4GAS 7

1 1 0
                                    

[Lily's POV]

Nagpatuloy kami sa pagtawid sa mahabang tulay hanggang sa harap ng pinakamalaking magandang estruktura.

Nagbigay galang ang mga bantay at binuksan ang pinto para sa amin. Ang inaasahan kong loob nito ay kagaya ng nauna naming puntahan, ang mataas na palasyo, ngunit iba ito.

May mga kurtina sa gilid ng kwarto at may mesa sa pinakadulo nito. May mga parang lumang libro sa gilid nito at ang gitna naman ng kwarto ay may mataas parang maliit na bilog na stage at may hagdan sa gilid.

Unti palang ang kita ko sa loob nito dahil sa mga dibisyon at kurtina na nakaharang sa ibang bahagi.

"Ito naman ang aking silid. Dito ako tumatanggap ng mga panauhin at dito ako nag-aaral. Marami pa sana akong gustong ipakita sayo kayo gabi na." Nasa loob na kami ngayon at nakaupo sa magkabilang gilid ng mababang lamesa. Wala ditong mga upuan at tanging maliliit na lamesa lang ang meron.

May mga apoy sa bawat sulok na tanging nagbibigay liwanag dito. Wala ata silang kuryente. Ang poor naman.

Busy pa ako sa pagtingin sa mga ginto at pilak na mga bagay sa paligid ng maalala ko si Tatay. Kapag nakita 'to ni tatay, baka matuluyan na yun sa tuwa. Magnakaw kaya ako isa. Yayaman na siguro kami kahit isa lang sa mga gintong mesa dito.

"Ah Throne... kasi..."

"Ano yun?" tanong nito sa akin habang naghahain ng mga tasa.

"Kelan tayo babalik sa lupa? Pero di ako nagmamadali. Nag-aalala lang kasi ako kay tatay." sagit ko. Sinalinan ko na ng tsaa ang mga tasa dahil alam kong ako lang din ang uutusan nito.

"Tungkol dun... Pwede natin 'yang masolusyunan. Kakausapin ko ang kapatid kong ibalik tayo sa oras ng mundo ng mga tao. Para lang tayong nawala ng ilang oras." Sabay higop sa maliit nitong tasa.

Sinubukan ko ding lasahan ang sa'kin dahil ngayon lang ako makakatikim nito pero napakasarap. Para itong dumaloy sa katawan ko at inalis lahat ng sakit at ngalay. Parang ngayon lang ako nakahinga ng maayos.

"May mga sangkap 'yang gamot at pampalakas kaya di na ako magtataka na ganiyan ang hitsura mo. Para kang batang binigyan ng matamis."

Napatigil ako at tiningnan siya ng masama. "Panira ka ng moment." Matagal-tagal kaming nagtalong dalawa hanggang sa may pumasok na bantay na yumuko bago nagsalita.

"Prinsipe, nasa labas ang prinsesa Amihan ng kaharian ng hangin." magalang nitong sambit. Naramdaman kong inayos ni Throne ang kaniyang sarili at pinagpag ang damit nito.

"Papasukin mo ang prinsesa." Agad na lumabas muli ang lalaki at binuksan ang pinto.

Pumasok ang isang napakagandang babae na may dalawang tagapagsilbi sa likod nito. Nakasuot ito ng kulay puting damit na katulad ng suot ko ngunit mas magarbo at napupuno ng mamahaling bato ang buhok nito. Ang kaniyang hikaw naman ay pilak at may mahabang palamuti.

Yumuko ito ng bahagya na sinundan naman ng mga tagapagsilbi nito ng mas mababa. Inilahad nito ang kaniyang kamay para umupo ang babae.

"Sino siya?" may pagkaarogante nitong tanong. Tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay. Ngayon palang ay ayaw ko na sa kaniya.

"Diwatang Lily." tipid na sagot ni Throne. Hindi ito nito tinitingnan at patuloy lamang sa paghigop ng tsaa. Pansin ko rin na hindi na ito nagpapasalin at nagkukusa na ito.

"Isang diwata? Nasaan ang iyong mga tagasilbi? Kayo lang ditong dalawa?" lumapit ang isa sa tagasilbi nito sa amin. Itinaas nito ang lagayan ng tsaa at sasalinan na sana ang tasa ng prinsesa ng matapon ito kay Throne.

Hindi kumibo si Throne pero agad na tumayo ang prinsesa at sinampal ang kawawang tagapagsilbi. Malakas ito at may kasamang hangin ngunit hindi manlang nagreklamo ang babae.

Tatayo na sana ako pero hinawakan ni Throne ang aking balikat para di ako makatayo. Seryoso lamang itong nakatingin sa tasa niya.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa kalapastanganan ng aking tagapagsilbi at ibinibigay sayo kaniyang buhay bilang kapatawaran."

Lumuhod ang babae sa harapan ng prinsesa ipinatong ang ulo nito sa sahig. "Prinsesa, patawarin niyo ako." rinig ang panginginig at takot sa boses nito.

"May gana ka pang humingi ng tawad!" Sa isang sampal ng kamay nito sa hangin ay malakas na tumilapon ang babae ng parang isang magaang papel. Napakalakas ng hangin dahilan para halos lumipad dun ang damit na suot ko.

Wala paring ekspresyon sa seryosong mukha ng bwiset at parang walang pakialam. Nang papatamaan nanaman ng prinsesa ang tagapagsilbi ng isang malakas na hangin ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Kung walang pakialam ang bwiset na prinsipeng ito, ako meron. Tuluyan na akong tatayo at sasaktan ang babaeng nakahanda nang umatake ng muli akong pinigilan ni Throne.

Itinapat ang kamay nito sa hanging namumuo sa palad nang prinsesa at may lumabas ditong parang asul na usok dagilan para mawala ang hangin ng prinsesa.

Nagulat ito sa nangyari at agad na humarap kay Throne. "Ibinigay mo na sa akin ang buhay niya. Pagmamay-ari ko na siya at para lang malaman mo prinsesa Amihan, ayaw ko na may ibang sumisira sa pagaari ko."

Nanlaki ang mata nito dahil sa sinabi ng prinsipe at napayuko na lamang dahil sa hiya at takot kay Throne." Pe-pero—"

"Makakaalis ka na. Malalim na ang gabi at masyado nang malaki ang kaguluhang dinala mo sa aking palasyo."

Namula ang prinsesa ngunit wala siyang magagawa. Ako naman ay tahimik lang na nanonood sa kanila. "Pero—" magsasalita pa sana ito nang muling magsalita so Throne.

"Gusto ko nang magpahinga." sumenyas si Throne sa mga tagabantay na nakasilip sa pintuan at alam na nito ang gagawin.

Lumapit sila sa prinsesa at hahawakan na sana ang braso nito ng magpumiglas ito. "Kaya kong lumabas." Yumuko ang mga lalaki pero hindi ito umalis. Hinintay muna nilang padabog na makalabas ito at saka sumunod.

Isinara nilang muli ang malaking pinto at muling tumahimik ang malawak na kwarto. Tahimik na humihikbi ang babaeng tumalsik kanina. Hindi ito gumagalaw at nakayuko lamang.

Tumayo ako at nilapitan ito. Nang maramdaman nito na papalapit ako sa kaniya ay nagsimula itong umiyak ng malakas. "Patawarin niyo ako mahal na diwata. Mahal na prinsipe."

"Pakiusap tumayo ka." pakiusap ko dito habang tinutulungan siyang tumayo. Tumatanggi itong tumayo at patuloy na umiiyak at nanghihingi ng tawad.

"Wag mong sayangin ang awang binibigay sayo ng diwata." Dahil sa sinabi ni Throne ay tumayo na ang tagapagsilbi. Tumingin ito sa akin at tumigil ang iyak.

"Maraming salamat po diwatang Lily." sambit nito. Nginitian ko lang ito na ibinalik naman nito.

"Diwatang Lily, ihahatid ka ng bago mong tagapagsilbi sa sarili mong kwarto." Nagbigay galang ang babae, na tagapasilbi ko na ngayon, kay Throne bago yayain ako palabas. Napatingin nalang ako sa gawi ni Throne hanggang sa mawala ito sa abot ng aking paningin.

Four Gods and a Servant (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon