Kabanata 18

6.7K 176 13
                                    

Decision 


Sa bahay na ako dumiretso pagkatapos nang pagkikita namin ni Ed. Si Bria na rin ang nagpalusot sa center na masama ang pakiramdam ko kaya ako naghalf-day. Sobrang wala ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin, isa lang ang sigurado para sa akin. I will protect him no matter what. 


Wala sa sarili kong kinuha ang phone ko. Bagaman may mga crack na dahil ibinato ko noong unang araw ko rito sa La Cecares, it's still perfectly working. I immediately called Nelle. Sana wala siyang flight. 


After three rings, she answered. Dinig ko sa background ang hagikhik ni Ianna at tawa ni Anton. How I wish to have a family like that with Andres. Iyong simple pero masaya.


"Hey, what's the matter?" I took a deep breath before speaking. 


"Can I ask about Joaquin?" Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Nelle. 


"What about him?" Tumingin na lang ako sa kisame upang pigilan ang mga luha kong nagbabadyang tumulo. 


"What was he like?" I need this. 


"He was like a brother to me Lia. Sobrang masiyahin at palakaibigan. Magaling siya magluto, tapos napakamaalaga niya. Lagi siyang nandyan tuwing kailangan mo siya." I smiled at let my tears fall. Joaquin's very dreamy. Just like my Andres. 


"Do you think he's happy now? Wherever he is?" It took her sometime to answer. I heard sobs too. 


"Honestly, yes. I think he's already in a place where he could be anything he wants too. Where he can be free to do anything he likes. Yung magagawa na niya yung mga bagay na makakapagpasaya sa kanya. He may always seem to be happy in front of me but I know that he's really sad. I miss him so much Lia. I really hope he's in a better place." He is. He is. 


Tinakpan ko ang bibig ko upang mapigilan ang mga hikbi ko. Tanginang mga luha 'to. 


"He must really love you." Nasabi ko sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. 


"And I love him too. I want him to be happy. To be genuinely happy even if that means that I'll lose him forever. At least kung nasaan man siya, malaya na siya." Agad kong pinaalis ang mga luha sa pisngi ko. I tried smiling so that my voice can seem happy too. 


"Thank you Nelle." Narinig ko na ang sigaw ni Ianna. She's calling her already. I heard the word 'mama'. 


"Lia, whenever you need anything. Anything at all. Don't hesitate to call me." We said our goodbyes and ended the call. 


Im so stressed at ang gulo ng utak ko ngayon. I decided to just clean the house. Bukas pa siya uuwi, makakapagplano pa ako. 


It was around 6 in the evening when I received a text. Sa phone ko iyon. I already deleted his number but Im sure that it was him. He told me to open my phone earlier. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon