Wait lang. Bakit kailangan ko magpaliwanang e magnanakaw yun?
"Throne, gising. May magnanakaw!" inalog ko ang ulo nito at katawan. Pinitik ko ang tenga at ilong ngunit wala manlang reaksyon. Umakyat ako ng kama at malakas na itinulak ito hanggang sa mahulog sa sahig.
"Arayy! Anong problema mo?" tanong nito habang nakahawak sa ulo at hinihimas ito.
"Sorry, may magnanakaw kasi sa labas." sagot ko dito at tinulungan itong tumayo.
"Magnanakaw? Nasisiraan ka na ba? Imposible 'yang sinasabi mo." sagot nito at napansin na bukas lahat ng butones ng polo niya. "Bakit ako hubad? Diba sabi ko sayo wag mong sasalamantahin ang pagiging lasing ko." Sinimulan nitong ibutones ulit ang polo nito.
"Wag ka ngang assuming! Naiinitan ka kaya hinubad ko yang polo mo."
"Lily, you could've just said kasi papayag naman ako e. Hindi yung gagawin mo ito habang wala akong kalaban-laban at walang malay."
"Pwede ba? Unahin muna natin yung magnanakaw at baka marami na yung nakuha." nauna na akong naglakad papuntang pinto para hindi niya mapansin ang namumula kung pisngi.
"Unahin muna? So gusto mong ituloy natin 'to mamaya? Game ako diyan. Tara bilisan nating hulihin yung magnanakaw."
"Tumigil ka nga."
Sabay kaming lumabas ng pinto at hinanap ang lalaking pumasok kanina sa kwarto. Sinimulan namin sa kusina at naghanap ako ng matigas na kawali para ipanghampas.
Nang malapit na kami sa living room ay may narinig kaming kumakain at mukhang nanonood pa ng magnanakaw. At home na at home tayo kuya ah.
"Throne ayun siya." kinuha nito ang hawak kong kawali.
"Diyan ka lang muna. Wag kang lalabas kahit na anong mangyari. Pag napatay ako, tumakbo ka na." matapang nitong sabi.
"Ang OA mo."
Dahan-dahan itong naglakad papunta sa lalaki at itinaas ang kawali ng makalapit na ito.
Walang alinlangan nitong hinampas ng malakas sa ulo ang lalaki dahilan para ito ay tumalsik sa labas ng bahay at mabasag ang mga salamin na nagsisilbing dingding ng salas.
"Ba't mo nilakasan!" medyo mangiyak-ngiyak kong tinakbo ang kinaroroonan ni Throne. Mabilis ang taas at baba ng aking dibdib at mabilis rin ang hinga.
"O bakit? Pinaalis ko lang yung magnanakaw kagaya ng sabi mo." nakangisi nitong sabi habang ibinabalik sa kamay ko ang ebidensya sa krimen.
"Pinaalis?!! Pinatay mo siya, Throne!" sigaw ko dito habang pilit na ginugulo ang aking buhok. Pano na 'to? Ang bata ko pa para makulong.
"Relax ka la—" pinutol ko ang sasabihin nito.
"Relax?! Ganiyan ba talaga kayong mga diyos? Papatay balang kapag gusto tapos--" napatigil ako sa pagsasalita ng may nakita akong taong papalapit sa amin.
Nakahawak ito sa ulo nito habang patuloy ang paglakad. Saka ko lang nakilala ang mukha nito ng sobrang lapit na nito samin.
"Pero panong--?" Siya yung lalaki kanina na kita kong tumalsik pagkatapos hampasin ng bwiset. Wala manlang galos at ngayon ay tumatakbo na siya papunta kay Throne.
"Bwiset ka. Akala mo hindi yun masakit, Throne?" tumakbo si Throne papunta sa likuran ko na parang bata.
Bakit kilala nito si Throne.
"Lumabas ka diyan. Wag kang magtago sa babae." at para silang mga batang nagpapatintero habang ako ay nasa gitna.
"Siya may sabi nun." tumigil sila sa pagtakbo at tumingin sa akin ang lalaki. Sinamaan ko ng tingin si Throne pero nginisian lang ako nito.
"Totoo ba 'yon miss?" tanong nito habang papalapit sa akin. Napalunok nalang ako at natakot para sa buhay ko.
"H-hindi ah." tumakbo ito ng mabilis at akala ko' y sasaktan niya ako pero nilagpasan lang ako nito at nagawang hawakan si Throne sa kwelyo ng polo nito.
"Huli ka." sinuntok nito sa mukha si Throne na agad namang lumipad papalayo. May malakas na hanging nanggaling sa kamao nito at kahit ako ay muktik nang matumba. Ipinagpag pa nito ang kaniyang mga palad bago humarap muli sa akin.
"Pagpapakilala, mahal na binibini. Ako si Zhyke, kapatid ni Throne." inabot nito ang kamay ko at hinalikan ang likod. Muli naman nitong ibinaba ang kamay ko.
"Lily." nginitian ko lang ito. Alangan namang halikan ko din kamay.
Bumalik ito sa sofa at ipinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari. Samantalang si Throne naman ay pabalik na sa bahay. Nabasag ang ilang mga bagay at pader pero habang dumadaan ni Throne ay naayos ang nga ito.
Nang makapunta na siya sa salas au umupo ito sa isa pang upuan na katapat ng kay Zhyke. Iwinagayway nito ang kamay nito pataas at nabuo na ang salamin na nabasag.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ni Throne kay Zhyke na patuloy lang kumakain.
"Bawal na ba ako dito?" Sinamaan lang ito ng tingin ni Throne. "Kung ang ikinagagalit mo ay naistorbo ko kayo, hindi ko sinasadya. Ba't kasi di niyo inilock yung pinto?" namula akong muli sa sinabi nito.
"Hindi yu—" napatigil ako ng biglang magsalita si Throne.
"E bakit naman kasi di ka kumakatok? Hindi tuloy nagawa ni Lily yung balak niya."
Magsasalita pa sana ako nang tumingin ito sa akin at inutusan akong ipagtimpla siya ng juice.
"May pag-uusapan lang kami kaya take your time." Pumunta na ako sa kusina.
[Throne's POV]
Nang makaalis na si Lily ay saka kami nag-usap ni Zhyke.
"Anong problema?" tanong ko dito dahilan para ibaba niya ang kutsara at tinidor at tumigil sa pagkain.
"May umatake nanaman sa palasyo. Wala kaming tatlo dun kaya hindi kami nakatulong pero wala namang nasaktan sa mga maharlika."
"Ang heavenly impress at emperor?"
"Wala namang nangyari sa kanila. Pero nagtataka lang ang mga anghel at diyos dahil parang handang-handa ang impress at hindi manlang nabigla sa pag atake. At hindi manlang siya nasugatan samantalang si ama ay may unting galos."
"Kumikilos na siya. Kung may mahanap nga lang sana tayong ebidensya..."
"Ginagawa ko na ang lahat. Hindi pa ba natin ipapaalam sa dalawa ang plano?"
"Siya ang nagsilang sa kanila. Baka makahadlang lang sila sa plano."
"Pero pano kung makalaban natin sila?"
"Kapag kinakailangan pero hanggang sa kaya nating iwasan, ayaw ko sanang madamay ang dalawa nating kapatid."
"Kailan ka babalik sa palasyo?"
"Mauna ka na. Susunod nalang kami sayo mamaya. Baka magtaka sila na sabay tayong pumunta sa langit."
"Kami?"
"Isasama ko si Lily."
Maya-maya pa'y bumalik na si Lily na may dalang dalawang baso ng orange juice. Nakakunot ang noo nito sa'ming dalawa dahil napakahina ng pag-uusap namin.
"Miss Lily, aalis na ako. Hanggang sa muli nating pagkikita." pagkasabi ni Zhyke ay agad itong tumayo at naging puting usok na bumubulusok pataas sa kisame hanggang sa mawala sa paningin naming dalawa.
"Ah Lily, magbihis ka. Pupunta tayo sa langit." sa sinabi kong ito ay nanlaki ang mata niya at parang gusto pang ipaulit sa akin ang aking sinabi.
BINABASA MO ANG
Four Gods and a Servant (Tagalog)
خيال (فانتازيا)Si Lily ay isang simpleng babae na ang gusto lamang sa buhay ay masuportahan ang kaniyang tatay. Pero pano kung bigla siyang mamatay? Papayag ba siyang maging alipin kapalit ng pangalawang buhay? Samahan si Lily at ang apat na diyos sa paglalakbay...