Chapter 20

19 5 8
                                    

Please play 'Surrender' while reading this chapter :›

Dark's POV

Sa pagbagsak ng katawan niya sakin ramdam ko ang panghihina ng katawan niya

Ayoko man isipin pero alam kong paggising niya...panahon na para magpahinga siya

Nandito kami ngayon sa ospital kung san namin siya dinala, katabi ko si mama at papa pati si Jasmine, sa tapat naman namin ang papa ni Kiara at ate niya pati na ang tito at tita niya

Tahimik lang kami habang hinihintay ang paglabas ng doctor para sabihin kung anong nangyari sa kaniya

"Family of Kiara Davidson?" sabi ng doctor paglabas niya na agad namin tinayuan

"Kami po" sabi ni ate Amber

"You all know walang cure sa allergy niya...ilang taon na niyang nilalabanan ang allergy niya at ilang beses na din siyang nasinagan ng araw base sa mga nakita namin sa balat niya" bumuntong hininga muna siya bago magpatuloy

"I know it's hard but...she need to rest... I'm sorry we did our best to search for the cure pero...wala talaga" agad na nanghina ang tuhod ko na nakapagpaupo muli sakin sa kina-uupuan ko kanina

Rinig ko ang pagiyak ng papa ni Kiara pati si ate Amber at Jasmine ganun din ang tito at tita niya

Nanatili lang akong tahimik, pinilit kong maging malakas sa harap nila para hindi panghinaan ng loob, pero mismong ako nadurog sa bawat sinabi ng doctor

"Pa bili lang po ako ng pagkain natin" paalam ko sa kanila

Agad naman tumango ang papa ni Kiara kaya bumaba na ko para pumunta sa lugawan

Pagbaba ko palang agad na bumuhos ang ulan kasabay ng luha ko

Kahit nanlalabo na ang mata ko dahil sa luhang nakaharang nakarating parin ako sa pupuntahan ko gamit ang kotse ko

Agad akong bumili ng lugaw pati na ng prutas at maiinom saka bumalik sa ospital

Inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok sa loob ng kwarto ni Kiara kung san nandun na ang lahat

Kitang kita ang pamumutla ng mukha niya habang natutulog siya

"Pa umuwi na po muna kayo para makapagpahinga" aya ko sa papa ni Kiara

"Kayo din po ma saka pa" sabay baling ko ng tingin kila mama

Tumango naman sila mama at nakita ko din ang pagalalay ni ate Amber at Jasmine sa papa ni Kiara

"Kaya mo bang magisa dito iho?" tanong sakin ng tito ni Kiara habang nakatingin ako kay Kiara

"Kaya ko po, sige na po umuwi na din po muna kayo" rinig ko pa ang pagbuntong hininga ng tito ni Kiara bago lumabas sa pinto

"M-mahal isang a-araw pa, p-pangako hahayaan na k-kita" agad na sabi ko habang hawak hawak ko ang kamay niya kasabay ng pagtulo ng luha ko

Kiara's POV

"M-mahal isang a-araw pa, p-pangako hahayaan na k-kita" sa simpleng salita niya at pagtulo ng luha niya sa kamay ko ay ang pagdurog sa puso ko

Alam ko at ramdam kong kailangan ko na magpahinga

Pero susundin ko siya, isang araw pa

~°~

Nightfall (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon