ang mga mata nito sa akin.

"Sigurado ka mabubuhay a—" bigla nanaman akong binara nito sa pagsasalita. Kung di ka lang gwapo naku.

"Basta sagutin mo na lang!"

"Oo na!" inilayo na nito ang mukha niya sakin at tumayo nang tuwid. Tumingin sa paligid at sa mga dumadaang tao na parang di rin siya nakikita manlang.

"Tandaan mong nakipagsundo ka sa akin. Ako si Throne at ikaw ay isa nang alipin ng diyos." Nakatutok lang ang aking mga mata dito at hinihintay ang susunod nitong gagawin. "Wag na wag mo yang kakalimutan."

Itinaas niya ang kaniyang mga palad at kasama ang malakas na pwersa ay ipinalakpak niya ang mga ito. Kasunod nito ay parang bumabaliktad ang takbo ng mga bagay.

Ang mga tao ay nakakatawang naglalakad patalikod at ang bilang ng streetlights ay pataas ang bilang. Sa una ay mabagal pa ang lahat at nang tumagal ay para na akong hinihigit ng ipo-ipo pabalik sa kung saan.

Saka ko lang naisip ang ginawa ko. Well atleast mabubuhay ako. Tsaka di naman ata habang buhay aalipinin niya ako. Kamalasan naman kasing nabunggo pa ako nung walang hiyang driver na yun e.

"Kaya mo 'to Lily."

At tuluyan nang kinain ng kadiliman ang aking paningin.

————

Four Gods and a Servant (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon