kabanata 6

41 6 0
                                    


"Are all clear na?" nakakarinding tanong ulit ni Part.

Nakapamaywang siya sa amin at parang leader talaga sa grupo. He also told everyone what should our plan be, gusto niya talaga na masunod ang gusto niya. Ayoko nalang maki argue pa dahil mas lalo akong naiinis sa kanya.

"Napagdesisyonan ko na kami nalang ng leader natin ang magpripresent ng gawa natin. Since ako ang nagbuo ng idea, mas marami akong alam at mas maiixplain ko ng mabuti ito sa professor natin."

Napairap ako sa kawalan dahil sa sinasabi niya. Ewan ko sa kanya kung bakit siya umaastang maraming alam, matalino at gusto niya siya ang magaling. Like what the fuck dude! College na tayo bakit pang elementary parin ugali mo? Tss!

"Gusto ko sanang isama si Ramylle sa pagpresent kaso dalawa lang ang pwede kaya..." hindi na tinapos ng lider namin ang gusto niyang sabihin at tumingin nalang sa akin ng maypagpapaumanhin.

I just smiled at her at umiling. Okay lang, may epal kasi.

"So mamaya na 'to. Nalagay mo naba 'yung background information ng ruins Ram?" Part asked me again.

I sighed heavily to lessen my irritation.

"Icheck mo kaya, para naman may maitulong ka no! Hindi lang tanong ng tanong ka diyan. You're also a member." I said when I cannot hold my temper anymore.

Nabigla siya sa sinabi ko, napatango siya habang mapaklang ngumiti. Lahatang na hiya. Tsk! I don't care.

Dumating ang oras ng presentation namin, last subject namin na ito sa hapon. Wala kaming klase dahil every presentor ay pupunta sa room ng professor namin at doon magprepresent ng gawa namin. It's all about the beautiful architectural old buildings here in Philippines. Naisip namin na siguro'y mas maganda kapag sa probinsiya kami kumuha ng mga old buildings na ifefeature namin sa activity project namin. Napili namin ang The Ruins. Ang ganda kasi ng architectural design, exterior and interior was lit. Patok sa mga bagets at oldies sa panahon ngayon.

Dahil hindi naman ako kasama sa magprepresent mas mabuting maaga nalang akong umuwi. Walang pasok sila Shat ngayon at nasa maynila siya kasama ang Tito niya. May importanteng gagawin. So it means wala akong kasamang umuwi ngayon.

Well, I'm okay with it, Sanay na. I'm always alone. Being alone is my sweet escape. I'm getting used to be myself always, without anyone helping me or guiding me.

Siguro nga dahil sa pag-iwan ng pamilya ko sa'kin dito sa probinsiya, Mas naappreciate ko ang katahimikan. Nagiging kilala ko lalo ang sarili ko. Mas napapakalma ako kapag mag-isa.

Nasa car park ako ng makita ko nanaman ang mga asungot ni Type. Papalapit palang sila sa'kin ay bakas na sakanila ang panunuya. May problema ata talaga sila sa'kin.

"Hey, Miss beautiful." wika ng spokesperson nila.

"Ano na? Matapang ka parin ba?" pinagkrus noong lalaki ang kanyang kamay sa dibdib. I think may matanda pa ata ako sa kanya o talagang isip bata lang ito.. Silang lahat.

"Alam mo bang gusto ka rin makita ng Boss namin. Sabi niya ayaw daw niyang hinahamon siya pero sabi ko baka tumiklop ka Boss kasi maganda si Miss, sabi lang ni Boss Aqous hindi siya titiklop kahit kanino, maliban kay Nilva. So ano? Gusto mo parin bang makita ang Boss namin?" tinaasan ako ng kilay nitong maangas na spokeperson nila.

I raised my left brow to him and craned my neck to the side to see his other member.

"Where's Liam?" I asked.

Umawang ang labi ng lalaking kaharap ko at kumurba iyon kalaunan. Nakangiti niyang tiningnan iyong lalaking sumilip sa likod.

"Hoy! Bakit?" may sumagot sa likod, I asumme na si Liam iyon.

Living Temptation (San Vicente Series #2 )Where stories live. Discover now