[Throne's POV]
"Sabihin mo na kasi sa'min kung bakit mo siya binuhay?" tanong ni Zhyke, pangalawa sa aming magkakapatid, sa akin. Nakapalibot sa akin ang tatlo kong kapatid habang pilit akong tinatanong tungkol dun sa babae na ginawa kong alipin. Di ko manlang pala nagawang tanungin yung pangalan niya.
Nandito kami ngayon sa living room ng mansyon na tinitirahan namin sa mundo ng mga tao. Hindi ko sa kanila sinabi ang aking ginawa pero nalaman parin nila dahil kaya nilang magsense ng kapangyarihan ng diyos.
"Dahil nagmakaawa siya." tipid kong sagot pero parang di parin sila satisfied sa sagot ko.
"Ganun lang?" tanong naman ni Luke, pinakabata sa'min. Dahil dito ay mas lalong naging interesado silang tatlo at mukhang hindi na ako nito titigilan hanggang sa mapakanta nila ako.
"Alam mo Throne, diyos din kami. Alam namin na hindi ka nalang basta-basta bubuhay ng isang tao kung walang dahilan. Slave? Servant? Marami na tayo niyan." sabat naman ng pangatlo sa amin na si Zyron.
"Okay. Mukha kasi siyang mabait kaya naawa ako."
"At?" sabay na sambit nilang tatlo na parang may hinihintay na magic word.
"At..." Nakatulala parin sila sa akin at nakataas pang kilay. May mga maliliit na ngiti sa kanilang mga labi na may halong pang-aasar. "Maganda siya. Yan na. Masaya na kayo?"
Lumayo na ang kanilang mga ulo at nagsimulang magchismisan. Pinag-iisahan nanaman nila ako.
"Sabi na e."
"Chix nanaman."
"Di na nagbago."
"Uy Throne, baka naman pwede namin siyang hiramin minsan. Kailangan ko kasi ng mabait na tagapagsilbi." panunutya ni Zhyke.
"Tumigil ka nga. Akin siya. Back off godly brothers. Maiwan ko na kayo. I'll fetch my slave.
——
[Lily's POV]
Parang isang mahabang panaginip ang lahat ng magising ako. It's 4:30 in the morning and still Monday.
"So nabuhay nga ulit ako? Thank you po Lord God! Magpapakabait na po ako pramis."
Tumayo na ako ng higaan at inulit nanaman ang lahat ng kailangan kong gawin. Ang mas maganda lang ay di ko nalimutang kumain at nabawasan ang oras para sa pag-iisip kasi alam ko na lahat ng kailangan kong gawin.
Kaso nag-aalala parin ako dun sa lalaking bumuhay sa'kin. Ano daw siya? Diyos? Tapos ako slave niya? E kung takasan ko nalang kaya siya tapos mag-iipon ako ng pera para mabayaran siya? Oo nga. Yun nalang.
Pagkatapos kong maligo ulit at ihanda ang mga pagkain na dadalahin ko sa ospital ay umalis na ako ng bahay.
Pagdating ko sa highway ay agad kong hinintay ang paggreen nito. Baka naman panaginip lang yun. Sana po panaginip nga lang yun Lord God.
3...2...1 Tulad nga ng nagyari (dati?) ay may biglang humarorot na pulang sasakyan. Sobrang bilis nito kaya ang mga tao na nasa kalsada ay nagsisigawan na rin at nagrereklamo. Pero parang wala manlang pakialam yung driver.
Habang mabilis itong umaandar ay nasulyapan ko ang mukha nito. Ikaw. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Maya-maya pa ay nakaalis na ito papalayo.
Dapat dito patay na ako tapos nandun si—. At doon nga sa tinakbuhan ko kahapon ay naglalakad si Throne at nakatingin ito sa kinalalagyan ko.
Agad kong iniwas ang mga mata ko na parang di ko siya nakita. Nagmadali akong tumawid sa kalsada at halos lumipad na ako sa pagmamadali.
Maya-maya pa ay nakarating na ako sa ospital. Lumingon-lingon ako sa likod. Buti nalang di niya ako nasundan. Nakangiti akong pumasok sa ospital at hinanap ang room kung nasa'n si tatay.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay agad na binati ako ni tatay. Parang hinihintay ako nito habang nakaupo sa wheelchair na nasa tapat ng bintana. May routine kasi siyang magpaaraw tuwing 6:30 to 7:30. Di na kasi siya nakakalabas ng ospital.
"Tay. Dinalhan ko kayo ng pagkain." Bungad ko sa kaniya sabay lapit para yumakap. "Ako nagluto niyan. Ubusin niyo ha? Para gumaling ka na."
"Salamat anak." Inilapag ko sa table niya yung mga dala kong pagkain mga prutas. "Musta na pala anak? Buti nalang talaga at napromote ka na sa kompanya niyo. Congrats ulit."
Ngiting-ngiti si tatay habang sinasabi niya 'yon pero di niya alam na nagsisinungaling ako. Sinabi ko kasi sa kaniya na sa isang malaking kompanya ako nagtatrabaho at wala siyang kailangang isipin tungkol sa pambayad sa ospital. Baka kasi tumanggi siyang maconfine kapag nalaman niyang wala maming pambayad.
"Salamat po, Tay. Pagaling na po kayo ha? Aalis na po ako at may pasok pa ako."
Kiniss ako ni tatay at tuluyan na akong umalis ng room niya. Dahil sa pag-uusap na yun ay nakalimutan ko na yung tungkol kay Throne at di na ako nag-ingat.
Palabas na ako ng ospital ng may biglang humila sa akin. Hinila ako nito papunta sa harap ng daan papunta sa restroom.
"Ano bang—"
"Iniiwasan mo ba ako, babae?" Nagulat ako ng makita kong si Throne ang humila sa'kin. Nakakunot ang mga noo nito at nakatitig sa'kin.
Tinapik ko ang kamay nito para matanggal ang pagkakahawak nito. "Hindi ah. Tsaka don't call me 'babae, pwede ba? May pangalan ako." sagot ko dito habang nag-iisip ng paraan para makatakas. "Ano lang. Late na kasi ako. May pasok pa ako kaya maiwan muna kita ha?"
"Call your boss."
"Huh? Bakit nama—"
"CALL YOUR BOSS OR I'LL MAKE YOU A FROG!" Madiin nitong sambit. Agad kong hinanap ang cellphone ko sa bulsa ko at dinial ang number ni boss. Ayaw ko maging palaka no. Kung paro-paro pa ok na. "Bilis na..."
"Eto na. Di makapaghintay? May lakad?" nagring na ang number at sumagot na si boss. "Hello po—" bigla kinuha ni Throne ang cellphone at tumalikod sa akin. "Huy anong—"
Itinuro nito sa'kin ang hintuturo nito at para akong tinanggalan ng voice box. Kahit anong gawin ako ay walang lumalabas na tunog sa bibig ko. "Shhh." "Hello. Ako si Throne, guardian ni..." iniwas muna nito ang bibig niya.
"Ano nga pangalan mo?" Pinilit kong magsalita pero di talaga kaya kaya inerapan ko nalang ito. "Ay oo nga pala." Tinapik ako nito sa noo at biglang bumalik ang boses ko.
"Li—Lily. Anong—" Itinuro nanaman niya sakin yung daliri niya para di ako makapagsalita.
"ni Lily." pinagpatuloy na nito ang pakikipag-usap. Ano kayang gagawin nanaman nito? "Di na siya papasok. Oo. Magreresign na siya. Salamat."
Anong?!
"Bakit mo ginawa yun?! Ha?! Alam mo bang—" may namumuo nang luha sa aking mata. Pano na si Tatay?
"Tumigil ka nga. Di ka na papasok dun." Ibinalik nito sa akin ang cellphone. "Sasama ka sa'kin ngayon. Pupunta tayo sa bahay ko dito sa lupa."
Bago pa ako makapagprotesta ay hinawakan ako nito sa balikat at pagmulat ko ay nasa harap na kami ng isang malaking mansyon.
BINABASA MO ANG
Four Gods and a Servant (Tagalog)
FantasySi Lily ay isang simpleng babae na ang gusto lamang sa buhay ay masuportahan ang kaniyang tatay. Pero pano kung bigla siyang mamatay? Papayag ba siyang maging alipin kapalit ng pangalawang buhay? Samahan si Lily at ang apat na diyos sa paglalakbay...