Kabanata 26

7.4K 236 40
                                    

Salad 


Pagkabalik namin sa Pilipinas ay lalo lang akong nalugmok. I googled the girl. She's everything Im not. Marise Camille Isidro is the first born of a wealthy family. Sugarcane plantation ang mayroon sila sa Negros. Ang sabi sa mga nabasa ko, siya raw ang girlfriend ni Joaquin bago ito nawala. Their relationship was kept discreet because of his engagement to Nelle. She was there since day one, ano namang laban ko doon? 


It's the preliminary competition today. Isinabay na rin ang talent. I just decided to do some tinikling. I used to dance back in college. Kaya I had some help from my former Salinggawi friends. Agad naman silang nagpadala ng ilang current members para tulungan ako. Si Victor na rin ang mismong naghanap ng choreographer. Sobrang hands-on ng mga kaibigan ko. 


Im now in the back stage. Kasalukuyang kumakanta ng kundiman si Miss Cebu. Hindi naman ako kinakabahan dahil basic na lang naman ito sa akin. Nang matapos siyang kumanta ay hindi muna ako pinalabas. Kumunot naman ang noo ko. Bakit? Bago pa man ako makapagtanong ay nagsalita na ang emcee. 


"Before we proceed, we would like to acknowledge the presence of the CEO of Elaire Steel Industries and  El Aire Logistics. Our newest major sponsor, Mr. Joaquin Andres Elaire." People clapped their hands. 


Pucha. Tangina ninerbyos ako bigla. Tangina nawala bigla sa utak ko ang sayaw na dalawang linggo namin prinactice. Shit! Maya-maya ay tinawag na ako. Putek. I walked with my chin up as I smiled. Kumalabog nang todo ang dibdib ko nang makitang nakaupo sa harap si Joaquin, katabi si Marise at si Anton na nasa gilid naman ni Nelle. 


Marise was whispering something to Joaquin that made him smile. Fuck. Nakangiti lang si Nelle at Anton sa akin. Ano 'to? Supportive parents tas yung katabi nila epal na ex? I took a deep breath. Ayokong maipit sa kawayan, hindi sa harap nila. 


I did my routine gracefully. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa sayaw kahit hindi na naman ako makahinga dahil narito si Andres. Nakangiti lang ako hanggang sa matapos ang sayaw. Hinawakan ko ang kamay ng mga kasama ko at sabay kaming nagbow. 


Pagpasok namin sa backstage ay agad ko silang niyakap. 


"Guys super thank you! I promise to treat you after the competition. Kapag pwede na akong kumain nang marami." They just chuckled at me. They reminded me of my college days. 


Pumunta na ako sa table ko at nagpahinga muna. Nang makaupo ako ay natanaw ko si Nicole na tumatakbo papunta sa akin kasama si Tita Avie. My friends' families are mine too. Kung hindi nga lang sponsor ang Phil Air dito ay baka narito na rin si Nelle kasama si Tito Ernesto. 


"Ang galing mo talagang sumayaw anak! Walang kupas!" Tita said as she hugged me. 


"Tita namiss kita! Ang tagal rin po nating di nagkita." She just caressed my hair and smiled at me. 


"All the judges were smiling as you danced! Kayo ni Miss Davao ang magkakatalo sa best in talent. Girl nagplay ba naman siya ng kulintang." Kwento pa ni Nicole. 


"Mamaya ka na dumaldal diyan, nako kumakain ka pa ba ha?" Tanong ni Tita. 


Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon