DISCLAIMER: Trigger warning. Contain scenes of abuse.
Shoot
Just as planned, I pretended to be asleep after I ate. Joaquin is messing with my brain and I don't know how to react. Siguro dahil kulang din ako sa tulog ay naging totoo na ang pagkukunwari ko.
I woke up when I felt the car stop. Nakita ko na kakarating lang din pala ng bus namin. Ang organizer ang huling bumaba sa bus. That means wala nang makakakita na bababa ako sa sasakyan ni Joaquin. Leche takot na takot talaga ako sa issue ano? Ayoko lang na sabihin na naman na dinaan ko sa connections lahat. I am doing my best, and fullest effort.
"Narito na pala tayo. I can take it from here." Nginitian ko siya at bumaba na sa sasakyan bago pa niya ako mapagbuksan.
Tinulungan naman ako ng driver niya na ibaba ang gamit ko. He was just eyeing me as my bag was taken from the compartment. Nang makuha ko ang bag ko ay ngumiti ako at nagpasalamat. I walked at first pero nang hindi ko na sila matanaw ay tumakbo na ako papasok sa loob ng lobby ng hotel.
"My god Lia! Finally!" Hinila ako ni Macky, si Miss Ilocos Norte sa tabi niya.
She's one of the nicest girls here. Sumali siya last year pero hindi rin nanalo. But that made her known. Magaling siya at maganda, napakabait pa.
"Kakarating niyo lang ba?" I asked the obvious question.
"Oo eh. Girl bakit hindi ka nakasabay?" Tanong niya habang hawak ang kamay ko.
"I woke up late." Sagot ko at kumamot na sa ulo ko. Nakakahiya naman kasi talaga na nalate ako.
Tinipon kami sa gitna ng lobby para sa orientation at room assignment. They will give us two hours to rest and prepare for the shoot. Swimwear iyon na sponsored by Ramirez Fashion Industry. Apparently my cheater and asshole of an ex is here. I mean dalawa silang nandito pero yung isa hindi naman gago.
Luckily karoom ko si Macky at ang madaldal na si Miss Bataan. I actually like her too. Mas gusto ko kasi yung outgoing at maraming say na tao kesa yung tahimik na hindi mo alam kung ano ang iniisip.
"Hi Lia! I love your work! Plus lagi kong nakikita ang mukha mo sa magazine ng eroplano. Kahit hindi pa man nag-uumpisa ang shoot, ikaw na ang Miss Phil Air ko." Sabi ni Miss Bataan.
Bobo ako sa face recognition at pangalan kaya ngumingiti na lang ako. Sana talaga mamention ni Macky ang pangalan nito para hindi ako mapahiya. Leche naman.
"Exactly Yara. Im rooting for her." Dagdag pa ni Macky.
Okay noted. Yara. Sana hindi ko makalimutan.
"Ano ba kayo! We should root for each other. Ako kahit anong korona g na yan sakin." We all chuckled.
Nagkwentuhan pa kami at nalaman kong first time sumali ni Yara sa Binibini. She's a lawyer pala. Ang galing lang niya. Sa UP siya nagtapos at top 10 sa BAR exams. Sumali raw siya ng Binibini dahil request iyon ng lola niya na nanalong Miss Universe way back.
"Sana all." Nasabi ko na lang habang nagkukwento siya.
"Gaga. Ikaw ang sana all. Four time contender ka kaya. I think it's going to be your year." Dagdag niya pa.
I can see that she's very genuine. Hindi iyong plastic. Hindi pilit. Natural na natural lang.
"Pagnakulong ba ako, ilalabas mo ako sa kulungan?" Narinig ko naman na tumawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Crashing The Waves (Working Girls Series #2)
RomanceImelia Louisse Martinez dreams to become the Ms. Universe but someone will turn her world upside down. How can Andres, a man who found her because of the waves change the way she is? From Ms. Universe to his Universe.