Kabanata 19

6.9K 199 39
                                    

Last 


I woke up the next day feeling a warm embrace. Hindi siya nangisda. Agad kong hinaplos ang mukha niya. Those long eyelashes, thick eyebrows, his jaw, lips, and his eyes. I will miss it. So much. 


"Ang aga pa pero pinagnanasaan na ako." Nasampal ko ang pisngi niya sa gulat. 


Agad naman siyang dumaing. Hinimas ko naman ang ang mukha niya gamit ang mga kamay ko. Ang gwapo talaga ng lalaking ito. 


"Nakakagulat ka naman kasi, bigla-bigla ka na lang nagsasalita." He just chuckled and opened his eyes. 


Hinila niya ako palapit sa kanya para mas mayakap ako. Kung pwede lang na hindi na umalis sa tabi niya, gagawin ko. 


"Can we ditch work today?" Tinaas ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakakunot naman ang noo niya.


"Okay, but you need to get checked. We're going to the hospital." Magrereklamo pa sana ako dahil wala naman talaga akong sakit. 


He kissed my forehead, then he stood up and went outside our room. I'll make the most out of today. Huminga ako nang malalim at napagdesisyunan nang lumabas ng kwarto. I caught him in the kitchen, cooking breakfast. Suot na naman niya ang apron at headband ko. Kinuha ko ang phone ko, I took a picture of him. Little does he know, this will be my last breakfast in our home. 


I went to him and hugged him from behind. I badly want to cry on his shoulders. But not this time. Nilingon niya ako nang nakangiti. 


"Crush mo na naman ako? Easy ka lang girl." Tumawa siya noong kinurot ko siya sa tagiliran. Feel na feel na naman niyang gwapo siya amp. 


Naglinis na lang ako habang nagluluto siya. Sinaway naman niya ako dahil baka raw mabinat ako. Eh wala nga akong sakit. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagwawalis. I'll miss cleaning our house. I smiled to myself even though my heart hurts so much. 


Siya mismo ang naglagay ng sinangag at ng adobong niluto niya sa plato ko. Kulang na lang ay subuan niya ako. Inirapan ko na lang siya para hindi niya mapansin na sobra akong natutuwa sa kung paano niya ako alagaan. He's just the man any woman would love to settle down with. Im so lucky, but Im about to let him go because it's his happiness that's at stake here. 


Gaya nang sabi niya, nagtungo kami sa bayan para magpacheck up. I tried convincing him but he insisted. Pumayag na rin ako dahil ayoko nang makipagtalo pa. I want this day to be memorable. 


"Oh, Andres, Lia, anong sadya niyo?" Nagulat ako nang makita ko si Megan. 


Ngumiti naman siya dahil sa naging reaksyon ko. Hindi ko pa man naitatanong ay sinagot na rin niya. 


"Nailipat na kasi ako sa morning shift, pero pansamantala lang naman." Sagot niya. 


Bagay talaga sa kanya ang white uniform ng nurse. Ni hindi ko man lang naranasan magtrabaho sa ospital. Pero ayos lang din, masaya naman ako sa naging buhay ko bilang isang flight attendant. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon