Chapter 24

1K 31 18
                                    

Note: Brace yourselves.

--

Fierce

Nakangiting kong pinagmasdan ang bracelet na ibibigay ni Kane sa akin nung birthday ko. May maliit na crystal na nakapalibot doon and beads na kakulay ng mga mata niya. Hinawakan ko iyon at dinama ng aking kamay.

Kahit papaano, sandaling nawala ang lungkot ko dahil  sa nangyari nung kaarawan ko. One week na ang lumipas simula noong birthday ko. Ganoon pa rin ang set up sa palasyo. Ilang buwan ko ng hindi nakikita si Dad. Si Mom, sandali lang minsan hindi pa. Alam kong galit siya sa akin. Dahil doon, lumambong ang lungkot sa aking mga mata at muling tumanaw sa bintana ng aking kwarto.

Tanaw na tanaw ko ang mga wolf na nagtratraining. Kasama doon si Kane. Nagjojogging sila paikot sa field. He was topless and so the Werewest na kasama niya. Pero angat na angat siya sa lahat. He have this power that you can't resist kahit na hindi pa siya umuupo bilang Hari. Ramdam na ramdam na ang kapangyarihan niya. Dalawa ang training ni Kane, isa sa umaga at isa sa gabi. Ung unang training it is for Alpha wolves and pangalawa ay personal na si Dad ang nagtratrain sa kanya, kaya nagkikita sila sa gabi.

Buti pa siya.

Napahawak ako sa aking dibdib. Ang sakit isipin na parang wala na akong puwang sa buhay ng mga magulang ko. Ang sakit sa pakiramdam na ung dating masayang pamilya na meron ako, iglap lang ay wala na. Unti unti ay parang niyayakap ng lamig ang puso ko. Habang dumadaan ang mga araw, namamanhid ako. Only Kane can make me feel emotions pero pag wala na siya, nawawala na rin ung pakiramdam ko.

"Fierce!" napalingon ako sa sumigaw.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil nakita ko na si Kane iyon. Nakataas ang kamay nito, waving at me. Matipid ko siyang nginitian and I wave back.

Sandaling kinausap ni Kane ang Warrior Captain na nagtratrain sa kanila. Nakita ko ang pagtango nito at mabilis na humarap sa bintana ko.

Iminuwestra niya na papasok siya sa loob ng kwarto ko. Pipigilan ko sana siya pero mabilis siyang tumakbo papasok sa palasyo.

"You should train, Kane. Don't go to my room" I mindlink him pero di siya sumagot.

Maya maya lang ay narinig ko ang pagkatok nito. Alam kong siya agad iyan. No one can ever make me tremble like that. Pinagbuksan ko siya ng pinto at sumalubong sa akin ang isang tray na pagkain. Hawak hawak niya iyon at mabilis na pumasok. He held my hand kaya napasunod ako sa kanya.

Nakatopless pa siya at tumutulo ang pawis sa likuran niya.

Inilapag ni Kane ang tray na hawak sa mini table ko at hinitak ang silya pero bago niya ako paupuin, he hug me then sniff my hair. Naramdaman ko ang pagkarelax ng katawan ko at katawan nito. Ilang sandali kaming nasa ganoong posisyon ng pinaupo na niya ako sa upuan.

"Eat"

"You should be training, Kane" sa halip na sundin siya, un ang unang namutawi sa aking bibig, tumitig ako sa mga mata niya habang sinasabi iyon.

Not even food can stop me from staring what is mine.

Umiling ito at itinuro ang pagkain.

"If you eat, I'll go back with my training" bumuntong hininga ako at kinuha ang kutsara at tinidor. Hindi na ako nakipagtalo dahil siya rin ang mananalo sa huli. Nagsimula akong kumain habang nakamasid siya sa akin na parang itatapon ko ang pagkain kapag hindi siya nakatingin.

"Go back to your training Kane. I'm eating" taboy ko sa kanya pero umiling lang ito.

"Finish your food then I go back" sigurista tsk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rogue's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon