kabanata 13

28 5 0
                                    

"Mukhang badtrip ka doon ah?" bulong ni Type sa akin. Agad niyang tinanggal ang kamay niyang naka akbay sa'kin ng makalayo na kami.

I hissed and ignored him.

"Parang trip ka rin noon," sambit niya ulit. Panghihinuha.

I glanced at him and raised my brows.

"I don't know and I don't care." sabi ko nalang dahil wala talaga akong pake tungkol kay Part.

I heard him laughed a bit.

"Sabihin mo lang kung pagtripan ka niya."

I arced my brows.

"Why would I tell you, though?" I asked.

Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti ng malapad. Napapikit siya ng mariin at tumingin sa akin.

"Oh sige, kung ayaw mo Edi hindi." agap niya at tumawa ng malakas.

Gusto ko sanang sumimangot pero bakit ko naman gagawin 'yon?

"Pero what if pagtripan niya talaga ako?" that question was intended only for myself and not for Type pero mali atang naisatinig ko iyon.

"Eh di pagtitripan ka." sagot niya.

"Pero pagtitripan rin natin siya."

Ngumuso ako, naalala lahat ang pinakitang ugali ni Part sa akin nitong nagdaang linggo.

"I think he is." sambit ko.

"Gago! Pinagtitripan ka talaga niya?" bilog ang mata ni Type ng tumingin sa akin. Napakamot siya sa kilay niya.

"Anong ginagawa sa'yo? Binabastos ka ba? O kinukulit ng paulit ulit?" sunod sunod na tanong niya.

Napahinga ako ng malalim at tumingin nanaman sa kanya.

"Annoying lang tulad mo." sabi ko at nagmaunang pumasok sa loob ng canteen.

Nakita ko si Cyx sa usual spot namin. Kumaway siya habang nakangiti. Lumapit ako, nakasunod naman si Type sa akin.

"Zup bro?" usal ni Cyx at nag fist bump silang dalawa.

"Zup zup!" sagot ni Type.

Napairap ako sa sagot niya. He held a chair for me. May pagkain na sa table namin dahilan ng pagkunot ng noo ko.

Tiningala ko si Type na nag-aayos ng kanyang uniform. Binalingan niya rin ako kalaunan ng nakaupo na siya.

"Nga pala, nag-order na ako ng pagkain kanina." wika ni Type.

Kinuha niya ang walang laman kung pinggan at siya na ang kumuha ng pagkain ko.

Cyx looked at us with amusement on his face.

"Ang bilis mo talaga magpalit ng babae. Nakakabilib." natatawang sabi ni Cyx.

Bumaling si Type sa kaibigan niya at inismiran niya ito."Gago! Isa lang ang babae ko. Si Uno lang." apila niya habang natatawa.

Uno Monzanto?

"Alaws, iniwan kana. Nasa UK na 'yon."

Binigay ni Type ang pinggan ko at sakto lang ang laman doon. Siguro'y naalala niyang diet ako kaya sakto lang ang pagkain doon pero napakarami na to kung tutuusin. Diet nga, nagbabawas ng pagkain. May limit lang. Tss!

"Ayos lang, babalik naman 'yun sa graduation ko, kung papalarin akong makatapos." pagbibiro ni Type.

Kumain kami, nag-usap sila Type sa kung ano anong bagay,  paminsan minsan ay nasasali ako sa usapan.

Living Temptation (San Vicente Series #2 )Where stories live. Discover now