Kiara's POV
Nagising akong nasa ganung posisyon parin medyo masama ang pakiramdam ko dulot ng pagiyak ko buong gabi
Naghilamos na ko at bumaba na dahil 8 am na ng umaga
"Good morning anak kumain ka na" sabay hain niya sakin ng isang plato ng sinangag na kanin at dalawang hotdog
"Thank you po" kumain na lang ako kahit na medyo wala akong gana
Di ko din naubos ang pagkain dulot nga ng wala akong ganang kumain
"Anak maiwan ko muna kayo dito ni Amber pupunta lang ako sa office may kailangan kasing gawin" tumango naman ako kay papa
"Sige po pa ingat po kayo" pagtapos nun agad naman siyang umalis
Hindi pa bumababa si ate dahil hindi niya parin matanggap ang pangre-reject sa kaniya ni Dark
Naghugas muna ko ng pinggan pagkaalis ni papa
Agad kong nabitawan ang baso na hinuhugasan ko dahil sa pagsabunot sakin ni ate Amber
"Ate nasasaktan ako" daing ko habang kinakaladkad niya ko papunta sa pintuan
Agad niya akong tinulak palabas kasabay ng pagdampi ng sinag ng araw sa balat ko
"Yan ang napapala ng isang mangaagaw na tulad mo! Inagaw mo si Dark sakin narinig ko lahat Kiara! Kaya dyan ka na para hindi ka magustuhan ni Dark" agad niyang sinara ang pinto
"Ate buksan mo yung pinto!" sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan agad akong napaupo dahil sa sobrang panghahapdi ng balat ko agad akong nawalan ng malay at huli kong nakita ay ang paglapit ni Dark at ng isang babae sakin
Dark's POV
Habang naglalakad lakad ako sa tapat ng bahay namin biglang may humintong sasakyan sa tapat ko tinted yung salamin kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob
"Alam mo ba kung saan nakatira si Kiara Samantha Davidson" tanong ng isang matangkad na lalaki paglabas niya sa kotse
"Ah opo yung anak po ba ni Tyler James Davidson?" agad namang tumango ang lalaki
"Pwede mo ba kami samahan papunta dun?" tumango naman ako kaya binuksan niya ang kotse
Pagpasok ko agad kong nakita ang isang babae na nasa edad 30 pataas nakabalot siya ng kumot na tanging mukha lang ang nakalabas
Tinuro ko sa kanila ang daan papunta sa bahay nila Kiara hindi ko na dapat sila sasamahan papasok sa bahay nila nang makita naming biglang nawalan ng malay si Kiara
"Kiara!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kaniya
"Tito pakibuksan po yung pinto!" kinatok ko nang kinatok yung pintuan nila dahil nakita kong namumula ang balat ni Kiara
"Dalin na po natin siya sa ospital" agad na sabi ko dun sa lalaki dahil nakita kong namumula na ang balat ni Kiara
"Kiara pupunta na tayong ospital" kausap ko sa kaniya habang hawak hawak ang kamay niya papasok sa kotse
"Kiara" agad na sambit ng babae habang hinaplos haplos ang mukha ni Kiara
Pagdating namin sa ospital agad siyang dinala sa Emergency Room kaya tinawagan ko na agad si tito kasama ko parin yung babae at lalaki kanina sa kotse
"Tito si Kiara po sinugod namin sa ospital"
"Ano?! Baket? Anong nangyare?"
"Pumunta po muna kayo dito send ko po sayo kung saang ospital" agad kong ibinaba ang telepono saka sinend sa kaniya kung saang ospital namin dinala si Kiara
"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ni tito na umalingawngaw sa buong hallway papunta sa emergency room
"Hayaan mo muna kong magexplain" sagot nung babae kanina
"Umalis ka na dito! Diba iniwan mo na kami?!" sigaw ni tito kaya hinawakan ko siya sa braso
"Iniwan ko kayo da-" naputol ang sasabihin nung babae dahil bigang lumabas yung doctor at may sinabing nakapagpagulat sakin
Kiara's POV
Nagising ako dahil sa usapan ni papa at ng isang babae pamilyar yung boses niya
Unti unti kong minulat ang mata ko at puro puti ang nakikita ko kaya agad akong umupo at tinignan ang balat ko medyo namumula parin siya at medyo mahapdi
"Anak!" agad na lumapit sakin ang isang babae at niyakap ako natingin lang si papa samin
"Mrs. Daphne Davidson?" takhang tanong ko
"Ako ang nanay mo anak" agad siyang humiwalay sa yakap namin
"Iniwan mo na kami diba? Bakit ka pa bumalik?" malumanay pero malamig na sabi ko
"Parehas tayo anak...May allergy din ako kaya ko iniwan ang papa niyo dahil pakiramdam ko hindi niya ko matatanggap kapag nalaman niyang may ganun akong allergy" mangiyak ngiyak na sabi niya
Tumingin ako kay papa at binigyan niya ko ng 'tama siya anak' look
"Mama" nagulat naman siya dahil sa tawag ko sa kaniya kaya agad niya kong niyakap
"Ano bang nangyare anak? Bakit ka napunta sa labas?" bigla akong napayuko nang maalala ko yung nangyare kanina
"Pa si ate sinabihan niya kong inagaw ko sa kaniya si Dark kaya sinabunutan niya ko palabas ng bahay at sinaraduhan ako ng pinto" mangiyak ngiyak na sabi ko
"Pagsasabihan ko ang ate mo" agad na sabi ni papa
"Papa si Dark po wag niyo pong sabihin sa kaniya tungkol dito a allergy ko" agad na yumuko si papa
"Bakit kailangan mong itago sakin Kiara?" biglang pumasok si Dark
"Sorry ayoko lang magbago yung pakikitungo mo sakin pag nalaman mo yun" nakayukong sabi ko
Iniwan na muna kami nila mama para makapagusap kami ni Dark
"Kiara naman sana sinabi mo agad sakin hindi naman kita iiwan mahal na kita Kiara" bigla nalang bumuhos ang luha ko kaya niyakap niya ko at hinalikan sa buhok
"S-sorry, n-natatakot kasi a-ako" nauutal na sabi ko dahil sa pagiyak
"Don't be I'm always here Kiara hindi na ko lalayo sayo lalo na nalaman ko na ganito pala yung sitwasyon mo" now i feel safe whenever I'm in his arms
"I love you Kiara i won't leave you" mas lalo pa kong napaiyak hindi dahil sa lungkit kundi dahil sa tuwa
Dark's POV
"I love you Kiara i won't leave you and I won't let anyone hurt you again" mas lalo pa siyang napaiyak kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya
Now i get it kung bakit sinasabi niya sakin na sa nightfall nalang kami magkita dahil pala yun sa allergy niya
Alam ko na kung bakit tinted yung mga bintana nila at madilim sa loob ng bahay nila at alam ko na kung bakit Dark ang pinangalan sakin
Dahil dilim lang ang nakakasama niya tuwing hindi niya pwedeng makita ang araw
Itutuloy~
BINABASA MO ANG
Nightfall (Complete)
RomantizmNɪɢʜᴛғᴀʟʟ (𝚂𝚃𝙰𝙽𝙳𝙰𝙻𝙾𝙽𝙴) Kiara Samantha Davidson, a girl who have a rare allergy. She's allergic to sunlight, it's very uncommon. Solar Urticarial is the symptom that burns and make her skin itch when sunlight hits it. Like what others sa...