4GAS 3

1 1 0
                                    

[Lily's POV]

Isa itong tatlong palapag na mansyon. Ang
paligid ay puno ng mga halaman na halatang inalagaan ng maayos. Makukulay ang mga bulaklak nito at napakagandang pagmasdan.

Halos lahat sa bahay ay gawa sa bubog kaya kitang-kita mo ang ilan sa gamit sa loob nito. Halatang mga mamahalin at may mga gawa pa sa ginto.

The roof is flat kaya siguradong may rooftop ito. Gumala ang paningin ko sa tahimik na paligid. Wala masyadong sasakyang dumdaan pero kapag meron ay mga mamahaling kotse lang. Siguro nasa exclusive subdivision ako.

He pulled me papasok sa bahay. Di ko ito tinitingnan at di din kinakausap.

"Mula ngayon, dito ka na titira." Tumigil ito para tingnan ang aking ekspresyon pero iniwas ko ang aking mga mata. "Ahmm as I was saying, dito ka na titira at doon" Tumuro ito sa pinto na nasa kanan ng hagdan na napakalawak. "ang iyong kwarto."

Hindi ko alam pero bigla akong dinala ng mga paa ko dun. Di ko tiningin manlang si Throne at iniikot ang doorknob. Pagpasok ko ay dahan-dahan kong isinara ang pinto at inilock ito.

Bakit kasi kailangan niyang alisan ako ng trabaho e kailangan na kailangan ko 'yon. Pa' no na yung bayarin sa ospital? Maghahanap nalang ulit ako ng trabaho. Bwiset naman kasi itong lalaking ito e.

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto at saka ko lang napansin kung gaano ito kalaki. Merong malambot at malaking kama na siguradong hindi kakasya sa kwarto ko dati. May bintana sa gilid nito na gawa sa bubog at may nakaharang na kurtina.

Ginala ko pa ang buong kwarto. May cabinet na gawa sa matibay na kahoy, study table at sariling C.R. Napakalawak din nito at kumpleto na ito mula sa shampoo, sabon at toothbrush.

"Lily?" May kumatok sa pinto at sigurado akong si Throne ito. Pano kung nabastos ko siya kasi bigla ko siyang iniwan? Tapos gawin niya akong palaka? Di manlang ako nakapagpaalam ng maayos sa tatay ko.

Bubuksan ko na ang pinto ng marinig kong may nagsalita sa likuran ko. "Bakit nakalock ang pinto?" Nandun ang bwiset at nakaupo sa kama.

"Panong—"

"Miss Lily, baka naman nakakalimutan mong diyos ako at di ko kailangan ng pinto para makapasok." Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Kailangan kita sa labas. You work for me, remember?" Sambit nito pagkatapos ay lumapit sa pintuan. "Kung nag-aalala ka nga pala sa trabaho mo, ako na magbibigay ng mga pangangailangan mo. At isa pa, alam ko na nasa ospital ang tatay mo. Binayaran ko na lahat ng gagastusin niya sa ospital. May damit sa cabinet, gamitin mo muna." At tuluyan na nga itong lumabas ng kwarto.

Gusto kong maluha sa tuwa kasi parang  nabawasan ng malaking tinik ang aking lalamunan. Alam ko na kahit isang taon akong magtrabaho ay hindi ako makakaipon ng pambayad sa gastusin sa ospital.

Mali ba na binastos ko siya? Kailangan kong bumawi at humingi ng tawad.

Agad akong nagbihis gamit ang damit na sinabi ni Throne. Isa itong maikling dress na kulay blue at iningatan konng hindi ito masira dahil mukhang mamahalin.

Bago lumabas ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Ngayon lang ako nagsuot ng dress because I prefer shirt and jeans. Pagkatapos itali ng maayos ang aking buhok ay lumabas na ako para puntahan si Sir Throne.

"Bago ang lahat, timplahan mo muna ako kape." Di pa ako nakakalapit dito ng mag-utos ito. Naka-upo ito sa kulay itim na sofa at nakatulala lang sa labas ng bahay.

"Sige po, Sir." Aalis na sana ako ng bigla itong magtanong.

"Sir? Tinawag mo ba akong Sir?" tanong nito sabay harap sa akin. Ang suot nitong polo ay nakababa ang botones hanggang sa pangalawa kaya kitang-kita ang build ng dibdib nito.

Ibinaling ko nalang sa sahig ang mga mata ko para di ko ito makita.

"Ahm... Pinag-iisipan ko nga po kung Sir o Boss o Master o di kaya—"

"Why not call me baby?" agad na namula ako mula pisngi hanggang tenga at agad na nag-init ang mukha.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo kaya napaatras ako ng ilang hakbang. Lumapit pa ito ng lumapit sa akin at akmang hahawakan na ang pisngi ko ng biglang... "Biro lang. Call me by my name."

"Ah sige po S—Throne." Napayuko ako sa sobrang hiya. Diyos yan di ka niyan papatulan.

"Wag ka na tumayo diyan. Yung kape ko?" di ko namalayan na nandun na pala siya sa sofa. Baka nagteleport nanaman.

Ang laki ng bahay pero parang walang laman. Walang ibang yaya tsaka parang wala din siyang kasama sa bahay. Lahat kasi ng picture na nadadaanan ko ay sa kaniya lahat.

Di naman ako nahirapang hanapin ang kusina kasi makikita naman ang dining room mula sa sala tapos kusina naman ang katabi nito.

Kumpleto siya ng gamit pero wala lahat halos bawas. Yung kape ay bago palang at kinailangan ko pang tanggalin ang mga plastic katulad din ng creamer.

Pagdating ko sa salas ay wala na siya dun. Hinanap ko kung saan-saan at sa wakas ay nakita ko rin sa likod ng bahay. Nakaupo ito sa harap ng table na nasa gilid ng pool.

"Sir! Ay... Throne pala! Kape niyo po!" sigaw ko mula sa pinto. Medyo malayo-layo siya sakin kaya nilakasan ko ang boses.

"Come here!" Sambit nito.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya dahil mukhang madulas ang daan. Sumigaw ito na bilisan ko kaya nagmadali ako.

Parang bumagal ang lahat ng biglang maapakan ko ang basang tile sa gilid ng pool. Nabitawan ko ang kape at malapit na akong bumagsak sa matigas na flooring.

Sinilip ko sandali si Throne na wala na dun sa inuupuan niya kanina. May malalakas na bisig na kumapit sa akin at tinulungan akong tumayo.

"Sa-salamat po." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba at dahil na rin para na siyang nakayakap sa akin ngayon. Diretso itong nakatingin sa mga mata ko.

"Di kasi nag-ingat e." Tuluyan na akong naitayo nito. Inalis niya na rin ang pagkakayakap niya dahil naramdaman niya na naiilang ako.

"Sorry po." Napatingin ako sa kawawang kape at basag na baso.

"Okay lang basta tandaan mong sinalo kita para next time na kailangan mo rin akong saluhin, sasaluhin mo ako." Inilapad nito ang kaniyang palad at parang nagreverse ang natapon na kape.

Unang lumipad papunta sa kaniya ang tasa at sumunod ang kape. "Para na yang galing sa lupa." bulong ko sa sarili ko pero narinig ako nito.

"Ano?" tanong nito ng nakataas ang kilay.

"Wala po."

"Mauna ka na. Ako na magdadala nito. Baka madulas ka pa, kasalanan ko pa." Nauna akong naglakad papunta sa table pero di ako umupo. "Sit." Utos nito ng makasunod na siya sa'kin.

Aba ginawa naman akong aso.

"Drink this." Inisod nito papaunta sa akin ang kape. Kumunot ang noo ko at tiningnan ko. Ang gulong kausap.

"Sa inyo po yan, diba?"

"Miss Lily, Gods don't drink coffee. Alak iniinom namin."

"Ah ganun po ba? E anong gusto niyo? Ikuha ko kayo ng alak?" magkakasunod kong tanong dito. Mukhang papabalikin nanaman ako nito sa kusina.

"No. It's fine. Tsaka pwede bang tigilan mo yung 'opo at po' mo?"

"E kasi naman PO, bakit may miss yung 'Miss Lily'?"

"Sige, Lily."

"Di naman sa nangingialam ako sa buhay mo, curious lang. Ilang taon ka na ba?"

"Ako? 1329 years old."

Four Gods and a Servant (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon