Please play: I won't give up by Jason Mras while reading this chapter
Daphne's POV
Nagising akong sobrang sakit at hapdi ng balat ko dahil aksidente akong nasinagan ng araw nililinis ang bintana
Sobrang pagod ang nararamdaman ko na parang gusto ko na ulit matulog yung tulog na matagal bago ulit magising
Agad kong ginising si Tyler na nasa tabi ko saka ko sinabi kung anong nararamdaman ko
"Love gusto ko na magpahinga" sabi ko habang kumakain kami kasama si Amber
"Ma pagtapos kumain pwede ka namang magpahinga saka manonood tayo mamaya diba?" sabi sakin ni Amber na tila naluluha alam kong alam niya ang kung anong tinutukoy ko
"Love wag kang ganyan" sabi ni Tyler habang nakatingin ng diretso sa mata ko
"Pagod na ko love, ilang taon ko na ding nilalabanan 'to" mapait akong ngumiti sa kaniya saka hinawakan ang mga kamay nila
"Tatawagan ko lang si bunso" agad na tumayo si Amber at umakyat
"Love wag muna please" maluha luhang sabi ni Tyler habang hawak parin ang kamay ko
"Ayoko pa rin pero pagod na ko, gusto ko na talagang magpahinga" huminga ng malalim si Tyler
Amber's POV
Pagpasok ko sa kwarto agad tumulo ang luha ko habang dina-dial ang number ni Kiara
"Bunso" ginawa ko ang lahat para hindi humikbi
"Bakit po ate?"
"Si mama gusto niya na magpahinga" agad na bumuntong hininga si Kiara
"Sige po ate pupunta na po ako" sabi niya saka binaba ang tawag
Ilang minuto lang ang lumipas nagpunta na si Kiara kasama si Dark at Spark
"Ma" sabi ni Kiara saka niyakap si mama
"Anak papahinga na ko" sabi ni mama habang nakaupo sa couch hawak ang kamay ni papa
"Ma naman wala namang ganyan"
"Pasensya na kayo mga anak pagod na kasi ang mama" mapait na ngumiti si mama
Nagkwentuhan at nagkulitan muna kaming lahat bago matulog si mama
"Love pwede na ba ko matulog?" tanong ni mama habang naka higa siya hawak ang kamay ni papa na nakaupo sa gilid niya
Lahat kami nandito sa kwarto nila mama para makapag-paalam sa kaniya
Tumango naman si papa bilang sagot
"Ma i love you" sabi ko saka hinalikan sa pisngi si mama
"Ma ingat ka dun ha mahal ka naming lahat" sabi ni Kiara saka hinalikan sa noo si mama
"Tita-" agad pinutol ni mama ang pagsasalita ni Dark
"Mama na simula ngayon parte ka na ng pamilya namin ingatan mo si Kiara" nanghihinang sabi ni mama
"Opo mama iingatan ko po si Kiara lagi po akong nasa tabi niya hanggang sa dulo" agad naman hinawakan ni mama ang balikat ni Dark saka ngumiti ng mapait
BINABASA MO ANG
Nightfall (Complete)
RomanceNɪɢʜᴛғᴀʟʟ (𝚂𝚃𝙰𝙽𝙳𝙰𝙻𝙾𝙽𝙴) Kiara Samantha Davidson, a girl who have a rare allergy. She's allergic to sunlight, it's very uncommon. Solar Urticarial is the symptom that burns and make her skin itch when sunlight hits it. Like what others sa...