kabanata 12

29 6 0
                                    

Natulog ako agad at maagang nagising kinabukasan. Nasa isipan ko parin ang lahat ng kahihiyang ginawa ko kahapon sa shop ni Type.

"Oy nagmamadali ka talaga no?" natatawa niyang tanong habang pababa siya sa sasakyan niya. Hinatid niya ako kagabi at ng makarating sa street ay agad na akong kumaway pero he beeped so loud so I'd stop from driving.

Hindi ako lumabas at inantay nalang siyang lumapit sa akin.

"Ha? Hindi naman, uhm.. Masakit lang ulo ko kaya uh.. Gusto ko ng magpahinga ng maaga." palusot ko dahil nahihiya parin ako. Everytime our eyes met, naaalala ko 'yung unan niyang nalawayan ko.

Nakakadiri 'yun. Shit!

"Ganoon ba? Sa susunod hindi na kita papatulungin. You should rest now. Asan ba bahay niyo?" nilibot niya ang mata sa street. Tinuro ko ang tatlong palapag na bahay namin, Kulay red ang gate. Medyo malayo pero kita naman dahil mataas.

"Hindi ka ba pagagalitan ng magulang mo dahil gabi ka na umuwi ngayon?" he asked huskily. Seems like he's bothered.

Umiling ako at ngumiti.

"Wala sila, Nasa manila. I only have may personal Yaya." sabi ko ay kinawayan siya.

Napatitig siya sa bahay namin.

"Ang yaman mo naman pala, Tapos pinayagan lang kitang mag car wash."

I heard him chuckled. I also chuckled fakely. I wanna go home. Nahihiya parin ako sa kanya.

"Uhm.. Sige na. Papasok na ako." sabi ko at kumaway nanaman sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at nagsalute pa na parang army.

"Sige, bye. See you when I see you." sabi pa niya at tumalikod na nga sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko at napagdesisyunang maligo na. Kaninang madaling araw ay kumatok si Ate Maribel para ihatid ang breakfast ko. Dito na ako sa loob kumain at ngayon naman ay gusto ko ng maligo at matulog naman pagkatapos.

Wala akong balak umalis ng bahay. Siguro I'd sketch nalang. Buong umaga 'yun ang ginawa ko.

Nang dumating ang hapon at nakakatatlong sketches na ako ay Nakaramdam ako ng antok. Natulog ako at gabi na ng magising.

Damn! Ang sakit ng ulo ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ay may pagkain ng hinanda sa lamesa. Lumapit ako doon upang kumain.

Wala na si Ate Maribel, kanina pa siguro umalis kaya ako nalang mag-isa ka bahay.

This house is so big. My whole family lived here before. Masaya at maingay, hindi ko naisip o kahit sumagi manlang sa isip ko na titira ako dito ng mag-isa.

Alone and quiet, I can't say that I am sad because I used to be in this state all the time. Pero narealized ko rin na mas maganda kong may kasama ako. May makausap o kahit presensiya lang ay ayos na. Hindi tulad ngayon na kakain ako ng mag-isa. Mag-iisip ng mag-isa at walang makausap.

I suddenly want to go to Type's shop. Kahit madumi doon ay naientertain ko ang sarili ko. Kahit medyo annoying kausap ko at least may kausap parin ako.

Well, I don't know kung pupunta parin ba ako doon sa dami ng kahihiyang ginawa ko sa kanya kahapon. Nakakahiya. Tsk!

Natulog ako ng maaga dahil lunes bukas.

Kinabukasan. Napahinga ako ng malalim ng marating ko ang car park. Agad kong binuksan ang pinto ngunit sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Type nakaupo sa malapit na bench dito. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang sasakyan niya sa tabi ng sasakyan ko. Damn! Bakit hindi ko napansin.

Living Temptation (San Vicente Series #2 )Where stories live. Discover now