4GAS 4

1 1 0
                                    

[Lily's POV]

Tinitigan ko ang mukha nito na para itong pinag-aaralan. Mula sa buhok, mata, ilong at labi. Wala namang bahid ng katandaan e. Pinagloloko ba ako nito?

Tiningnan ko ulit ang mata nito(ang ganda), ang ilong (ang tangos), at ang labi (parang ang sarap halikan). Nasamid ako ng bigla kong napagtanto ang iniisip ko.

Diyos siya, tao ako. Literal na langit siya, lupa ako. Tsaka ang tanda na niyan no. Matanda pa kaya yan sa lolo ng lolo ko.

"Tigilan mo nga yan. Nakakailang." sambit nito. Di ko namalayang nakatulala na pala ako dito ng matagal.

Umiwas ako ng tingin at ibinaling nalang ito sa kape sa harapan ko na nagsisimula nang lumamig.

"Ba't di mo ginagalaw yang kape mo?"

"Ano kasi e. Parang mali na may iniinom ako tapos ikaw wala."

"Yun lang?" Iwinagayway nito ang kamay niya sa hangin at parang may maliit na ipo-ipong tumama sa ibabaw ng table at unti-unti itong naging solido hanggang maging bote at isang maliit na maliit na tasa. "Cheers?" itinaas nito ang tasa at ininom.

"But before everything, I'm warning you Lily. Wag na wag mong susubukang samantalahin ang pagkalasing ko." Ano daw?! Samantalahin? Mukha ba akong manyak?

"Wag kang mag-alala, Sir. Babatukan kita para magising o itutulak kita sa pool at hahayaang malunod para malaya na ako."

"Not so clever. Di ko pa ba nasasabi sayo na ako ang diyos ng tubig?" Inilipat nito ang tingin sa pool na nagsimulang umalon na parang dagat. "At subukan mo lang na patayin ako, di ka na makakalapit sa kahit na anong beach dahil hahabulin ka ng mga kaibigan kong pating." Pagbibiro nito at inilapag sa harapan ko ang tasa niya.

"Di ako umiinom." Tipid kong sambit pero tinaasan lang ako ng kilay.

"Di naman kita pinapainom. Salinan mo ng alak."

"Anong akala mo sa'kin? Alipin mo?" napatigil ako at napaisip dahil alipin nga pala talaga ako. Nginitian ko ito at sinalinan ng alak ang tasa.

Agad naman nitong ininom ang alak at inilapag na muli ang tasa. Mukhang magiging mahabang araw ito para sa'kin.

Nagpatuloy ang salin-inom ng halos isang oras at mukhang nagsisimula nang mamula ang pisngi nito at di na rin masyadong nagsasalita. Marami na rin siyang naikwento sa akin at ang ilan dun ay di ko dapat narinig.

"Alam mo? Maraming mga tagapagsilbing nagpapaligo sa akin sa kaharian ng mahal na haring ama sa kalangitan. Alam kong naninilip lang 'yung iba sun

"Throne, kaya mo pa ba? Baka—"

"I'll t-tell you to s-shtop if I want y-you to shtop." Sagot nito ng medyo nauutal. Ang mga mata nito ay papikit-pikit na at hindi na rin steady ang ulo nito.

"Sigurado ba—"

"Just do it!" Nagulat ako ng sumigaw ito na naging dahilan ng malaking alon sa pool. May namuo ding maiitim na ulap sa tapat namin at ang bote ng alak at kape ay tumilapon bago sumabog at naging pinong tubig.

Medyo napaatras ako at tumayo sa aking inuupuan. Natatakot ako na baka may gawin nanaman siyang nakakatakot pero ako nitong takot na takot ay napatulala nalang ito sa akin.

"Shorry." Mahina nitong sambit bago tuluyang bumagsak ang ulo sa table. Hindi agad ako lumapit pero nang nakalipas na ang isang minuto na di pa ito gumagalaw ay nilapitan ko na ito.

"Throne?" tanong ko dito habang dahan-dahang inuuga ang katawan nito. "Sir? Pasok na muna tayo." Nakatulog ata. Pano 'to e di ko naman ito kayang buhatin.

"hmmm...Bakit ba?" mabagal at mahina nitong sabi ng may pagkairita sa boses nito. Pinilit nitong iangat ang parang napakabigat na ulu nito.

"Pasok na tayo sa loob. Aakayin kita ha?" isinampay ko ang kamay nito sa aking balikat at tinulungan siyang tumayo. Hindi naman ako masyadong nabigatan kasi tumutulong siyang buhatin ang sarili niya.

"Humawak ka." Mahina nitong sambit na halos hindi ko na narinig.

"Ano?" Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay kong nasa tagiliran niya.

"Hawak." At walang warning na parang biglang umikot ang paligid. Ang table at pool ay parang hinihila at humahaba hanggang sa mabuo ang panibagong hitsura ng paligid.

Ang kama, ang maliit na lamp, mga bintana hanggang sa nasa isang malawak na kwarto na ako.

Biglang bumagsak ang katawan ni Throne sa kama habang napailalim naman ako dito. Amoy na amoy ko ang alak dahil malapit ang bibig nito sa akin ngayon. Halos dumikit na ito sa aking labi buti nalang at nakaharang ang kamay ko sa dibdib ko. Uminit ng bahagya ang aking pisngi.

"Ang bigat mo, Throne." sinubukan kong itaas ang katawan nito. "Alissss!" natumba ito sa gilid ng kama pero di manlang nagising.

Napatulala ako sa bagsak nitong katawan. Kitang-kita kita ang magandang hubog ng katawan nito at gwapo pa rin kahit natutulog. Mas mukha kang diyos kapag tulog.

"Hmm..." mahina nitong ungol habang parang iritang-iritang sinusubukang tanggalin ang damit nito pero di niya nagawa.

"Naiinitan ka ba? Bukas naman ang aircon." Pinuntahan ko pa ang aircon para masiguradong bukas ito.

Naalala kong mainit nga pala ang pakiramdam ng taong nakainom. "Anong gagawin ko?" Tiningnan ko ang polo nitong suot. Di nalang ako titingin.

Sinimulan kong tanggalin ang butones ng polo nito habang nakatingin sa kisame. Pero kapag di ko alam kung nasan na ang susunod na butones ay kailangan kong tumingin at nasusulyapan ko ang katawan nito.

Ang lakas ng hubog ng dibdib nito at may isang plastic ng monay ang tiyan nito. Ano ba yang iniisip mo Lily?!!

Malapit ko nang matanggal ang pinakahuling butones nito ng biglang may nagbukas ng pinto ng kwarto. Isa itong lalaking itim na itim ang buhok at maputi ang kutis. Matangos ang ilong at maninipis ang mapula nitong labi. Sa kabuuan ay parang mas gwapo pa ito kay Throne.

Napatigil ako at napatulala sa kaniya. Nakatingin din ito sa akin ng may ngiti sa labi at parang ni hindi manlang nagulat na may tao sa kwarto.

"Si-sino ka?!" tanong ko dito habang kumakapa ng ano mang pwede kong gamiting panghampas dito. Napasok ata kami ng magnanakaw! Pano 'to e tulog tong bwiset na' to. "Kuya, kung ano man yang gu-gusto mong gawin... kunin mo na lahat. Wag mo lang kaming saktan. Di-di kami magsusumbong sa pulis. Pramis." itinaas ko pa ang kanan kong kamay at naghintay ng isasagot nito.

"Sorry naistorbo ko kayo. Tuloy niyo lang yan. Lalabas nalang muna ako." Ano daw?! Iniisip ba niyang may ginagawa kaming kababalaghan ni Throne? "Throne, galingan mo ha?" Nakangisi itong umalis ng kwarto. Inilock pa nito ang pinto at isinarado ito dahan-dahan.

"Kuya, wait!! Mali iniisip mo!" pero huli na ang lahat dahil nakalabas na ito ng pinto at mukhang hindi na ako naririnig nito.

Four Gods and a Servant (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon