Kiara's POV
Dumating na ang araw na pinakahihintay ko
"Happy birthday Kiara Happy birthday Kiara happy birthday happy birthday happy birthday to you" sabay sabay na kanta nila
I wish payagan na ko ni papa na makita ang langit at araw
Pagtapos ng wish ko hinipan ko na ang kandila
Mga magulang lang namin ni Dark ang nandito kasama si ate at si Jasmine
20 years old na ko ngayon ilang taon ko nang hindi nakikita ang araw
Alam kong isa lang ang hindi masaya ngayong kaarawan ko
"Pa ayos ka lang?" tumango naman si papa saka ngumiti sakin
"Happy birthday bestieeee!" agad na sabi sakin ni Jas saka ako niyakap
"Thank you bestie" nakangiting sabi ko
"Bestie nga pala eto regalo ko sayo" sabay abot niya sakin ng kwintas hati yung heart niya at nasaakin yung friend
"Eto oh partner tayo" then we giggled ang cute kase
"Thank you talaga" saka ko siya niyakap pagtapos nun pumunta muna siya kila papa
"Mahal! Happy birthday" sabay hug niya sakin
"Thank you mahal"
"May bibigay ako sayo mahal tara" hindi niya na hinintay ang sagot ko at hinatak na ko papunta sa labas ng bahay namin kung saan nakapark yung kotse niya
"Surprise mahal!" sabi niya pagbukas niya ng compartment
"Wow thank you mahal" agad ko siyang niyakap
Binigay niya sakin ang isang human size teddy bear na kulay pink
"Meron din ako niyan kulay blue naman para partner tayo" napangiti naman ako
"Dalin ko muna 'to sa kwarto mo balik ka na muna sa loob" sabi niya saka binuhat yung teddy bear
"Thank you talaga mahal" sabi ko saka umakyat na siya sa taas
"Iha happy birthday" bati sakin ni tita Catherine (mama ni Dark)
"Thank you po tita"
"Happy birthday Sammm!" sabi ni tito Robert kasama si tita Elise yung asawa niya
"Tita, tito" saka ako lumapit sa kanila at niyakap sila
Wala pang anak sila tito at tita kakakasal din lang nila nung nakaraang buwan
"Ang tagal ko po kayong di nakita"
"Oo nga tagal mong di nagpakita samin" natatawang sabi ni papa
"Oh si Daphne ba yan? Daphne! Tagal din kitang di nakita" pumunta naman si tito kila mama
Bigla naman siyang umakbay sakin saka lumapit kila mama
"Tito, tita boyfriend ko po si Dark" nakangiting pakilala ko sa kanila napatingin naman si tito kay papa na parang di naniniwala kaya tumango si papa
"Nice meeting you po sir" saka kinamayan ni Dark si tito
"Tito nalang anak welcome to the family" natatawang sabi ni tito na nakapagpatawa samin
Sobrang saya ng birthday ko ngayon dahil nakumpleto kami
"Nako Robert eto nga pala yung mga magulang ni Dark si Christian saka si Catherine" pakilala ni mama sa magulang ni Dark
"Nice to meet you mga hipag at bayaw" natatawang sabi ni tito
"Nice to meet you din" sabay na sabi ni tito Christian at tita Catherine
Pagtapos nilang magkakilala lahat naaya akong manood ng movie pagtapos naming kumain
"Ano bang gusto mong panoorin natin Sam?" tanong sakin ni tito habang nagaayos ako ng mahihigaan namin dito sa sala
"Kayo na po bahala tito alam mo naman pong magaling kang mamili ng movie" natatawang sagot ko kay tito dahil bata palang ako parehas na kami ng pelikulang pinapanood comedy-action
Pagtapos naming maglatag naghanap na sila ng movie
Magkatabi kami ni Dark habang nakahiga katabi namin sila mama at papa nakaupo naman sa couch sila tito at tita kasama nila si ate Amber saka si Jasmine
"Inaantok ka na ba mahal?" bulong sakin ni Dark habang nasa kalagitnaan na kami ng movie
"Medyo" saka ako napahikab nakapatong yung ulo ko sa dibdib ni Dark habang nakayakap sa kaniya nakalagay naman yung kamay niya sa buhok ko
Pagtapos kong sabihin yun unti unting bumigat ang talukap ng mata ko
Dark's POV
Naramdaman kong natutulog na si Kiara kaya nagpaalam na ko kila tito at tita na iakyat na si Kiara para mas maging komportable siya
Maingat ang bawat hakbang ko para hindi siya maabala sa pagtulog niya
Dahan dahan ko din siyang nilapag sa kama niya at tanggalin ang sapatos niya pati ang tali ng buhok niya
Binuksan ko na ang aircon niya saka pinatong sa kaniya ang comforter niya
"Good night mahal happy birthday ulit" saka ko siya hinalikan sa noo
"I love you" bulong ko saka halik sa pisngi niya
"I love you too" sagot niya naman kaya hinalikan ko ang noo niya saka hinaplos haplos ang buhok niya hanggang sa makatulog siya ulit
Tyler's POV
Agad na bumaba si Dark paglagay niya kay Kiara sa kwarto
Nauna nang umuwi ang mga magulang ni Dark pati si Jasmine
Si Daphne at si Robert saka Elise nalang ang natutulog
"Tito alis na po ako"
"Dito ka nalang kaya gabi na din" umiling naman siya
"Wag na po tito uwi na po ako" tumango naman ako
"Sige iho magiingat ka" agad naman siyang lumabas sa pintuan kaya umakyat muna ko para i-check si Amber at Kiara
Una akong pumasok sa kwarto ni Amber, mahimbing ang tulog niya kaya tinaas ko ang kumot hanggang balikat niya at hinalikan siya sa noo
Sinunod ko ang kwarto ni Kiara kita kong nakangiti siya habang natutulog kaya hinaplos haplos ko ang buhok niya
"Wag muna ngayon anak, wag muna" naluluhang sabi ko
"Pwede bang bago ka nalang mag 21? Gusto pa kitang makasama ng matagal anak, kami ni Dark" agad na tumulo ang luha ko
"Mahal ka namin anak, mahal na mahal" hinalikan ko ang noo niyaNatatakot akong mawala si Kiara sakin at alam kong ganun din ang nararamdaman ni Dark
Kitang kita kong mahal na mahal niya si Kiara sa pagtingin niya palang at idagdag mo na ang bawat kilos na kay Kiara niya lang pinapakita at ginagawa
Sana pag dumating ang araw na gusto na ni Kiara na masinagan ng araw manatili si Dark sa tabi hanggang sa huling hininga ni Kiara
Sana hindi din saktan ni Dark si Kiara
Mahal namin si Kiara ayaw pa namin siyang mawala kaya susulitin namin ang bawat araw na kasama namin siya
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Nightfall (Complete)
RomanceNɪɢʜᴛғᴀʟʟ (𝚂𝚃𝙰𝙽𝙳𝙰𝙻𝙾𝙽𝙴) Kiara Samantha Davidson, a girl who have a rare allergy. She's allergic to sunlight, it's very uncommon. Solar Urticarial is the symptom that burns and make her skin itch when sunlight hits it. Like what others sa...