Kabanata 22

6.6K 200 20
                                    

Runway 


"Ladies and gentleman we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, Philippine Airways welcomes you to Manila. On behalf of your flight deck crew, Captain Jace Mallari with First officer John Santos and the rest of the team. This has been your senior cabin crew, Lia. Thank you for choosing Phil Air. Have a great day ahead." 


Im on call today and it's my last flight. Isang linggo na rin akong binubulabog ni Victor na sumali sa binibini this year. Nalaman ni Nicole at Nelle iyon kaya pati sila ay pinagtutulungan ako. 


"Lia, dinner tayo?" Kami na lang ang natira sa eroplano dahil kakababa lang ng mga pasahero. 


"Sure! Kailan ka pa nakabalik? I heard nagtrabaho ka sa ibang airline." Kinuha ko na ang luggage ko. 


Inalalayan ako ni Jace bumaba ng hagdan. Nauna na kasi ang cabin crew kaya sila na lang ng first officer ang kasabay ko. It's already 8 in the evening. Day-off ko naman bukas kaya ayos lang na late ako umuwi. 


Hindi ako sumabay sa shuttle service dahil maghahapunan kami ni Jace. Matagal ko na siyang katrabaho kaya kami naging close. 


"Gusto ko mag-samgyup." He just chuckled at what I said. 


"Samgyup it is then." Nag drive na siya papunta sa pinakamalapit na Korean resto. 


Kahit pareho pa kaming naka-uniform wala na kaming pakialam. Lalo na ako dahil sobrang gutom ko na. I haven't eaten for five straight hours. Kung sino man ang flight attendant na dahilan ng pagpasok ko, sana hindi masarap ang ulam niya. 


"Hey slow down, you might choke on your food." Inabutan niya ako ng tubig. 


"Im so hungry!" Ngumiti lang siya sa akin. 


I probably look disgusting. Dama ko rin na may mga sauce sa gilid ng bibig ko. Can't be found na ang poise at grace sa ginagawa ko ngayon. Si Jace na rin ang nagluto, in short parasite talaga ako dito dahil kain lang ang ambag ko. 


"Saan ka ba nagpunta ha? Bakit ka nagresign tapos biglang bumalik. Saya yan." Tumawa lang siya sa sinabi ko. 


"Wala, I just tried it you know. Minsan kasi magsasawa ka sa comfort zone mo. Makes you want to try new things once in a while." Sagot niya habang nakatuon ang pansin niya sa niluluto. 


"Yeah, but you really go back to your first love in the end." Tiningnan naman niya ako nang nakakunot ang noo. 


"More of, you go back to your home in the end." Makahulugang sabi niya. 


Matapos naming kumain ay hinatid niya na ako sa condo. Nalaman ko na sa parehong building pala kami nakatira. Nagkahiwalay kami sa elevator at nagpasalamat naman ako sa kanya bago tuluyang umalis. 


It's my free day. Kadalasan ay late akong nagigising para makapagpahinga pero may lecheng nagdodoorbell kaya napatayo na ako. I looked at the time, it's freaking ala sais ng umaga and it's still somehow dark outside. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon