We need stop over on the convenient store in Llorente, nadaanan na namin 'yung buildings, at seaside. Ang susunod naming pupuntahan ay ang windmills, kanina we just take pictures on the seaview and the factories.
It refreshened my mood and it took all of my stress from school.
"Beer or soda?" rinig kong tanong ni Type habang ang atensiyon niya nasa fridge.
Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil baka totoong bente pesos lang ang pera niya ngayon at masyado akong maarte sa mga pagkaing pinapabili.
"Water will do." I answered.
Ngumuso siya at tinaasan ako ng kilay."Oy nahiya na.. Sige na pili ka sa dalawa, Bibilihin ko."
Tiim bagang ko siyang tiningnan at umiling.
"Water." seryoso kong wika.
Ayokong ginaganon niya ako. Jinojoke niya ako tapos feeling niya magkaibigan kami. Hindi kami magkaibigan at bagkakilala lang kami dahil sa pagtulong niya sa'kin at wala na akong balak pang pahabain iyon.
"Okay sige,"
Kumuha siya ng mineral dalawa at dalawa ring soda and beer. Tinaasan ko siya ng kilay habang nakatingin sa dalawang inumin na gusto ko. Nginitian niya ako at tinaas niya ang bottled water.
"Ito 'yung sa'yo, tapos akin naman 'to."
"Okay," inirapan siya.
Ako na ang bumili ng chips namin. Tutal siya nagbayad ng water ko ako na rin ang magbabayad ng chips. Bumalik kami agad sa sasakyan at bumyahe na.
"Ilang minuto pa ba, para makarating tayo doon?" I asked when silence eat the surface.
"Hmm, sa tantya ko five minutes nalang. Don't worry kung nababagot kana pagkarating mo doon sure ako na sulit.. Maganda doon at nakakawa ng stress."
Tumahimik na ako at inantay nalang na makarating kami. Yeah, totoo nga. Sa loob ng limang minuto ay nakita ko na ang mga higanting windmills. Pinark ni Type ang sasakyan malapit sa unang windmill. Lumabas siya agad at nagulat ako dahil lumapit siya sa pinto ko upang pagbuksan ako.
"Thanks," I said while I'm gazing the giant windmills.
Nakakamangha, para kaming langgam dahil ang tataas nito.
I started taking pictures on it, and selfies to be cherished. It's my first time here. For living my eighteen years here in San Vicente, I've been used to stay at my room or visits Kshatriya's house, or go to cities and have some vacations but I never think to went here. Ang ganda pala talaga. Nakikita ko lang ito sa gallery ni Ric kasama sila Zyvin Monzanto.
"Ang ganda dito, hindi ba?" tanong ni Type.
Nakita kong may nilatag siyang maliit na banig at doon nilagay ang mga binili naming pagkain.
"Yup, it's my first time here." sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya.
"Wee? Talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo," sagot ko ulit.
"Ang lapit lapit lang nito sa'tin. Bakit hindi ka bumibisita rito or kahit tambay lang?"
Himinga ako ng malalim at tumingin sa kanya."Kasi alam mo, may iba-ibang uri ng tao. Yung iba mas gusto 'yung gala, may iba naman na gusto sa bahay lang at ako iyong pangalawa sa nabanggit. G mo?"
Humalakhak siya, tinapik niya ang bakanteng pwesto sa harap niya. Nakaupo na siya sa banig na nilatag niya.
"Upo ka."