4GAS 9

0 0 0
                                    

[Throne's POV]

Walang magkapagpapalaho o teleport kapag nasa loob ka na ng palasyo. Tanging ang hari at reyna lamang ang may kakayahan dito.

Kaya nilang tanggalin ang proteksyon, at baguhin ito. Sa oras na itanghal ka bilang isang reyna o hari sa mataas na palasyo ay maraming kapangyarihan ang mapapasaiyo.

Ito ang dahilan kung bakit wala ni isang kumakalaban sa mga ito lalo na sa hari. Ang kapangyarihan ng araw na sobra pa para makatunaw ng diyos ay magiging pag-aari ng hari.

Ang buwan naman na kayang komontrol ng taas ng mga dagat, pag-ikot ng mundo, at mga panahon ay nasa reyna.

Ito rin ang dahilan kung bakit wala sa aming dalawa ni Zhyke ang pinaniniwalaan ng kahit na sino na may pumatay sa aming ina.

Sinasabi nila na imposible ang pagpatay sa isang namumuno sa mataas na palasyo. Kaya hindi kami tumigil ni Zhyke sa paghahanap ng ebidensya o ng paraan para mapatigil ang kapangyarihan ng mga ito.

Nilakad ko ang pinakamabilis na daan papunta sa kwarto ni Lily. Ang mga bahay dito, di tulad ng sa mundo ng mga tao ay walang dibisyon at pinagsama-sama na ang lahat ng meron sa isang buhay tulad ng kwarto, kainan, salas, at iba pa.

Hindi ako nagsama ng kahit na sino. Gusto ko sana na makausap si Lily ng mag-isa para maturuan siya ng mga bagay na pwede at bawal niyang gawin. Mahirap na at baka mahuli pa siya.

Nang madatnan ko ang lugar ay nagulat ako ng wala akong matagpuan na kawal. Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala namang nakapagtataka dito. Baka nagpahinga lamang o kumuha ng pagkain. Sisiguraduhin kong matatanggal agad sila at ibababa ang ranggo bilang alipin!

Pinakinggan ko muna si Lily mula sa pinto. Walang ingay at parang madilim na rin kaya sigurado akong tulog na ito. Paalis na sana ako ng mapansin ko ang maliit na hiwa sa gilid ng pinto.

Napatakbo ako sa loob at halos sirain na ang pinto. Doon nakita ko habang mahimbing na natutulog si Lily ay may lalaking nasa tapat ng kama niya na balot na balot ng asul na tela ang katawan.

Aatake na ito ng tubig ng maabutan ko ito. Agad kong tinunaw ang namumuong tubig sa palad nito. "Sinong—" sigaw ko dito ng mapansin ako nito.

Nag-anyong tubig ito at mabilis na lumipad papuntang kisame palabas. Sinundan ko ito at naabutan na nasa taas ng bubong. "Sino ka? Bakit mo gustong patayin ang diwata?" Hindi ito sumagot at sa halip ay binato ako ng matatalas na yelo.

Para itong mga kutsilyong humihiwa sa hangin. Pero dahil tubig din ang aking elemento ay ni hindi ko manlang kinailangang umiwas. Bago pa ako tamaan nito ay natutunaw ito at humahalo sa hangin ang pino nitong bahagi.

Huli na ng malaman kong ginawa lang pala itong distraksyon para ito ay makatakas. Mabilis itong lumipad mula sa isang bubong papunta sa isa pa hanggang sa makapal na mga puno.

Agad akong bumaba sa kwarto para hanapin si Lily na ngayon ay nakatayo na at binuksan na rin ang mga ilaw.

"Anong nangyari?" tanong nito sa akin. Hindi manlang alam ng tulog-mantika na ito na muntik na siyang mamatay. Nasaan nga pala ang mga gwardya?

"Ah wala. Nakikipaghabulan lang ako sa ibon." Sagot ko dito tapos kamot kunwari sa batok. "Sorry." Hindi niya pwedeng malaman na may gusto sa kaniyang pumatay. Baka mag-akit agad ito umuwi.

"Okay lang yun Sir—"

"Shhh! May makarinig sayo. Tawagin mo akong prinsipe." bulong ko dito.

"Ah opo, kamahalan." agad itong nagbigay galang na parang nang-aasar.

"Matulog ka na nga ulit. Aalis na ako." Pagsisinungaling ko dito. Kailangan kong hanapin yung mga kawal na nagbabantay.

Umalis ako at naglakad papalayo at saka bumalik nung hindi na siya nakatingin. Sigurado akong nandito lang itinagi ang mga kawal na yun. Dumiretso ako sa likod ng bahay at nandun ang nasa limang kawal na nakatali gamit ang mahika. Nakapulupot ito sa kanilang mga leeg, sa kamay, hanggang paa.

Nang makita nila ako ay agad silang nagpumiglas. Wala naman akong sinayang na oras at agad itong tinunaw.

"Patawad po, kamahalan. Masyadong malakas ang umatake sa amin." saad ng isa na agad lumubod, handang mapaarusahan. Sumunod ang iba pero agad ko itong pinatayo.

"Magpahinga muna kayo ngayon at tumawag ng ibang magbabantay sa diwata." Pagkatapos nito ay agad akong umalis ng hindi nila nililingon. Sigurado naman akong sinusunod na nila agad ang aking utos.

Nagtungo ako sa sarili kong kwarto at tuluyan nang nagpahinga. Sigurado akong hindi na aatakeng muli ang lalaking yun at bukas ko na siya poproblemahin.

------

Maagang dinala ng ilang alalay ang aking pagkain. Sinigurado ko rin na nadalhan ng pagkain si Lily. "Sunduin niyo ang diwata pagkatapos niyang kumain. Dalhin niyo siya dito. Makakaalis na kayo."

Isinuot ko ang mas maganda kong damit at kalasag. Isinuot ko rin ang badge na nagpapakita ng ranggo ko bilang heneral ng hukbong sandatahan ng langit. Ang alahas ng isang prinsipe.

Ngayong araw ko muling makikita ang aking mga kawal at kailangang maging respetado ako sa kanilang harapan.

Hindi maaaring mawalan ng tiwala at galang sa akin ang mga ito dahil kailangang ako ang susundin nila pag nasagawa na namin ng aking kapatid na si Zhyke ang mga plano namin. Lalabanan namin ang isa sa pinakamakapangyarihang  nilalang sa lahat ng mga kaharian at mundo, ang reyna.

Sinubukan ko ulit tawagin si Zhyke gamit ang aking hangin. Bumulong ako dito ngunit wala talagang sumasagot. Hindi siya ganito at laging lumalabas agad kapag tinatawag ko.

Dahil sa sobrang pag-aalala ay napagdesisyunan kong utusan nalang ang hangin na hanapin ang aking kapatid at dalhin sa aking palasyo.

Dunating ang mga alalay na aking inutusan at agad na ipinag-alam ang pagdating ng diwata.

Ibang-iba na ang hitsura ni Lily. Pinalitan ng mga alalay ang kaniyang kasuotan na lalong dumagdag sa kaniyang kagandahan.

Para itong bata na lumakad papalapit sa akin. Nakatungo ito at halatang ayaw niya sa damit na suot niya ngayon.

"Hi—" babatiin sana ako nito ng 'Hi' ng tingnan ko ito ng masama. Agad naman itong nag-isip at nalaman kung ano ang maling ginawa niya. "Pagbati, kamahalan. Ipinatatawag niyo daw ako." Bati nito sa'kin.

Natutuwa naman ako dahil nagawa niyang mag-adjust kaagad. Maganda na, matalino pa.

Patuloy ko pang tinititigan ang maganda nitong mukha ng pareho kaming nagulat ng may isang katawan na nabuo sa loob ng kwarto na nasa harapan namin mismo. Ang lakas ng hangin na nasa paligid nito habang patuloy na namumuo ang mga paa hanggang sa ulo nito.

Dahan-dahan itong lumutang pababa sa sahig at lalo kaming nagulat dahil ang lalaki ay walang iba kundi si Zhyke na puno ng dugo ang mukha.

Matagal kaming natulala bago ko nagawang lapitan si Zhyke. Tinapik-tapik ko ang mukha nito at para akong nawalan ng tinik sa lalamunan ng marinig kong umungol ito ng mahina.

"Mga kawal! Tawagin ang aking kapatid na si Luke! Bilisan niyo!" Hindi na nakapagbigay ng saludo ang mga kawal at agad itong tumakbo para hanapin ang pinakabata kong kapatid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Four Gods and a Servant (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon