Birthday
Mabilis na lumipas ang mga araw. At ngayon ang birthday ni Andres. Naramdaman ko na lumundo ang kama. Ibig sabihin nun ay babangon na siya para mangisda. I stayed still and pretended to be sleeping. I felt him kiss my forehead before leaving. When I heard the door closed I automatically smiled and sat down.
Planado ko na ang mangyayari ngayong araw. Kinuntsaba ko na rin sila Aling Belen at Mang Domeng. They will help me pull through with this plan. Kahit gising na ako ay hindi ako bumangon. I decided to prepare the things I will be needing. Mamaya pa talaga ako makakapag-ayos kapag nasa sakahan na siya.
Mag-aala sais na nang marinig ko ang katok sa pinto. Agad akong tumakbo upang buksan iyon. Si Janet at Gina yun, ang usapan ay sila ang mamamalengke para sa mga rekados na kakailanganin sa handaan para kay Andres.
"Ito na ang listahan. Umalis na kayo! Pabalik na si Andres galing sa laot!" Agad na nagmadali ang dalawa paalis.
Good thing I already withdrew money ahead of time. Agad akong tumakbo pabalik sa kusina at nagluto na ng almusal. Niluto ko ang usual na breakfast naming dalawa, itlog, hotdog at danggit. He's so fond of danggit, I think it's his favorite. Not long after, I heard the door opened. Narinig ko ang mga yabag niya papasok.
"Good morning!" He immediately wrapped his arms on my waist and kissed the top of my nose.
"Hey beautiful." I smiled at him and pulled him to the table. Umupo na siya at kumain.
Pagkatapos noon ay naligo na ako. Siya ang naghugas ng pinagkainan. Nagbihis ako habang naliligo siya. Hinahatid niya ako kela Aling Belen gaya nang nakasanayan.
"Uy Andres! Magandang umaga!" Bati ni Megan. Tumango naman si Andres.
"Wag kang masyadong magpagod." I smiled at him. He kissed my forehead and left.
Agad akong tumakbo sa center at doon ko nakita ang iba pang mga babae. Buti na lang at hindi nakita ni Andres ang mga lamesa na gagamitin mamaya. Dadalhin namin iyon sa barangay hall mamayang hapon. Sarado ngayon ang center dahil lahat sila ay tutulong sa akin sa pagluluto.
This is the first time he will be celebrating his birthday after three years. I want it to be grand. Inimbita ko ang buong barangay. May pera ako and it's worth spending for someone very special to me. Nagpalechon pa ako. Tangina kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga pinagagawa ko but Im doing them anyway.
Nagpresinta si Aling Belen na dito na raw sa bahay nila magluluto. Walang kaalam-alam si Andres sa mga nangyayari. Matapos ang dalawang oras ay nakabalik na si Janet at Gina mula sa palengke. Kasama nila ang mga asawa nila na siyang nagbuhat ng mga pinamili. Kasalukuyan kaming naghihiwa ng mga gulay nang mapansin kong magtatanghalian na pala.
"Hala Aling Belen tanghali na!" Agad kong hinubad ang apron at tumakbo pauwi sa bahay.
Nakita kong kakarating lang ni Andres at binubuksan ang pinto. Shit amoy sibuyas ako! Ang baho ko na! Lumingon siya at ngumiti sa akin. Hinintay niya ako bago pumasok. I kept my distance because I stink. Kumunot ang noo niya at hinila ang palapulsuhan ko kaya nauntog ako sa dibdib niya. Marahan ko siyang tinulak.
BINABASA MO ANG
Crashing The Waves (Working Girls Series #2)
RomanceImelia Louisse Martinez dreams to become the Ms. Universe but someone will turn her world upside down. How can Andres, a man who found her because of the waves change the way she is? From Ms. Universe to his Universe.