Kabanata 25

7.4K 202 34
                                    

Lunch 


When we landed in Vietnam, he didn't even say goodbye to me. Hindi naman siya obligado. Tsaka naiintindihan ko naman kung galit siya sa akin. In my letter, I was the one who told him that I never loved him. Kasalanan ko rin naman. 


Kung tutuusin ay wala na kaming problema. Pwede naman na maging kami na ulit. Pero alam kong malabo na iyon. He's way too mad at me, and I can never rebuild his trust. Maayos na rin siguro sa akin na kahit papaano, kasama siya sa mga magandang ala-ala ng La Cecares. 


I just miss him so much, but even if I do. I can't do anything about it. Wala na akong karapatan na habulin siya, ayoko na siyang saktan ulit. Mahal ko siya pero hindi ko man lang masabi sa kanya. The worse is, he thinks that I didn't love him at all. I can't imagine the pain he felt when he came back home without me, but just a piece of paper saying that I haven't moved on with my stupid ex. 


Pagkasara ni Nicole ng pinto ng hotel room namin ay agad akong napaupo sa kama at inalala ang lahat ng nangyari sa amin sa loob ng ilang buwan.  


"He was there. I wanted to embrace him but I just can't." Hindi ko na napigilan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala. 


She looked at me and hugged me. Umiyak ako hanggang sa umayos ang pakiramdam ko. Akala ko kasi ayos na ako, akala ko kasi okay lang na makita ko siya ulit. Masakit pa rin pala. 


Hinayaan na lang ako ni Nicole sa kwarto nang magtour siya kasama ang iba pa naming katrabaho. She just told them that I wasn't feeling good. Natulog lang ako buong maghapon sa kwarto. 


Nagising ako nang ala sais ng gabi. I decided to take a bath. Paglabas ko ng banyo ay naroon na si Nicole na kakarating lang. 


"Tara na, sayang ang oras. Hindi pwedeng hindi ka kumain." She said as she crossed her arms in front of me. 


Tumango na lang ako at nagbihis. Nagsuot lang ako ng pantalon at ng isang halter top. I tied my hair up and applied some light make-up. Nagbihis na rin siya ng panibagong outfit at nag-ayos kasabay ko. 


We ate in a Vietnamese restaurant, one flight attendant knows how to speak their language kaya hindi kami nahirapan na makipag-interact sa kanila. We were in the middle of eating when they noticed someone. 


"First Officer!" Tawag nila kay Martin na piloto rin ng flight namin kanina. 


"Dito ka na umupo! Diyan sa tabi ng crush mo. I mean. Sa tabi ni Lia." Pang-aasar ni Jane. 


Ngumiti naman si Martin at lumapit na sa amin. Leche ano 'to, lantarang pambubugaw?


"May I?" Tanong niya sa akin. 


Tumango na lang ako. Who am I to say no anyway? Hindi naman ako ang may-ari nito plus katrabaho ko siya. Bakit ako magiging rude? 


"Sige na first officer, kausapin mo na si Lia. Single yan. Kunwari wala kami dito." Gatong pa ni Mabel. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon