Prologue

1 1 0
                                    

Kitang-kita ko ang duguang katawan na nasa harapan ng kotseng pula. Kumalat na ang pulang likido sa buong kalsada. Buti nalang at hindi pa ako nakakatawid. Katakot na talaga mga driver ngayon. Hindi manlang nag-iingat.

Nagsisidatingan na ang mga kumpol ng tao samantalang ang driver ay hindi manlang lumalabas.

"hala! Kawawa naman si ate."

"Oo nga. Ang bata pa naman nito oh."

"Sayang ang ganda pa naman." Bulong nung ilan sa mga tao.

"Kilala niyo po ba yan?" tanong ko dun sa babae na kanina pa nakatulala dun sa bangkay pero di ako nito pinansin. "Ang sungit, huh?" parang wala man lang itong narinig.

Dahil desperada na akong malaman kung sino yun, lumapit na ako. Nasa ilalim nang unahan ng kotse yung ulo kaya hindi ko makita. Nang dumating na ang rescue team, tulong-tulong nilang iniangat yung unahan ng kotse para makuha yung babae.

Kalat-kalat yung buhok nito sa mukha. Kainis! Di ko parin makita. Lalong nagdatingan ang mas maraming tao na kita ang awa at takot sa mga mukha.

Nang isakay yung babae sa stretcher, saka ko lang nakilala. Parang pamilyar 'to ah! Sa' n ko nga ba ito nakita?

Kinakabahan na ako pero bakit parang di manlang bumibilis ang paghinga ko? Parang hindi ako humihinga!

Inilapit ko ang aking daliri sa tapat ng ilong ko para pakiramdaman ang hangin pero di ko na kinaya ang nakita ko.

Namumutla ang aking palad at parang lumalagpas yung paningin ko dito sa kalsada.

Dun ko palang napagtanto at naalala kung sa'n ko nakita yung babae na 'yon pero imposible. Di pa naman ako—

Bigla akong natigilan kasi parang ibinuhos sa akin yung alaala dun sa nangyari. Nakatawid na ako at—

Di ko alam ang aking ginagawa. Tumatakbo lang ako papunta sa kung saan at ni hindi manlang ako nililingon ng kahit na sino. Di nga pala nila ako nakikita.

Unti-unti nang nagsisimulang tumulo ang aking mga luha ng biglang nakabunggo ako ng isang lalaking nakasuot ng unipormeng pampasok. Sa hitsura nito ay malalaman mo agad na college na ito.

"Okay ka lang, miss?" Nagulat ako ng bigla itong magtanong.

"Nakikita mo ako? Pero paano?" Biglang may namuong pag-asa sa akin kasi baka nga hindi ako yun at hindi pa talaga ako patay.

"Bakit naman hin—" natigilan ito sa pagsasalita at tiningnan ako ng parang pinagaaralan. "Ah. Patay ka na 'no?" Sa sinabi niyang yun ay nawala na nang tuluyan ang natitira kong pag-asa.

"Pero pa'no mo ako nakikita? Ano ka anghel? Diyos?" Alam kong maling nakikipag-usap ang multo sa tao pero hindi naman siya natatakot e.

"Oo." Imbes na magulat ako ay natawa lang ako sa sagot niya. "Oo nga."

Tiningnan ko ito sa mata para makita kung nagsisinungaling ito. Sayang ang gwapo pa naman kaso baliw ata.

Tutal siya lang din naman ang makakausap ko ay nakisabay na ako sa joke niya.

"Sige nga. Kung diyos ka, buhayin mo nga ulit ako." hamon ko dito. Hindi siya nagsalita ng matagal kaya nakumbinsi na ako na nagbibiro o baliw lang talaga siya pero bigla itong nagsalita.

"But you must understand that everything comes with a little price."

"Ay ganun? May kapalit. Wala akong pera. Sige, salamat nalang."

"Hindi pera."

"E ano?"

"Be my slave."

——

Hey yow. Watchu think about the prologue? Lame? Sorry ha. Di kasi ako professional.

Welcome and thank you for reading 'Four Gods and a Servant'.

Four Gods and a Servant (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon