Dark's POV
Ilang buwan na ang nakalilipas magmula nang mamatay ang mama ni Kiara
Hindi ako makatulog nang maayos tuwing gabi dahil sa kakaisip kung anong mararamdaman ko kapag dumating ang araw na mawala sakin si Kiara
Naiisip ko palang na gigising ako sa umaga na wala siya parang hindi ko kakayanin
Kaya napagdesisyonan kong sulitin ang mga araw na makakasama ko pa si Kiara alam kong ilang buwan na lang ang natitira
"Good morning mahal" agad akong lumuhod sa gilid ng kama habang hinahaplos haplos ang buhok niya saka hinalikan siya sa noo
"Good morning mahal parang ang aga mo magising" nagunat muna siya sa kama at naghikab saka umupo
"Syempre mahal, nagluto ako" sabi ko sa kaniya kaya agad siyang pumunta sa cr para maghilamos at bumaba na ko para i-ready na ang lahat
"Wow mahal ang dami neto anong meron?" tanong ni Kiara pagbaba niya saka umupo agad
"Wala lang mahal lately kasi laging ikaw yung nagluluto ng breakfast kaya ngayon naisipan ko ako naman magluto. Sige na mag pray na tayo para makakain na" agad kaming nagdasal saka kumain
"Mahal punta tayo sa Enchanted Kingdom?" tanong ko habang kumakain kami kaya napatingin naman siya sakin
"Seryoso ba yan mahal?" tumango naman ako saka inilabas ang cellphone ko at pinakita sa kaniya yung pictures
"Sa isang araw na ang alis sakto sa monthsary natin pero kung ayaw mo pwe-" pinutol niya ang sasabihin ko
"Mahal anong ayaw? Alam mo namang dream kong makapunta dyan" nakahinga naman ako ng maluwag
Nagpaalam na ko sa papa ni Kiara kung pwede kong dalhin si Kiara sa Enchanted Kingdom dahil nabanggit niya sakin na dream niyang makapunta dun dahil sobrang ganda pumayag naman agad si papa para masulit ko ang bawat araw na kasama ko pa siya
~°~
Ngayon na kami pupunta sa Enchanted Kingdom kaya inaayos ko na yung mga dadalhin namin
"Mahal tara na" sabi ko pagpasok sa kwarto gabi ngayon kaya pwede kaming pumunta
"Tara na" sabay hawak niya sa kamay ko
"Ako na magbibitbit" agad na sabi ko nang kukunin niya na sana yung bag
Agad kaming sumakay sa bus, saglit lang ang byahe dahil malapit lang samin yung EK
Agad na kaming nagpunta dun at bumungad samin ang iba't ibang rides na pwedeng sakyan
"Anong una nating sasakyan mahal?" tanong ko sa kaniya
"Dun!" sabay turo niya sa Anchors away
"Tara na" agad ko siyang hinatak papunta dun para pumila
"Woohoo! Ang saya!" sabi niya at itinaas ang kamay habang pataas nang pataas
Tinitigan ko lang siya sobrang saya niya, masaya rin ako kapag nakita siyang masaya
BINABASA MO ANG
Nightfall (Complete)
RomantizmNɪɢʜᴛғᴀʟʟ (𝚂𝚃𝙰𝙽𝙳𝙰𝙻𝙾𝙽𝙴) Kiara Samantha Davidson, a girl who have a rare allergy. She's allergic to sunlight, it's very uncommon. Solar Urticarial is the symptom that burns and make her skin itch when sunlight hits it. Like what others sa...